Present Day at Eastrose University
°Amirah Azores Pov°
Nasa may students center ako ngayon, isang hindi kalakihan na function room para sa mga students, parang library, pero walang mga libro. Halos mga mahahabang table at mga upan, aircondition at bawal mag inggay, parang study room para sa mga students na kailangan mag-aral tulad ko na isang pitik nalang
Hello sinco na.
Hinihintay ko ngayon ang isang student na tutulungan daw ako, looks like tutor? Ang tanda ko na para magkaroon ng tutor. Ano naman pumasok sa kokote ni Dean at naisip niya 'to?
Kaya ko kahit mag- isa pero mas kailangan ko ng makapag- test para iaahon ang mga grades ko kinabukasan. Kakailanganin talaga natin ng makakasama kahit sa anong bagay. Sana lang talaga makatulong yung student na magtuturo sa akin...
mukhang hindi.
Bakit siya nandito?!
Baka naman napadaan lang pero, sa lawak ng space dito ay sa tapat ko pa siya naupo?
Is he blind para hindi makita na andaming mga seats para upuan o sadyang trip niyang umupo sa tapat ko?
"Good morning," walang emosyon nitong sabi, abala itong nakatutok sa manipis nitong tablet. Hindi man nag abala na tinginan ako.
"Ahm, sino sila? I mean who are you? Ikaw, ba yung ipinadala ni Dean?" mahinang sabi ko na kinakabahan dahil parang naramdaman ko na dati ito sa kanya pero hindi ko maipaliwanag. Sana hindi siya. Sana kahawig niya lang pero masyadong identical ang itsura nito.
"Hell yeah, this is absurd right? "
"Absurd your face," bulong ko, dahilan para humarap ito sa akin at magtama ang paningin naming dalawa.
Hindi siya kumibo, parang nakain nito ang dila niya at nakakunot pa ang noo nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nagtataka nitong tanong pagkatapos ay mabilis nagbago ang ekspresyon nito sa pagkaseryoso mula sa pagkagulat.
"So, ikaw pala, Ms." Ibinalik nito ang paningin niya sa tablet nito na hawak- hawak niya.
"Naliligaw siguro 'to" bulong ko.
Lalong kumunot ang noo nito at nagbuntong hininga pa na sobrang lalim.
"Hindi ko gusto to pero... Nevermind, let's start now. I don't want to waste my time for a nobody."
"As if I want to be with you, Mr. " Sabad ko naman.
Isang oras ang lumipas ay nasa kanya kanya kaming libro nakaharap. I mean ako lang pala dahil naglalaro lang siya sa tablet niya ng games.
Kaya ko naman makapasa, nakapasa nga ako dati pero ngayon ay nagka pasa naman ako sa katawan dahil kila Phoebe. Nag- focus nalang ako pag-aaral ko. Kailangan ko ito para may panggastos ako sa school at para mabuhay sa pang araw- araw.
Teka lang wait self.
Akala ko ba ayaw mo ng mabuhay?
"Excuse me?" walang gana nitong tanong at nagtapon ng tingin sa akin.
Hinarap ko ito at tiningnan ko siya ng sobrang blankong ekspresyon ng mukha. Mahigpit kong hinawakan ang mga libro ng gamit ko sa pagre -review. Kita ng nag mamadali ng umalis yung tao, eeksena pa. Tsk.
"Yes? " tanong ko naman agad.
"Talagang may attitude ka no? "
"If there's no important in— "
"Bakit ka ba nang iiwan dyan?" Ramdam ko na may iba pang ibig sabihin ang sinabi nito, at ayokong isipin pa iyon ngayon dahil wala rin namang kwenta at hindi ikauunlad ng bansa 'yon.
"Ako'y mauuna na at may gagawin pa ako, salamat." Yumuko pa ako para may bigay galang kuno.
"Fine! Go and leave." Tumayo narin siya at tinalikuran ako.
Bakit siya pa naunang umalis kaysa sa akin?
Pinagmasdan ko ang paglalakad nito hanggang sa makalabas ito ng function room. Inayos ko ang upuan na ginamit nito, siya pa may ganang mag-inarte, wala namang ginawa Wala naman akong pakialam kung magulang niya ang campus director. Bahala siya doon.
***
Next day.
Parang wala rin naman akong kasama, gusto ko man na ireklamo na wala namang ginagawa si Vener para turuan kuno ako, kaso sino ba naman ako? Ang demanding ko naman masyado, pero lalo lang nadagdagan ang issue na meron daw kaming dalawa. Mga tao talaga, kahit na wala kang ginagawa o kaya tahimik ka lang ay hahanapan at maghahanap sila ng mapag -uusapan sa pagkatao mo para husgahan ka.
"Less than 3 hours ang review mo dahil may lakad pa ako ngayong araw."
"Pwede naman po kayong umalis na," sabi ko in a sarcastic way.
Bakit pa kaya siya pumunta rito?
Wala naman siyang ginagawa kundi ang tumulala at magtipa sa tablet niya. Ni hindi ko man nakita na humawak ito ng module o nagbasa sa tablet niya.
"Kung may choice ako na iwan ka na, baka kanina pa ako wala kaso wala akong choice kundi ang mag- stay. "
Inilapag nito ang tablet niya sa mesa, dinig ko ang tunog mula dito. Nakakaantok ang tunog, umayos siya ng upo at marahan akong tiningnan.
"Gisingin mo ako kapag oras na. " Bilin nito at yumuko na sa mesa at natulog.
As if naman gagawin ko iyon.
Nag-aral na lang ulit ako pero sadyang nakakaantok ng kanta.
WITHOUT YOU
(AJ Rafael ft. Moira)
***
Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko ng dalawang beses. Pagtingala ko ay si kuya security guard. Nakatulog pala ako.
"Labas na."
"Pasensya na po," mahinang sabi ko.
Umalis na rin ito kaagad, habang ako ay kinukusot ang mata ko. Lintik na bakit ba ako nakatulog! Iniligpit ko na ang mga gamit ko nang may mapansin akong nakadikit na kulay blue na sticky note sa isang notebook ko.
"Sleep well- VF" ang nakasulat.
Bwisit bakit hindi niya ako ginising man lang!
Kakahiya!
#
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...