Wanna Go back 15

27 3 0
                                    

Note: Warning: This story is R18,  every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.



°Amirah Azores Pov°



Kinabukasan ay nag-take na ako ng exam. Nasa loob ako ng faculty room,  sa may sulok,  tahimik na naghihintay sa instructor ko sa major subject.  Halos mabutas na ang lamesa na nasa harapan ko dahil kanina pa ako nakatitig dito. 



Abala ako sa pagbabasa ng notes ko,  finals na namin. Pinipilit ko paring punan ang pagkukulang ko sa mga subjects ko. May notice pa naman ako sa isang nagbibigay ng allowance sa akin kaya todo sunog ako ng kilay.



Parang nabingi ako ng biglang nagtawanan ang ilan sa loob ng klase kasabay na pagtingin nila sa akin.  Pinag-uusapan nila kung sino ang isasali nila sa quiz bee para lumaban, ang maging representative ng section. Gusto ko na ngang umalis dahil may gagawin pa ako.



"Prepare yourself Miss.  Azores."




"Sir? " Alam ko na may galit parin sa akin si Sir Castro dahil sa nangyari noon.  Alam ko na sinusubukan niya lang ako,  kahit hindi ko alam ang gagawin ay tatangapin ko na lang. Dahil sa mga tingin nila ay alam ko na pagtatawanan nila ako ng sobra. Wala naman akong alam sa mga ganitong contest,  at kapag hindi ako pumayag ay madadagdagan na naman ang galit ni Sir sa akin. 


Bahala na.






***



Next week wil be the Big one para sa akin. Kaasar! Dumagdag pa sa isipin ko ang mga pinapa-review na topic sa akin ni Sir.  Wala na nga akong tulog at pahinga. Umuuwi nalang ako kaagad para makapag-review ng maayos,  hindi ko na alam kung anong uunahin ko,  ang sa finals o sa qiuz bee? 


Habang nakatutok ako sa libro ay tumunog ang kawawa kong cellphone,  madam principal is calling.


'"O-Opo, Kinakabahan po".


"You  can do it, hija.  Kung nandyan lang sana ako sa school noon baka ako na ang mag- coach sayo."


"Si ma'am talaga. Good night na po,  ingat po kayo d'yan sa seminar  niyo po."


"God bless hija!  Anyways kumusta pala kayo ni Vener?"



Sa pagkadinig ko ng pangalan na 'yon,  parang nabura lahat ng inaaral ko.






Wrong timing naman si madam!



***

Nasa may rooftop ako, nahihilo na ako sa pagbabasa. Hindi ko alam kung ano na ang nauna at dapat unahin. Wala naman akong matandaan,  parang joke lang ang lahat,  pero ang totoo niyan ay wala ng isang oras ay mag-uumpisa na ang contest.



"Azores!  Ano ba!  Kanina tinatawag sa auditorium!" Nabalikwas ako ng higa,  nahagis konpa ang hawak kong libro kung saan dahil sa gulat,  inaantok pa ako!



"Anong oras na ba? "


"Basta pumunta ka na doon!" Inis pa nitong sabi at itinapon niya sa mukha ko yung name plate na ilalagay ko sa uniform ko.  Walang gana akong tumayo at naglakad na pababa para makapunta na sa auditorium. 


Nakayuko lang ako habang naglalakad,  ang ilang ay binabangga na ako pero ay wala lang sa sarili. Pilit kong iniisip yung mga pinag-aralan ko kung meron man pero wala. Ang sakit lang ng ulo ko. Hindi ko talaga kayang  ma-retain sa utak ko ang maraming information.



Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon