Wanna Go Back 11

30 3 0
                                    

°Amirah Azores Pov°



Bumungad ang gwapong mukha ni Vener nang maalis na nito ang suot ko na ulo ng panda.


"Kanina ka pa namin hinihintay sa may booth. Ba't hindi ka kasi nagpasama sa akin at nang matulungan kita." Umikot ito at nasa likuran ko na siya.

Hindi ko maiintindihan ang sinasabi niya dahil sa sobrang lakas ng pagkalabog ng puso ko. Naguguluhan din ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan.


"Teka! Anong ginagawa mo?!"


Narinig ko kasi ang pag-unzip ng zipper na suot ko mascot. Huli na para pigilan ko siya ng maramdaman kong lumuwag na ang suot ko at nakahinga na ako mg maayos.


"Ako magsusuot. Mahihirapan ka sa pagdala ng mascot." Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Nakainom ba siya? Daig niya pa ang lasing sa pinagsasabi niya.



Tuluyan ko nang hinubad ang mascot at siya naman pagkuha ni Vener at hinawakan ng mabuti. Bigla naman siya nagbato ng puting tshirt sa mukha ko. Mabuti at nasalo ko! Ang gentleman mo po!



"Basa na agad yang damit mo magpalit ka na." Inabot niya ang ulo ng panda sa akin.


"Ikaw na ang magsuot sa ulo at ako naman dito. . ."

"Hindi mo kailangan-"


Narinig namin ang pagtawag ng mga Student council sa ilang speakers na nakakalat sa buong campus. Simula na ang event.



K. Fine!




***



Nasa tapat kami ng photo booth. Habang suot-suot ko sa ulo ang improvised na ulo ng panda. Medyo ayos lang ang pakiramdam ko dahil hindi na masyadong maalinsangan. Ako ang tagabantay sa mga emoticon na nasa stick para may hawakan, ilang postcards, hats, eyeglasses, maging mga wig na iba-ibang ang kulay para maging props sa photo booth.


May time na sila na ang kusang kukuha sa mesa kung saan ako nagbabantay para makapag-picture sa kasama ko. Iilan lang ang nagpapakuha ng litrato sa nakahanda naming photo booth kundi sa lalaking naka-custome na panda.



"Kumain ka na, Amirah!" Isang burger, sundae at iced tea ang inabot sa akin ni Nikolai, isa sa mga kasama ni Vener sa pag-aayos ng photobooth ng section ko.


"Thank you. Si V-vener...baka gutom na siya?"

"Hindi 'yan! Malakas pa nga 'yan sa kalabaw. Basta ku.ain ka na," sabat naman ni Drei.



Hapon na at hindi man lang naupo si Vener. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na magpahinga muna. Hindi naman kasi maubos ang mga nakapila sa photo booth. May parte sa utak ko na masaya ako dahil kahit papaano ay maisasalba ko na ang mga grades ko. Ang kaso mukhang highlight na naman ako nito dahil tinulungan ako ni Vener, mainit na issue ito kay Phoebe.


Hindi nito gustong inaagawan ng atensyon. Ang paglayo ko ang dahilan kung bakit ayokong mapalapit sa kung sino man. Gusto niyang mahirapan ako at siya lang ang may karapatan na sundin at paglingkuran ko. Napalunok nalang ako ng laway sa mga posibleng mangyari sa susunod na araw. I really hate people who are helping me wherein ang tanging intensyon lang talaga nila ay tumulong. To be honest, hindi ko talaga kailangan ng tulong, dahil kapalit lang no'n ay mga sakit at pasa na babaon sa sistema ko.



***


Sabay-sabay na yumuko ang mga kasama ko, maging ako maliban kay Vener. Madam principal is here!

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon