Wanna Go Back 31

18 3 0
                                    

Note: Warning: This story is R18,  every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.





°Amirah Azores Pov°




One week passed. Naging busy ang bawat araw na dumaraan. Pasalamat talaga ako kay Vener at nandito siya. Madalas siya ang kasama ko pagpunta sa orphanage. Naging abala rin si Aki sa trabaho nito. Mabilis ding naayos ang sasakyan ko kaya ito ang ginagamit ko pagpunta sa orphanage. Ang akala ko makakasama pa namin sila Boni at Aki sa bahay. Hindi ko rin naman masisisi na may kanya kanya rin silang mga buhay.



"Nasaan ang kuya mo? Tawagin mo na at makakain na tayo." Nasa may dining area ako at nag-aayos ng mga pagkain. May okasyon ngayon, birthday ni Clarisse, isa sa mga bata sa orphanage. Naisipan kong pumunta kami sa malapit na private resort. Gusto ko ring ipasyal ang mga bata.




Malawak ang lugar, napapaligiran ng mga puno at iba't-ibang halaman ang buong paligid. May mga swimming pools din, cottages at isang malaking resthouse kung saan kami nagpapahinga. Nakikita ko mula sa malaking transparent na bintana ang nasa labas. Masasayang mga ngiti sa  mukha ang nakapinta sa bawat bata. Abala naman sila mother superior sa handaan. Katulong din ako sa paghahanda ng mga Birthday designs, regalo at mga pagkain.




Nagtataka ako dahil hindi mahanap ng lente ng mga mata ko si Vener. Nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko ang pagkakaroon niya ng distansya sa akin. Madalas nasa may garden ko siya kasama ang mga tanim ko. Minsan kausap niya si Brandon pero pagdating akin...



malinaw na umiiwas siya at hindi ko alam ang dahilan.




***



Hapon na at nagsimula ng magpahinga ang mga bata. Pagod ang ilan dahil sa mga parlor games na inihanda namin para sa kanila. Abala ako sa paglilinis nang mapansin ko sa may gilid si Vener. Nakayuko at tahimik na nagwawalis. Hinahayaan ko lang siya, baka gusto niya lang din ng space. Hindi na kami tulad noon. Nagtataka ako simula nang umalis si Aki sa bahay. Nakita ko silang nag-uusap noon pero wala akong ideya sa mga pag-uusap nila. Marahil iyon ang dahilan kung bakit lumalayo siya ngayon.








Binalot na ng dilim ang buong paligid. Naghari na ang malamig na simoy ng hangin. Nagniningning na ang mga bituin sa kalangitan. Maging ang buwan ay hindi nagpatalo sa makakapal na ulap sa alapaap, tila pinaparating nito na siya ang hari ngayong gabi.




Kanina pa ako palakad lakad sa loob ng resort. Wala akong makuha na magandang signal. Nasa may mga swimming pools ako. Naupo ako sa gilid at ibinabad ang mga paa ko. Tila isang malaking salamin ngayon ang swimming pool. Ang repleksyon ng himpapawid, ng kapaligiran, mga puno at halaman ay makikita sa malinaw na tubig. Maging ang itsura ko ay malinaw kong nakikita rito. Hindi ko alam kung saan na ako na parte ng resort, wala rin akong mapagtanungan dahil wala akong nakikitang staff dito, nasa loob marahil sila ng resthouse.


"Malalim ang swimming pool na iyan, ma'am." Isang boses ng babae ang narinig ko. Nilingon ko ito. Nakasuot siya ng damit tulad ng mga staff sa resort, nakasumbrero pa ito kahit gabi na.


"Ganu'n ba? Hindi naman po ako maliligo. Wala kasing signal kaya naglakad- lakad ako." Tumayo na ako at itutuloy sana ang paghahanap ko ng signal kailangan kong ma-contact sila Aki.

Gusto pa naman niya na laging updated sa mga ganap ko sa buhay.


Nagtataka ako dahil iba ang dating ng pagtitig niya sa akin. Inisip ko kung magkakilala ba kami? Hindi ako komportable sa presensya nito.



"Bakit hindi mo subukan?" Hindi ko alam kung ngumisi siya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa puso ko. Malamig sa lugar pero pinagpapawisan ako. Sinubukan kong buksan ang cellphone ko pero hindi ko magawa dahil pinagpapawisan ang palad ko. Habang palapit siya sa akin, pahakbang naman ako ng paatras. Hanggang sa  mabitawan ko ang cellphone ko sa sobrang panginginig ng kamay ko sa kaba. Akmang pupulutin ko ang cellphone ko pero sinipa niya iyon palayo sa kinakatayuan ko.

The f*ck this bitch!




"Excuse me, miss?! Anong kailangan mo?! Hindi ako—"


"You're so weak till now."



Ngayon nakumpirma ko na tila kakaiba ang pagngiti nito. Ngiti na parang isang demonyo. Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito.



Isang boses ang biglang naghari sa sistema ko. Isang boses mula sa nakaraan.  Isang boses na aking kinakatakutan. Isang boses na matagal ko ng ibinaon sa hukay.



Napahinto ako sa pag-atras ko. Nasa dulo na ako at isang hakbang nalang at mahuhulog na ako sa tubig. Nang tingnan ko ang tubig, isang alaala ang pumasok sa isip ko. Nakita ko ang sarili kong nakatali ang magkabilang kamay, maging ang paa. Sa dulo ng isang tulay, nakaupo habang kausap ang isang babae. Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang mainit na paghinga nito sa aking tenga.



"Bakit hindi ka parin natututo? Bakit nagpapanggap ka pa rin hanggang ngayon? Nagpapanggap na kaya mo na? Gusto kong iparating sa'yo ngayon, isa ka paring talunan."


Nginitian ko siya. Ngayon siya naman ang napaatras. Naalala ko na, Phoebe is back. The hell!



"Talunan ako? Baka ikaw?! Kung matapang ka hindi mo ito ginagawa ng patago! I assume you will kill me. Kill me what you have done before. Hindi ka pa nagsasawa?! Phoebe, stop this nonsense!" Sigaw ko pero hindi iyon sapat para mabawasan ang takot sa sistema ko. Kahit anong pilit kong maging matapang, hindi ko parin maiwasang isipin na wala parin akong laban.



"I'll stop, Amirah. Titigil lang ako kapag patay ka na." Hindi ko na nagawang magsalita pa salungat sa sinabi nito.


Naramdaman ko malakas na paghampas niya ng tubo sa ulo ko. Tuluyan na akong nawalan ng balanse. Naramdaman ko na yumakap at bumalot ang malamig na tubig sa aking katawan. Nagpupumilit pumasok ang tubig sa aking bibig. Ang malinaw na tubig kanina ay nag-iba na, kulay pula na ito, kulay dugo na kumakawala sa aking ulo. Wala akong naririnig, wala akong nararamdaman at ang huli wala na akong nakikita.


Muli sa pangatlong pagkakataon makakasama ko ang kadiliman at hahayaang yakapin at halikan ni kamatayan.

#

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon