* Amirah Azores Pov*
"Umuwi ka pagkatapos ha? Baka kung saang bar na naman kita ipapahanap sa Dad mo. And take care of Amirah siguraduhin mong nakapasok na siya sa bahay bago ka umalis. Amirah, just contact me kapag may ginawang faul itong Vener na 'to!"
"Hayy si mama! Hindi naman po kami pupunta ng ibang bansa, sa kabilang bayan lang naman kami... Aray mom!"
Ang dami kasing satsat ayan tuloy nakatikim ng kurot sa tagiliran niya. Nagpaalam narin ako kay Madame principal. Hindi ko parin maialis ang mata ko sa bahay nila. Ang laki tapos may tatlong palapag pa, dahil gabi na rin ay nakasindi ang mga ilaw nito sa labas ng gate at ang ilan ay binibigyan ng liwanag ang garden nila sa loob. At ang kabuuan ng bahay nila, structure palang pangmayaman na. Ang mga bintana nito ay napakalaki, mapapansin ang mahahahabang kurtina na nasa loob, may maliit na balcony rin sa may second floor sa labas. Modern style ang bahay nila gaya ng nakikita ko sa mga magazines, kulay cream at gray ang pintura ng bahay nila.
Pumikit nalang ako tapos nag- imagine na sana may bahay rin ako tulad noon at masayang pamilya. Kaagad akong nagmulat ng mga mata dahil, sinasaktan ko lang ang sarili ko, hindi mangyayari iyon.
***
Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko ngayon, madilim at ang mga bituin sa langit ang nag bibigay ng liwanag sa paligid.
"You alright?" dinig kong taning nito. Diretso ang tingin niya sa daan tapos ako heto nayuko na naman.
"Ha?"
"Sabi ko ayos ka lang?" Hindi ako sumagot tumingin nalang ako sa labas. Bahagya akong ngumiti at marahang tumango.
Nasa bayan na pala kami at kailangan ko ng bumaba. Kahit na malayo pa ang tinutuluyan ko, pakiramdam ko tuloy parang nasasakal ako. Ayoko talagang may kasama ako lalo na kapag lalaki. Nagawa kong makatagal kaninang nasa library at sa bahay nila pero ngayon kinakabahan na naman ako.
Nag-umpisa ng mangatog ang mga binti ko kahit hindi naman malamig. Mahirap talagang labanan ang trauma na kahit binubura mo na ng ilang ulit para hindi na maalala ay patuloy parin itong kumakatok sa isipan at ipapakita ang nakaraan na ayokong makita pa.
"Sigurado ka?"
"Yes," maikli kong sagot at kuha ng mga libro ko sa kamay niya.
"Salamat. " Tinalikuran ko na siya at naglakad na.
"Ano ba! Ang obvious mo eh! Umayos ka nga!" Sermon ko sa sarili ko.
Ilang kanto pang ang kailangan kong daanan, tapos dis oras na ng gabi.
Bakit kasi hindi ako umuwi kaagad kanina?!
Naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin, tahimik akong naglalakad at pinakiramdaman ko iyon. Hanggang sa maamoy ko ang pabango nito. Tumigil at hinarap siya.
"Bakit ka ba nakasunod?" seryoso kong tanong. Tiningnan niya rin ako ng seryoso. Walang emosyon ang mga mata niya at tila pader ang mukha.
"Alam mo bang ilang kanto na ang nadaraanan at nilakad mo?"
"Alam ko," mabilis kong sagot.
"At wala ka bang balak huminto? Ihahatid na kita, delikadong maglakad ka ngayong malalim na ang gabi."
"Minsan naiisip ko na ibili kita ng cotton buds tapos linisan ko yang tenga mo. Nabingi na eh. Hindi ka lang makaintindi po?"
"Amirah."
"I can handle my self Mr. So please, umuwi ka na."
"Ihahatid na kita. Saan ang bahay niyo? Siguradong nag aalala na ang mga magulang mo— "
"Wala ka na doon. Umalis ka na."
"Aalis ako kapag naihatid na kita sa bahay mo."
"Bakit ba ang kulit mo? Kaya ko po ang sarili ko, maliwanag? Ano bang hindi mo maintindihan doon? Sinabi ko sayo na ayoko ng lumapit ka sa akin, kahit 'yun nalang ang gawin mo ang lumayo, 'yun ang gusto ko sana pagbigyan mo na."
"Hindi ko kaya."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko para layuan ako ng isang 'to! Kung marunong lang siyang makiramdam baka nagkasundo pa kami pero hindi? Ang tigas ng bungo, ihampas ko kaya sa pader?!
"Kalimutan mo na lang ako."
2 months later.
Meeting dito, meeting doon. Paano ba naman, sa sobrang boring ng mga kaklase ko ay ako pa ang ginawa nilang presidente ng klase. Kaya heto ako ngayon kahit labag sa loob ko ay tinanggap ko nalang.
Ganu'n naman palagi eh, ang tanggapin mung anong meron at dumarating. Mga bagay man na naghahatid ng kasiyahan o lungkot. Kahit mahirap at masaktan ako. Wala na aking ganang mabuhay sa totoo lang, kung baga naghihintay nalang ako ng oras ko dito. Bahala na kung anong mangyari sa akin, kung lumaban ako, wala ring silbi. Mabuti nalang na manahimik, wala rin naman akong laban. Iniisip ko palang na kaya ko pero hindi pa nag-uumpisa ang laban ay talo na ako.
"You announce this to your classmates," sabi ng secretary ng student council dito sa campus.
Tumango na lang ako at alis na ng office nila. Hindi ko kaya pa na magtagal.. Magtagal sa mga mata nilang nakatingin sa akin, bakas sa mga mukha nila ang panghuhusga, na kahit nakikipagbulungan pa sila ay alam ko naman na ako ang laman ng usapan nila. Siguro nga mukhang patapon na basura ako sa paningin nila, pumikit nalang ako at umalis doon. Titigil din sila, mapapagod din sa panghuhusga nila.
"Andyan na siya." Rinig kong sabi ng isa kong kaklase na babae.
"Hi? May sasabihin ako—" Natigil ako nang bumaling ang tingin nilang lahat sa akin. Kadarating ko palang ngayon sa classroom namin at ngayon ay nasa may gilid ako ng pisara sa harapan. Uggh! I really hate attention.
"Amirah! Totoo ba na nil*landi mo si Vener? " Tanong ng isa sa mga kaklase kong bakla..
"Hindi." Mabilis kong sagot.
Ano raw?
Nababaliw na ba sila?!
"Ah, baka kayo na?" tanong nung isa pa.
"Hindi totoo ang mga nakita o narinig niyo— "
"Pwede ba! Huwag mo kaming gawing tanga!'' Singhal nila at napatayo pa sa inuupuan nito at akmang ibabato na sa akin ang hawak nito, suklay.
Baka nga sila pa ang t*nga dahil sa pag boto nila sa akin bilang presidente.
"Students council have an announcement about—"
"Aba napakabastos talaga nitong babae na ito! Sagutin mo ang tanong namin!"
"In this coming wednesday... Ah!" Napalubod ako ng may nagbago sa akin ng isang libro sa ulo ko.
"Stupid! Bakit hindi ka nalang mamat*y!"
"If that's possible then do it." Natahimik ang iba at ang ilan ay patuloy parin sa pag-uusap nila tungkol sa tsimis tungkol sa akin.
#
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...