Vener Fabian Pov
Buong araw na umiikot sa isip ko ang babaeng biktima ng bullying kanina. Halos mapunit na ang bond paper na hawak ko sa inis sa kanya. Nakakainis kasi kung bakit hindi man lang siya lumaban?
Napakawalang kwenta. Masyadong walang tiwala sa sarili. Kailan kaya siya magigising sa hindi tama na tanggapin na lang ang mang ginagawa sa kanyang pananakit.
"You look pissed off, anak." Kapapasok palang ni mama dito sa mini office nito sa may second floor sa may Adminssion Building.
"Wala po. I want to go home." Tiningnan niya muna ang mga naka print na nga reports na nakalagay sa mesa nito, buti nalang ay agad ko itong natapos.
"Sige. Mauna ka na. I have a meeting at 4 o'clock pa, tatawagan nalang ko ng family driver natin mamaya."
"Ok. Thanks. Be safe po." Yumakap na ako sakanya bago lumabas ng office.
Paglabas ko ng office ay bumungad sa akin ang madilim ba kalangitan. Lumapit ako sa may grills, harang dito sa may hallway. Natanaw ko ang mga ilang estudyante. Nagsisitakbuhan ang ilan para makahanap na masisilungan, ang iba ay naghahati sa iisang payong para hindi mabasa pero halata naman na nababasa parin sila pareho. Inihanda ko na ang payong ko at naglakad na para hindi na maabutan ng malakas na ulan.
***
Dumaan muna ako sa may bookstore, hindi kalayuan sa University, para bumili ng isang libro na kakailanganin ko sa project ko sa Physics. Bahagyang humina ang ulan ngunit bakas ang ibinuhos nitong tubig dahil nagkaroon ng baha sa kalsada. Marahil dala rin ito ng mga kanal na barado dahil sa basura.
Ilang beses ko ng tinawagan ang family driver namin pero unattended ito, mukhang humina ang signal ngayong hapon dahil sa lakas ng ulan. Nasa gilid ako nitong bookstore, para makasilong sandali.
Kinuha ko ang payong na nasa pocket ng backpack ko para mabuksan. Muntik ko ng mabitawan ang payong na hawak ko nang may isang grupo na mga highschool students ang nakabangga sa akin. Kung hindi lang ako nakapagpigil ay naihampas ko sa mukha nila ang payong na hawak ko.
Bakit pa kasi naghaharutan pa?
Umuulan pa tapos nagtatakbuhan pa?
Mga bata talaga.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Patience, Vener. Patience. Ang lamig ng panahon pero ang init ng ulo mo!" Sermon ko sa sarili ko.
Napahilamos nalang ako ng mukha ko para kumalma. Kailangan ko na palang makauwi, mag-aabang nalang ako ng taxi. Sa di kalayuan ay may napansin ako. Nakita ko ulit siya. Nakatayo sa gilid ng isang poste may kasamang matanda at pinapayungan niya ito habang ang siya naman ay marahan na nababasa na ng malamig na patak ng ulan. Lumapit ako sa kanila at napako ang mga mata ko sa kanya.
Talaga bang wala siyang pakialam sa sarili niya?
Pumara ito ng isang tricycle at tinulungan nito ang matanda na makasakay. Kinausap niya pa ito at inabot ang payong sa matanda. Humakbang na ito paatras pagtapos nitong mag-abot ng bayad sa driver. Itinaas nito ang backpack nito at inilagay sa ulo niya para maging panangga sa ulan.
Nanatili itong nakatayo sa gilid ng kalsada. Ilang beses na siyang pumara ng jeep pero walang humihinto dahil karamihan ay puno na . Nilapitan ko na siya at pinayungan. Nagtaka pa ito kung bakit hindi na siya nababasa ng patak ng ulan. Umikot ito at humarap sa akin. Nakita ko ang mukha nito, basa ng ulan, maputlang labi, at malungkot na pares ng mga mata. Kinuha ko ang bag na hawak nito na siyang ikinagulat niya. Inabot ko ang payong ko pero hindi niya kinuha dahil nakatulala lang siya na tila naguguluhan sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...