Ikalabingwalong Kabanata: Protect
Mabilis na lumipas ang mga araw dahil hindi ko na ito masyadong napagtutuunan ng pansin. Masyado kaming masaya ni Gabriel. Ganoon naman talaga. Hindi mo namamalayan ang oras kapag masyado kang masaya. Kapag naman malungkot ka'y kinakain ka ng mga iniisip mo, at ang malala, nagiging mabagal ang araw para sa'yo. Mas lalo kang nilalamon ng dilim.
Hinaplos ko ang pendant ng aking kwintas at napangiti ng bahagya. Totoo rin pala na kapag masyado kang naging masaya, kailangan mo nang ihanda ang sarili mo para sa susunod na maaaring mangyari. Kadalasan, hindi ito maganda. Matapos ang kasiyahan na naramdaman ko nitong mga nakaraan, heto ako't hindi na mapakali sa sasakyan.
"'Wag kang matakot. Ako nga, normal lang naman ang pakiramdam."
Mula sa kanya'y napatingin ako sa labas. Mabilis ang paglipas ng naglalakihang mga punong-kahoy at mga pasulpot-sulpot na bahay. Dahil nakabukas ang bintana'y nalalanghap ko ang sariwang hangin ng probinsyang ito.
"Pwede bang magdahan-dahan ka sa pagmamaneho?" kalmado kong tanong. Baka sakaling maantala pa ang byaheng ito ng ilang minuto. Hindi ko ito napaghandaan, at natatakot ako.
"Gabriella, mabagal na nga ito. Don't worry okay? We'll be fine. Trust me." Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan. Magkagayon man, hindi pa rin naibsan ang kaba ko sa aking dibdib.
Ngayon na lamang ulit ako makakabisita rito mula noong ako'y umalis. How I missed this place. Pamilyar na ang hugis at amoy na nakikita at nalalanghap ko. This is my home. At ngayo'y kasama ko si Gabriel sa aking pag-uwi.
Dumoble ang hataw ng aking puso nang pumarada ang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Linggo ngayon, paniguradong nasa bahay silang lahat.
Binuksan ni Gabriel ang pinto at sa oras na makatapak ako sa kalsada'y isinaayos ko na ang napagplanuhan kong sasabihin noong nasa byahe pa kami. Iniisip kong magpaligoy-ligoy, ngunit taliwas iyon sa iniisip ng kasama ko.
Lutang ang aking mga paa habang naglalakad papuntang bahay. Tanaw ko na agad ang malawak na likod ni kuya habang nagsasampay ng mga damit. Si bunsoy naman ay nakaupo sa isang munting kubo at mukhang nag-aaral. Agad na nawala ang kaba ko at ang namutawi sa akin ay pangungulila at galak.
Napaangat ng tingin si bunsoy nangingiti kong mukha at agad nanlaki ang mga mata.
"Ate!" Tumakbo ito at tinanggap ko ng buong-puso ang kanyang mahigpit na yakap. Nakita kong binitawan ni kuya ang pantalon at agad na pinahid ang kamay sa damit.
"Kuya..."
"Siraulo ka, sobrang miss na miss ka na namin," aniya sa mahinang boses at agad isiniksik ang sarili sa amin ni bunsoy.
"Miss na miss ko na rin kayo."
Ang sarap sa pakiramdam na hinihintay nila akong makauwi. Sa mga panahong nangungulila ako sa kanila, ang nagagawa ko lang ay haplusin ang kuwadrong dinala ko sa Maynila. Ngayong tahasan ko na silang nayayakap ay iba sa pakiramdam. Ayaw ko pang bumitiw.
"Tito..."
Kusang nakalas ang pagyayakapan namin nang marinig ko iyon. From afar, the great Daniel Maximo is standing like a sturdy tree. He is unmoving. Parang tumigil ang oras. Winaglit ko ang lahat ng aking iniisip at dire-diretsong tumakbo papunta sa kanya at yumakap.
Nabitawan niya ang dala-dalang timba at ibinalik ang yakap na katumbas ng ilang libong luha at lungkot. Bahagyang umaalog ang balikat nito at hindi ko na rin mapigilan ang mumunting luha ng saya habang dinarama ang sandaling ito.
BINABASA MO ANG
The Heart of a Wounded Soldier
Romance[La Esencia Series #1] - heart Despite the vast lands of her town, Gabriella Marie wanted to be something different. She came from a resilient family with overflowing affection and her sole inspiration is her father - a soldier. She is strong-willed...