CHAPTER 7

476 48 16
                                    


Ikapitong Kabanata: Interview



"Klio!"

"Pucha. Gabo ano ba 'yan ang bigat mo!"

Tumawa ako at bumaba. Ngiting-ngiti ako at kumembot pa ng bahagya habang winawagayway ang cellphone sa kanyang mukha.

Kumunot ang kanyang noo at pinunas ang kamay sa kanyang damit. Nakangiti lang ako habang tinititigan ang kanyang pagbabasa. Gumagalaw ang labi nito at malikot ang mga mata.

Nang tumigil ito ay tumingin siya sa akin at tumango-tango ako. itinaas-baba ko ang aking kilay at paulit-ulit niyang binabalik ang tingin mula sa akin papuntang cellphone.

Sabay kaming tumawa at nag-hip bump.

"Angas."

"Excited na ako Klio."

"Eh teka teka, dapat maghanda ka na. Baka ma-late ka pa dun edi pangit agad impression nun sa 'yo."

Napaismid ako nang maalalang nagkaroon na siya ng impression sa akin noong tumawag siya. Ang kaninang excitement ay napalitan ng hiya at kaba.

I am going to meet him now in person to talk about my application for the job, along with my bestfriend's. I sighed. For sure it would be purely business right?

Tama. Wala ng oras pa para mahiya o magdalawang-isip. Andito na ito. Para sa pangarap ko.

"2 pm pa naman daw. Kakain muna ako at baka mahimatay pa ako dun."

"Eh tara na! Alas dose na oh."

I am pretty confident that I'd do well later. Hindi naman ako mahiyaing tao at sapat naman ang aking kaalaman sa mga ganitong bagay. Magaling din ako sa pakikipag-usap sa iba.

"So, Ms. Naval ano naman ang maiaambag mo sa kompanya ko?" pagtatanong kunwari ni Klio habang kami ay kumakain.

"Talent sir. Magaling akong trumabaho," makahulugan kong ngiti at tumawa ito na parang wala nang bukas.

"Siraulo ka, 'wag mo mabanggit-banggit 'yan Gabo."

"Sinimulan mo eh."

Si Klio na ang nagbukas ng electric fan at mga bintana. Agad akong nagdiretso sa aking kwarto at inilabas lahat ng pwedeng suotin. Kumuha na agad ako ng undergarments at bumaba para maligo.

"Klio, ipili mo ako ng masusuot."

"Ge."

Nilinis kong mabuti ang aking katawan at ginamit ang aking shower gel. Matapos maligo ay agad akong lumabas. Suot na ang tuwalya at may tuwalya din sa ulo.

Wala na si Klio sa kwarto pagpasok ko. Nakita kong may hiniwalay na itong damit.

Binuksan ko ang electric fan at saglit na nagpahinga. Hindi na ako nag-apply ng lotion dahil mainit sa labas. Manlalagkit ako kapag naglagay pa ako.

Nag-apply ako ng deodorant at nag-apply din ng moisturizer sa mukha. Grabe ngayon lang ako na-excite at na-stress at the same time.

Tiningnan ko naman ang pencil cut skirt na above the knee at beige silk blouse na pang-itaas. Halos lahat ng formal attire na nakalatag sa kama ay mga sinusuot dati ni nanay sa trabaho.

Sinuot ko ito at kasya naman sa akin. 'Yun nga lang, medyo masikip na ito dahil developed na ang aking katawan.

Humarap ako sa salamin at inayos naman ang aking mukha. 'Di na ako masyadong maglalagay ng make-up. Sabi noon ni Tita Sherly ay light make-up lang kapag interview. Nakaka-distract kasi ito.

The Heart of a Wounded SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon