°Amirah Azores Pov°
Kasama ko si Aki na nagpunta dito sa may orphanage, sa lugar kung saan sila lumaki ni Boni at Brandon. Kinupkop sila ni Asashi, mula pagkasilang ay iniwan na sila ng sari sariling mga magulang. Nakakalungkot man isipin, pero ngayon, s maikling panahon sa piling ni Asashi ay nabigyan sila ng bagong pag asa. Hindi ako nagtaka doon dahil sa limang taon na nakasama ko si Asashi ay naramdaman ko ang pag-aalaga at pagmamahal nito sa akin. Bilang anak niya, masakit man isipin na nawala siya sa piling ko ngayon kailangan ko siya, salamat kay Aki, Boni at Brandon na hindi ako pinababayaan kahit na pasaway ako.
"I-update niyo na lang po kami kapag may kailangan dito',' sabi ni Aki na yumakap kay mother superior.
"Salamat talaga, Aki at Haze!" Sabi ni mother superior Myrna na siyang namamahala dito sa bahay ampunan.
"Wala po iyon, kami po ang dapat mag pasalamat sa inyo dahil sa pag-aalaga sa mga bata dito," sabi ko at yakap din at humalik sa pisngi nito. Pagkatapos ay nag paalam na kaming umuwi.
"Umidlip ka na, mahaba pa ang byahe natin." Nakaupo si Aki ngayon sa may driver seat at binubuhay ang makina ng kotse.
"Mukhang mapapadalas ang pagbisita natin dito, sunod-sunod ang may birthday ngayong buwan," sabi ko at lagay ng seat belt, hapon na rin at mapapansin ang pag-iiba ng kulay ng paligid, unti unti ng bumabalot ang dilim sa mga puno at kabahayan.
"Well, I'm just here to drive. Alam mo 'yan, prinsesa ka namin." Nakaharap siya sa akin, at nakapinta ang ngiti niya na walang halong biro.
Bakit ngiti palang niya ay naghahatid na ito ng kakaibang pakiramdam sa akin?
Sobrang ang pagyanig n nararamdaman ko sa puso ko pero ang sarap maramdaman.
"Makatulog na nga lang," sabi ko at nagkunwaring natutulog na.
"Sleep well, my princess," he whispered.
Alas-onse na ng gabi ay nakarating na kami sa bahay ko. Ayoko pang gumising dahil ang sarap na ng tulog ko, kaso halos buhatin ma ako ni Aki palabas ng kotse niya, letse di makapag-antay.
"Eto na. Hindi naman ako lumpo," sabi ko at sakbit ng slim bag ko sa balikat.
"Ang bagal kasi kumilos. Maghilamos ka na at makapagpahinga ka na, " bilin nito habang isa-isa nitong kinukuha ang ilang pagkain na ipinadala ni mother myrna kanina sa birthday. Nilapitan ko na siya at tinulungan.
"Ayy oh, tatay kita?"
"Luh? Kailangan maging tatay para palalahanin kita?"
"Hindi naman." Mabilis kong sagot.
Oh diba? Taob naman ako, kaya minsan gusto ko na naka- hyper mode siya kaysa sa serious mode.
Pagbukas ng pinto ni Aki nakasunod lang ako sa kanya ng bigla may bumungad sa mukha ko, gusto ko na ulit lumabas. Nawala sa isip ko na may bisita pala ako...crap!
Anong bisita naman?
"Ohh gising ka na pala? Kumusta? Nilalagnat ka pa ba?" Sunod- sunod na tanong naman ni Aki.
Sige lang entertain mo muna , sakto para maka escape ako. Dahan- dahan akong naglakad sa may gilid para hindi nila ako mapansin pero pak pak ng kabayo naman oh!
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...