Wanna Go Back 16

28 3 0
                                    

Note: Warning: This story is R18,  every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.



° Amirah Azores Pov°




"Ayan,  sleep tight."

Hinagis pa nito ang ilang natirang mga alak ma hindi nila naubos malapit sa akin. Pumikit nalang ako para hindi matamaan ang mga mata ko.  Naramdaman ko naman anh pagdaplis ng ilang bubog sa pisngi ko.  Ang pagbagsak ng pinto at ang pag-lock nila sa doorknob, ang tanging maririnig sa madilim na kwarto. Nagtatawanan pa sila habang kinakandado ang kwarto kung nasaan ako. 



Sumusuot sa ilong ko ang tapang na amoy ng alak,  at nalalasahan ko narin ang dugo na umaagos ngayon sa mumha ko. Ang tuyo kong labi ay nababasa na ng dugo dahil sa paghampas ng tabla sa mukha ko.  Dati kaya ko pa,  ang pagbuhos nila ng malamig na tubig, ang matisod,  ang madapa,  ang sampalin, mga tipikal na ginagawa nilang mga bully pero ngayon sobra na. 







An hour passed.



Nagising ako nang marinig na tumutunog ang cellphone ko,  mukhang may tumatawag.  Anong oras na kaya?  Sobrang dilim na dito,  ramdam ko ang panlalamig sa katawan ko. Ang hirap  huminga dahil sa paninikip ng puso ko. 



Naka-flash sa  screen ang unregistered na number. Hindi ko talaga balak na sagutin ito pero dahil sa panginginig  ng kamay ko ay na sagot ko ang tawag.  Dinig ko sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki.




Pati ba naman dito?!



Tinatanong nito kung nasaan ako. Gusto raw ni Madam principal na makapag-dinner kami dahil sa  pagkapananlo ko sa contest. Nasa school pa naman daw siya, sabay na raw kami umalis. Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko.



Hindi ko mapigilan na mapaubo. Tumalsik pa ang malapot na dugo sa screen ng cellphone ko. Narinig ko sa kabilang linya ang pagtatanong niya.   Bakas ang pag-aalala,  hindi ko kayang itikom ang bibig ko , patuloy ang pag daloy ng dugo sa bibig ko. 



"Sumagot ka naman!  Nasaan ka?!"



Umiyak na lang ako ng umiyak. Hindi ko alam pero bakit lalong sumakit yung pakiramdam ko. Lalo na ngayon na may nag-aalala sa akin. As I said, I don't want atention but for what I fell right now is yung intensyon na tulungan niya ako,  he cares for me


Dala lang ba ng takot at imahinasyon ko para lang mabawasan ang takot na naghahari sa sistema ko?





Siguro kahit minsan ay humingi ako ng tulong at kahit imposible ay may darating tulad ng mga napapalabas sa tv o mababasa sa mga nobela. 



Dahan-dahan akong tumayo at nagpunta malapit sa bintana. Hinawi ko ang makapal na telang tunatakip doon,  at nang makita ko ang nasa labas,  gabi na.  Wala na akong makitang mga students,  madilim at tahimik ang paligid.  Kahit anong punas ko sa pisngi ko para hindi na mabasa, ay patuloy parin ang pagkawala ng mainit kong luha sa aking mga mata. 






Itinapat ko sa salamin ng bintana ang cellphone ko, at  on ng flashlight,  doing the sos signal.  Para akong tanga na nakatayo doon,  imposble naman na may makakita sa akin.



Sino ba naman ang maglalakad ngayon sa school ngayong gabi na?



Tumunog ulit ang cellphone ko. Tumatawag ulit siya pero hindi ko sinagot,  may mga text na ito. He was asking where I am.  Hindi naman ako sigurado kung nasaan ako. Napaupo nalang ako sa sahig,  pagod na ako.   Pagod na umasa na may tutulong sa akin,  wala naman kasi talaga. Ang sarili ko nga hindi ko kayang tulungan.



Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon