Ikalabing-pitong Kabanata: Contentment
Ramdam ko ang bigat ng titig sa akin habang nagwawalis ako ng sahig. Tanghaling tapat na at sobrang init. Pinunasan ko ang tumatagaktak kong pawis. Lumapit siya at nasulyapan ko ang dala nitong panyo ngunit mabilis akong lumayo upang ayusin ang mga bote na nagkalat sa mesa. Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga.
Maagang umalis si Tita Sherly dahil uuwi ito sa Gabriella dahil doon na muna siya maninirahan pansamantala. Niyaya niya akong umuwi ngunit hindi na ako sumama. Bukod sa maaga ako sa trabaho bukas, hindi pa ako handang sumailalim sa mga tanong ni tatay. Paniguradong magtatanong iyon tungkol kay Gabriel. Wala pa akong maisasagot sa ngayon, at hindi pa ako sigurado kung papayag siya sa mga desisyon ko.
Si Nikkolai naman ay umalis din matapos makatanggap ng tawag sa isa raw niyang kliyente. Mainit daw ang ulo nito at nagmamadali dahil huli na siya sa kanilang napag-usapan. Sana lang ay hindi siya mapagalitan.
Pinunasan ko ang maliit na mesa na ginamit namin. Bumaha pa rin ang mga alaala kagabi. Mula sa pag-breakdown ni tita, hanggang sa huling mensahe na natanggap ko mula kay Gabriel. Pinag-igting lang ito ng presensya niya ngayon dito. Mga ilang oras matapos umalis si Nikkolai ay dumating siya. Marahil nagtataka ito kung bakit hindi na ako nakapag-reply kaninang madaling araw. Pwede ko namang idahilan ang naging inuman namin ngunit hindi ko mahanapan ng palusot ang kawalan ng gana nang tumawag siya kanina. Hindi ko na siya naawat nang magdesisyon siyang pumunta dito. Magkagayon man, hindi ko pa rin siya pinapansin. Bukod sa wala naman talaga akong sasabihin, wala pa rin naman akong naririnig na eksplanasyon mula sa kanya.
Tumayo ako at inihatid sa lababo ang mga plato at kubyertos. Tahimik lamang ako at itinuon ang pansin sa mga bula sa aking kamay.
Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa kanyang personal na buhay at sapilitang humingi ng eksplanasyon pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Natatakot akong pasukin ang senaryong iyon kung maghahatid lang ito ng gusot sa aming dalawa. Baka ako lang naman talaga ang nag-iisip ng kung ano-ano. Ayokong isipin niya na nangingialam ako sa mga desisyon niya. Lalo pa't wala naman kaming pormal na relasyon.
I mean... kailangan 'yon 'di ba? Hindi naman yata ako pwedeng magalit at magtanong nang basta-basta lalo pa kung may bahid ng pagdududa. He carries a powerful name and he has lots of connections. Maybe this situation is just petty for him. It's simple. He's working and I should be thankful that he's here. Ang dami ko pang arte.
Nagbara ang aking lalamunan at kusang tumulo ang aking mga luha nang agawin niya ang baso mula sa akin. Siya na ang naghugas nito at pinanood ko kung paanong ang malalakas nitong mga kamay ay banayad habang binabanlawan ang mga kagamitan. He's strong and tremendous yet he's gentle with everything. Even with my heart. It's like he's telling me that he's waiting for my rants and questions. I don't know how he does that; how he's able to do that.
Hinarap niya ako matapos niyang magpunas ng kamay. Sinimulan niyang punasan ang pawis sa aking noo papunta sa aking leeg gamit ang panyo na kanina niya pa inaabot. Nag-iwas ako ng tingin at mas lalong napaiyak. Hindi ko mapigilan. Siya ang mukhang may kasalanan pero bakit ako ang nagi-guilty sa malamig na pakikitungo ko sa kanya?
"Come on baby, tell me. 'Wag mong sarilinin lahat. Whatever it is, just tell me." Napanguso ako sa kanyang sinabi. Bakit? Hindi mo ba alam?
Umalis ako doon dahil hindi ko makayanan ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Bumalik ako sa sala upang ayusin sana ang mga throw pillows pero maayos na maayos na ang lahat. Binalingan ko siya at nalaman ko na agad ang sagot.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...