Ikadalawampu't limang Kabanata: Punishment
"Gaella, aasahan ko ang pagpunta mo ah?"
Napanguso ako at nagkunwaring nag-iisip. Natawa ako ng pailalim nang nangunot agad ang kanyang noo at namula ang pisngi.
Parang sasabog na siya pero alam kong pilit niyang kinakalma ang sarili niya. Hindi lang dahil mapapagalitan siya ng kanyang ina kung hindi dahil ayaw niyang hindi ko siya pinapansin kapag nagagalit siya.
"Siyempre pupunta ako. Malakas ka sa akin eh."
Suminghal siya at ngumiti. Lumapit siya sa akin at inilagay ang takas na buhok sa aking tainga. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking pisngi.
"Hihintayin kita."
Agad akong namulat. Habol ko ang aking hininga habang pinakikiramdaman ang malakas na dagundong sa aking dibdib. Naitakip ko ang aking kamay sa aking bibig dahil pinipigilan kong umiyak.
"Gabby are you okay?"
Sunod-sunod ang naging pagtango ko. "Oo, Norman. Bilisan mo sa pagmamaneho."
"Alright."
Tumingala ako upang pigilan ang pagtulo ng namuo kong luha. Ipinukol ko ang aking tingin sa nadaraanang mga kabahayan. Ipinagpaalam ko na aalis ako at may aasikasuhin lang sa naiwang trabaho. Pero ang totoo... pupunta ako sa itinurong event ni Lyle.
This is my last chance to prove myself to Gabriel. I want us to talk privately. If I can't reach him, at least... he'll be able to hear me out.
Kahit iyon na lang...
Aalis na ako papuntang PMA. Mawawala ako sa buhay niya ng ilang taon pero bago man lang iyon, sana malaman niya kung gaano ko pinagsisisihan ang hindi ko pagtupad sa pangako ko noon.
Kung gusto man niyang manatili ako rito, siguro'y gagawin ko nga. Wala akong kongkretong plano pagdating sa aming dalawa, kung kaya't, kung iyon lang ang maaari kong gawin para sa kanya... gagawin ko.
Sadyang naagaw ang atensyon ko nang pilit na umubo si Norman. "M-Mukhang uulan ngayon."
Mula sa kanya'y napansin ko ngang madilim ang kalangitan. Enero na ngunit maulan pa rin sa ilang mga lugar sa Pilipinas.
"Matagal pa ba?"
"Traffic pa eh."
Nakagat ko ang aking labi. Tinulungan ako ni Lyle na mag-ayos kanina sa condo at ngayo'y pinakiusapan niya si Norman na ihatid ako roon.
Kinakabahan ako sa totoo lang. Alam kong maraming nanghuhusgang mga mata ang sasalubong sa akin. Pero marahil ay hindi na rin sila mangingialam. Tutal, si Eunice ang kilala nilang kababata ni Gabriel.
I just hope she won't be there. I just know it'll be more complicated if that would be the case.
But then I also thought... if it is an important event, she'll never miss it. She devotes her time to Gabriel and in taking care of him.
I exhaled loudly.
"Chill. Maaga pa naman. We'll make it in time."
"S-Salamat, Norman."
He smiled. "It's nothing. Pero... sigurado ka ba talaga sa event na 'to?"
"Yes. Why?"
"I haven't heard any event related to the Quezadas or any of their relatives. Nagtataka lang ako."
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...