°Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
°Amirah Azores Pov°
Sapat na siguro ang buhay ko para masuklian ko ang mga ginawa ni Vener para sa akin. Alam ko na matagal na ang panahon mula ng magkasama kami. Mga paraan niya noon kung paanong niya ako tulungan at protektahan. Ito na marahil ang oras para ako naman ang sumugal, sumugal sa laro ng buhay. Kung kailangan kong isakripisyo ang buhay ko, gagawin ko iyon na walang pagdadalawang isip pa.
"Sa tingin mo papayagan kitang umalis? Huwag mong pairalin yang emosyon mo, Haze. May mga otoridad na akong kinausap para—" Akma niya akong hahawakan pero umatras kaagad ako.
Nakabihis na ako at paalis na pero pinigilan niya ako, humarang siya sa daraanan ko.
"At sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? You lied! Ikaw ang nagsabi na umalis na si Ven at pumunta sa Amerika. Nagsinungaling ka at hindi kita mapapatawad." Nalaman ko kay tatay migs ang lahat. Tinawagan ko siya para itanong kung paanong nakapagpadala ng bulaklak si Ven. Dalawang linggo na pala siyang tumutuloy sa may bayan, at ipinagtataka niya isang araw ay wala na siyang balita sa binata na laging nagtatanong sa mga bagong bulaklak na mayroon ito para ipadala sa akin noon.
"I'm sorry. Ayokong masaktan ka ulit dahil lang sa kanya—" Buo ang loob nitong pigilan ako pero mas may tiwala ako sa sarili ko. Maililigtas ko si Vener, bago mahuli ang lahat.
"Gusto kong malaman mo ito, Aki. Handa akong mamatay para sa kanya."
***
Gamit ko ang McLaren ko papunta sa may bayan. Kinailangan ko pang dumaan sa isa sa mga shortcut dahil may road widening na ginagawa sa main road. Hindi maganda ang panahon, tila nakikisabay sa nararamdaman ko ngayon, pakiramdam na niyayakap na ng dilim ang pag-asa ko.
Isang kotse ang humarang sa daraanan ko. Akmang liliko pa ako pero may isang dumating pa sa gilid ko. Hanggang sa may bumaba na sa may driver seats ng mga kotseng humarang sa akin. Kaagad kong ni-lock ang kotse ko pero isang putok ng baril ang bumasag sa salamin sa gilid ko.
"Good morning?" Bati ng isang lalaki, alam ko nakangisi ito kahit na naka-mask siya na kulay itim.
Siya ang lalaking kasamahan ni Silvestre.
Inabot ko ang cellphone ko para tawagan sila Aki. Naalala ko na nag-away pala kami. Huli na para matakpan ko ang ilong ko nang may usok na kumalat sa loob ng kotse ko, masakit rin ito sa mata, mahapdi at amoy kemikal. Isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko.
Kailangan kong mailigtas si Vener pero paano?
Paano kung hanggang salita lang ako?
Unting-unti sumisikip ang paghinga ko, namamanhid ang katawan ko at ang huli dumilim na ang buong paligid ko.
***
Nang magising ako, naramdaman ko kaagad na nakagapos ng mahigit ang mga kamay ko at nasa likuran pa ito. Pinilit kong umupo na maayos. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Unting-unti idilat ang mga namumungay kong mata at nang maka-adjust ang paningin ko, nasa isang masikip, marumi, mainit at madilim na bodega. Sa tingin ko tambakan ito ng mga sirang gamit, natawa nalang ako.
Itutulad ba nila ako rito?
Kaagad akong napalingon sa may tapat ko. Isang boses lang iyon, pakiramdam ko nabuhay ang buong sistema ko at gumaan ang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...