*Flashback*
Someone's Pov
Sa kabilang bayan nakatira si Asashi, sa murang edad ay magaling na ito sa larangan ng racing. Mayaman ang kanyang pamilya, ngunit ganu'n pa man ang hindi niya inisip ang estado niya sa buhay. Malapit ito sa mga tao, pala-kaibigan at matulungin.
Minsan sa isang pista sa kanila ay may nakilala itong isang lalaki nag lalako ito ng mga gulay at tinapa sa gilid ng plaza. Dahil sa likas na pala kaibigan ay nakipagkilala ito. Ang batang iyon ay ang kinilalang tatay ni Amirah, siya si Elias. Hanggang sa magbinata ay magkasama sila, tila magkapatid na ang turing nila sa isa't isa.
Isang insidente ang nagpahiwalay sa kanilang pagkakaibigan, sa edad na bente tres ay na buntis ni Asashi ang kanyang nobya. Hindi ito gusto na malaman ng kanyang pamilya dahil mas mahalaga sa kanila ang pera sa karera, sa panahong iyon ay pagbagsak na ang mga negosyo nila. Minabuti na ilihim ang lahat, ipinaubaya niya kay Elias ang kanyang anak na pinangalanan niyang Amirah.
"Susuportahan ko siya, babawi ako sa kanya sa tamang panahon." Ang huling bilin nito kay Elias at sa kanyang nobya na pitong buwan ng buntis, bago umalis ang sasakyan nila papuntang Maynila.
Masakit man para sa isang magulang ay tiniis nalang niya ito. Hindi niya mapapatawad ang kanyang mga magulang kapag may ginawa silang masama sa kanyang anak. Takot itong may mangyari sa kanyang mag-ina, minsan ng nakita ni Asashi kung paano mag-agaw buhay ang kanyang ate para lang maprotektahan lang ang kanyang anak na limang buwan ng nasa tyan nito, nabuntis ng kanyang manliligaw, tila isang bangugot ang pangyayaring iyon sa kanya.
Dumagdag pa ang sakit ng mamatay ang kanyang nobya, dahil sa panganganak. Halos mawala siya sa katinuan dahil inisip nitong kasalanan niya ang lahat. Ibinuhos na lamang niya ang atensyon sa car racing. Hindi naalala na may anak itong nangungulila sa isang ama. Isang dekada ang lumipas nang mabalitaan nitong na atake sa puso si Elias, namatay ito, ang dahilan para magbalik ang kanyang alaala , ang kanyang responsibilidad, ang kanyang anak na si Amirah.
Ginawa ni Asashi ang kanyang makakaya. Inasikaso ang mga papeles ng kanyang anak, dahil sa lungkot ay hindi naging madali ang lahat. Nakakaramdam parin ito ng pagsisisi sa kanyang loob, hindi kailangan na mag hirap ang kanyang anak ng ganito. Hindi kailangan na mag-isa na hinaharap ang lahat ng pagod at sakit, hindi dapat maranasan ni Amirah ang mag-isa.
Ang aksidente ang naging dahilan para mapasa kamay niya si Amirah. Hindi niya inaasahan ang lahat ng mangyayari, kinuhanan niya ng video ang nangyari, labag man sa loob nito na ikulong ang anak ni Elias na si Phoebe ay kailangan nitong magising sa maling gawain nito. Hindi na nagsayang pa ng segundo si Asashi para lumusong sa tubig at sagipin si Amirah. Sakay ng isang yate ay agad silang umalis sa lugar. Ang simula ng bagong buhay ni Asashi ay magsisimula na kasama ang kanyang anak na si Amirah, kahit sa maikling panahon lamang.
*End*
***
° Vener Fabian Pov°
Dalawang araw ang lumipas, at ngayon lang ako nagising sa isang hindi pamilyar na lugar, mukhang nasa isang pamamahay ako ng kung sino. Naalala ko naman si Amirah, agad akong kumilos para makita siya, kung maayos ba siya. Matapos kasi ng pagkikita namin ay may biglang gumulpi sa akin ni hindi man ako hinayaan na makasuntok kahit isang beses lang hanggang sa lamunin na ako ng dilim.
"Buti gising kana." Dinig kong sabi ng isqng lalaki. Matangkad ito, maputi, may itsura naman, mukhang Japanese. Dumura siya sa isang maliit na trash can. Bubble gum?
"Nasaan ako? Sino ka?"
"Diba dapat kami ang magtanong niyan? Bakit ka nandito? Sino ka?" Sagot nito sa tanong ko ay tanong din.
"Si Amirah, kailangan ko siyang..."
"Amirah? Saan ko nga ba narinig iyon?" Tanong niya sa sarili niya at inabot na sa akin ang isang tray na puno ng pagkain.
"Ah! Kay makulit na Brandon!" Muntik ng mataob ang hawak ko tray sa pagsagot niya sa tanong nito, nakakabigla naman to.
"Excuse me? Kilala mo si Brandon?"
"Yeah...actually nasa kwarto ka niya," sabi niya at akmang aalis na. Inilibot ko ang aking paningin, halatang lakaki ang may- ari ng kwarto na'to, puti at utim ang motif may konting asul at gray.
"Si Amirah, nasaan siya?"
"Walang Amirah dito. Bakit mo ba hinahanap ang wala? Wala nga diba?"
"Kung wala? Gusto kong malaman kung bakit wala siya." Agad kong sagot dahilan para matahimik siya.
#
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...