Wanna Go Back 10

32 4 0
                                    

*Amirah Azores Pov*



Dahil ilang kurap nalang ang babagsak na ako dahil sa mga failing grades ko sa mga minor at major subject man. Ipinatwag ako sa Dean's Office dahil may notice sa akin na ang ilang mga nagbibigay ng Financial assistance o scholarship ay balak na alisan ako dahil sa mga grado na puro bagsak. 


Kung hindi lang sabay- sabay na nagpagawa ng assignment at project  sila Phoebe baka hindi ako mawawalan ng allowance.



Kailangan kong mag-aral ng mabuti,  kaya ko naman. Nakaya ko na dati, sana makaya ko parin.





Ang announcement na sasabihin ko sana ay tungkol sa University days namin dito sa campus. Tatlong araw iyon at dahil malas ako eh ngayong araw lang ako inabisuhan ng mga taga- student council.  May mali rin naman kasi ako, hindi kasi ako pumunta sa mga meetings nila. Sobrang abala ko na sa mga trabaho ko  kila Phoebe, dadagdag pa sila.



Lintik kasi mga kaklase ko bakit ba ako pumayag na maging presidente nila sa klase!



Kailangan ko pang mag-isip kung anong klaseng booth ang gagawin. Wala naman akong pakialam dito.



Anong gagawin ko wala akong alam na kaartehan dito?



Photo booth ang binigay nila sa amin. Photo booth? Sa panahon ngayon may  advance technology na! Bawat students may mga smart phones na!  Tapos photo booth?



Sino namang tanga ang gagastos sa pipitsugin na photo booth created by me the popular stupid in the while campus.



Sigurado akong pagtatawanan nila ako.  grabe ang pagka- advance ko sa pag-iisip. Mabuti na 'yun para hindi na gaanong masaktam kapag  nangyari na.



Buong maghapon akong nakatanga sa maliit na pwesto na inilaan para sa section namin. Wala ni isang tumulong sa pagtayo ng maliit na tent na inilaan ng student council sa bawat section.  Natutulala na lang ako sa mga katabi ko na hindi pa nag-uumpisa ang University days ay pinagtitinginan na ng mga studyante na nappadaan sa mga booths. Ito naman sa akin, parang maganda pa ang silungan ng mga security guard dito.



Wala akong ideya para pagandahin at pagmukhaang photobooth. Kahit na malabong magkaroon ako ng kita. Umabsent na lang kaya ako? kaso lagot ako sa adviser namin at sa mga officers.


  Baka makarating pa ito kay campus director . . . campus director? Pwede kayang humingi ng tulong—crap! Hindi! No! Never! Bahala na bukas.



Halos maihampas ko sa pader ang  cellphone ko sa lakas ng pagtunog nito.  Maaga kasi kong nag- set ng alarm para mag pag-ayos ng booth sa campus.  Patay ako nito! Wala pa akong naibili na mga pang-design! Ginabi na ako sa paghagilap sa mga kaklase ko para hiningi ng contribution para sa booth, yung iba nagbigay naman, yung iba walang mga pakialam. Papasa naman daw sila, sabagay mga administrator ang mga magulang.



Pagpasok ko ng school may iilan narin ang nasa kanilang mga booths para mag ayos, mamayang alas nuebe magsisimula ang program. Nagmadali na akong pumunta sa booth ng section namin, muntik na akong madapa sa pagmamadali sa pagtakbo pero pagdating ko...


...

....




.....

wala yung tent namin.



May magandang booth na ang naka-display doon. Isang photo booth din pero maganda. Wala akong masabi, may mga maliliit at malalaking baloons ang nakapalibot sa buong tent halos matakpan na ang katabi nitong booth.


Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon