Wanna Go Back 18

19 2 0
                                    

Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.




*Amirah Azores pov*




2 weeks.





2 weeks akong nasa hospital, para magamot at makapagpahinga. Kung ako hahayaan ko na lang sana, ang kaso napakakulit nitong katabi ko ngayon dito sa may mesa. Nag-aaral ng mga na missed kong lessons sa school. May pagkamapilit kasi, pumayag na ako, may kondisyon nga lang.





After ng incident sa school, may nag-report sa kung anong nangyari sa akin. Nagpaliwanag ako, paliwanag na puno ng kasinungalingan para mapagtakpan ko sila Phoebe, pero bakas na bakas at sariwa pa ang mga sugat ko at galos sa katawan ko kaya nag mukha talaga akong nagsisinungaling. Kahit gaano ko samaan ng tingin si Vener para hindi umamin sa nangyaring pagbugbog sa akin ay nagkibit balikat lang ito, walang pakisama.





Kung hindi lang siya nag-stay sa bahay ay wala ako ngayon sa pagamutan. Ilang oras na kasi siyang hinahanap ng magulang nito akala nila na kidnap na siya or what. Hindi naman kasi nag-text man lang sa magulang nito para malaman kung asan siya, madaling araw na at malapit na mag umaga.





"Busy nga ako sa paghahanap sayo noon! Ang kulit, ulit-ulit."



"Kung pinabayaan mo na lang ako ,hindi pa ako abala sa inyo dito, na perwisyo ko pa kayo."



"Tumahimik ka nga, ang daming sinasabi. Kung gusto mo ng mamatay, hindi kita hahayaan. Hindi naman sulosyon iyon para matakasan ang sakit o hirap mo," diretsong paliwanag nito.



"Ang daling sabihin 'no? Hindi mo kasi nararamdaman, magkaiba tayo. Tandaan mo 'yan." Bato ko naman sa kanya dahilan para manahimik siya.










***





Dalawang araw at nasa bahay na ulit ako, hinatid pa talaga ako nila Madam Principal at Vener, nakakahiya na talaga. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi at para mabayaran sila.



Sa gitna na pagpapahinga ko ay biglang kumalabog ang pinto dito sa tinutuluyan ko kaya kahit hirap bumangon ay napatayo na ako ng wala sa oras dahil sa paghila sa buhok ko na kung sino.





"You ruined everything!" Sigaw niya at sampal sa akin gamit ang palad nito.



"Phoebe teka lang. Ahh!"



Gamit ang hand bag nito ay siya naman paghampas nito sa ulo ko para mapaluhod ako ng tuluyan.



"Ikaw ang dahilan kung bakit na kick out sila Anthony at Denver sa Eastrose!" Galit na singhal nito, she is referring to her friends na kasama nitong nanakit sa akin.



"Kayo naman talaga ang may simula ng lahat! Ginagawa ko naman ang gusto mo!"



Sinabunutan niya ako at walang awat na hinila ako palabas ng tinutuluyan ko.





"Marunong ka ng sumagot ha! Dahil ba may kapit k na ngayon babae ka! Wala akong takot sa Fabian na 'yon! Naririnig mo ba!"



Mabilis na kumilos ang mga kasama nito para takpang ako ng panyo sa mukha dahilan para mawalan ako ng malay.









***





Madilim, tahimik at walang kahit sino akong nakikita ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ako, ang tanging alam ko ay nasa dulo ako ng isang tulay na yari sa kahoy, kung mayroong tutulak sa akin ngayon sa aking likuran ay mahuhulog ako ng tuluyan sa malamig, malalim na tubig dito sa dagat.




Ano kayang pumasok sa utak ni Phoebe at naisipan niyang dalhin ako rito?





Maingat akong naupo, hirap mang kumilos dahil sa pagkirot ng ulo ko, dumagdag pa ang mahigpit na pagkakatali ng magkabilang kamay ko. Baliw na siya.



Hindi ko alam kung anong oras na. Malalim na ang gabi at kahit ang mga bituin ay ayaw magpakita sa akin ngayon. Mahigpit na nakayakap ngayon sa akin ang malamig na simoy ng hangin, at ang takot na unti-unting nagwawagi dahilan para kung anong nararamdaman ko sa loob ko, natatakot na ako.



Noon ayos lang sa akin kahit ilang beses akong saktan at maiwan mag-isa, pero ngayon dahil sa mga nangyari makaraan, na may nagparamdam na may halaga ako kahit ang sarili ko wala akong pakialam. If i did not put my guard down malamang ay tahimik ang buhay ko ngayon. Kung walang nagmalasakit sa akin at ipinaramdam na kaya nila akong protektahan, ay hindi ako aasa ngayon na may tutulong sa skin ngayon, dahil wala naman talaga. Siguro nadala lang ako, nadala ako na akala ko ay magtatagal, umasa ako sa unang pagkakataon kaya ngayon ay sobra ang sakit.




"Any last speech?" Seryoso na sabi ni Phoebe, napalingon ako sa aking bandang likuran.




"Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin," dagdag niya at humithit pa ng sigarilyo. Nakangisi naman ang tatlong kasama nito sa may gilid niya.




Sa totoo niyan, gusto kong mag pasalamat sa kanya. Magiging maaga ang pagkawala ko dito sa mundo. Magiging malaya na ako sa kung anong sakit at hirap ba nararanasan ko ngayon. Makakahinga na ako, makakawala na ako sa yakap ng kalungkutan.




Inabot niya ang aking baba at marahas niya itong hinawakan, ramdam ko ang pagbaon ng kuko nito sa balat ko, dahil sa pag-ihip ng hangin ay naramdaman ko kaagad ang hapdi mula sa sugat na nagawa nito.



"Huwag ka ng umasa. Walang magliligtas sayo, walang superhero na ipagtatanggol ka, kawawa ka naman," at binitawan niya ako.



"You know, maswerte ka
  You have everything pero bakit kailangan ganito pa?" Matapang ko na tanong.



"Bored maybe? Ang sarap mo kasing makita na nasasaktan. Your blood running out of your wounds make me feel alive."




"Sayang lang at baliw ka." Nahagip ng lente ng mga mata ko ang bahagyang pagtawa ng mga kasama niya. Kaagad niya itong tinapunan ng masamang tingin at binalingan niya ako. Akmang sasampalin na niya ako ng sumabat ako.



"YOU BITCH!"




"You want me say a word, Phoebe?" tanong ko, kahit na tuyong tuyo na ang lalamunan ko ay pinilit ko parin na magsalita.



"Thank you a lot. Thank you for doing things easier for me. To tell you, my dream is to vanish. I really want an end...end of my life. Thanks for whomsoever who created you because he or she give you to me. I never ...ever  forget you. You are the best shit happen to me. Thank you." Mahabang sabi ko na siyang ikinatigil niya. Nakakatawa lang na mas ginatungan ko pa ang galit niya sa akin, lalo kong nasaksihan ang pagkulo ng dugo niya at panlilisik ng magkabilang mata niya.




And thats the sign para tuluyan kong makasama si kamatayan.


#

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon