Wanna Go Back 17

26 2 0
                                    

* Vener  Fabian Pov*





2 months,  ayokong tanggapin pero wala akong magagawa.  I respect her, I really do, kahit ang sakit sa loob ko.  Sana hindi ko nalang siya nakita at nakilala,  ang hirap mag- let go.  Ang sakit na iwan siya.



Ganu'n ba talaga? Kung gaano kabilis nagsimula parang kisap mata rin mawawala?



Sa tingin ko hindi. kahit pinalayo niya ako sa tabi niya nanatiling nakatatak sa isip ko ang tulad niya. Hindi ko mapigilan na sundan siya ng palihim. Kung minsan patago pa akong sumusilip kapag nasa klase siya,  madalas ay mas sulok ito,  iniiwasan ng mga kaklase niya. At kapag naglalakad siya mag- isa lang ito,  habang ang ibang kaklase nito ay sama- sama. Sa may canteen madalang ko nalang siyang makita na magpunta doon,  isang beses lang sa isang linggo.



Madalas itong nasa gymnasium,  sa likod,  inaabot na ako ng hapon ay wala pa akong nakikitang lumalabas doon, maliban sa mga basketball player at ang grupo ni Phoebe.  Ayoko naman siyang sabihan sa mga ginagawa nila kay Amirah,  malaki ang shares ng pamilya nila sa Eastrose University.  Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawa na ipagtanggol siya,  nasa malayo lang ako at tinitingnan siya.



Lagi itong nakayuko at yakap- yakap ang mga libro nito ng mahigpit kapag nakakasalubong ko siya sa hallway.  Wala itong pakialam kung banggain siya at tapakan ang mga paa niya.  Panay ang sermon sa akin ni Mama dahil sa mga pasa ko sa mukha at ang pagputok ng labi ko ng ilang beses. Naiinis ako sa mga tao na sinasaktan siya,  nakikipagsuntukan ako sa kanila,  inaabangan ko sa labas ng school,  kaya pag uwi ko,  bugbog sarado man at least naibalik ko ang sakit na pinaparamdam na kay Amirah.



Wala akong ideya na kasali pala siya sa quiz bee. Huli na nang malaman ko na kaming dalawa nalang ang natitira.  Nilabanan ko ang sarili ko, ang kaba na siya lang ang dahilan,  ang puso ko na pinapatibok nito ng mabilis na hindi ko maintindihan pero ang sarap sa pakiramdam.  Naguguluhan ang mga mata niya nang magkatinginan kaming dalawa,  kahit na nasa isang daan ang nga tao sa paligid namin wala akong ibang nakikita kundi siya,  posible pala iyon. 



Yumuko nalang ako kahit na gusto kong makipag- staring contest sa kanya.  Masyado akong binalot ng kaba,  kahit anong iwas ko sa kanya,  gagawa padin ang tadhana na paglapitin kami,  para na akong baliw sa kakaisip. Nasa harap ko siya ngayon,  walang paglagyan ang saya ko. Nagbalik ako sa reyalidad na nasa quiz bee pala ako at tapos ng ang ibinigay na time para sa pagsagot.  Naguguluhan ang mga mata niyang nakatingin sa akin kung bakit hindi ako nakasagot.



Umalis na ako ro'n, habang siya naman ay nilapitan para mabigyan ng award at binati siya sa pagkapanalo nito. Hindi ko alam kung bakit pinaglalaruan ako ng tadhana ngayon. Nagtagpo ang mga mata namin, sapat ng ang pagtibok ng puso ko para sabihin kung gaano ako ka proud sa kanya, na kaya niya basta magtiwala siya sa sari nito. Walang tinig ang lumabas sa bibig ko, gusto ko lang siyang pagmasdan,  kahit na tinalikuran lang ako nito.



"I heard na naipanalo ni Ms.  Azores ang quiz bee! I want to hug her,  tell her that I wan to meet her."  Napangiti nalang ako ng malaman ni mama ang balita. Nakauwi na rin galing seminar nito.



Ginabi narin ako sa school dahil nag-shoot pa kami ng video para sa assignment namin sa isang subject.  Palabas na ako ng University nang tawagan ko ito sa cellphone.  Ilang beses itong nag-ring parang ayaw pa nitong sumagot,  pero hindi ako tumigil hanggang sa sagutin na niya ito.  Ang dami ko ng pinagsasabi pero wala akong natanggap na sagot kung payag ba ito hanggang sa narinig ko na inubo ito.  Sa may parking lot,  napansin ko ang ilang lalaki na pasakay palang sa mga kotse nila,  habang ang mga babae ay nakasandal sa mga kotse may pinag-uusapan pa.


Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon