Wanna Go Back 2

58 7 0
                                    


Vener Fabian Pov





*Flashback*



EASTROSE UNIVERSITY



"Yung pagkain ko po," sabi ko kay manang na isa sa mga nagtitinda dito sa cafeteria.

Abala naman ako sa pagkuha ng bayad ko sa bag nang may babae na kumuha ng pagkain na nasa counter at nagbayad, sabay talikod na para maka alis.

"Ay! Naku, Sir!  Ipagluluto ko na lang po kayo ulit."


"Sige po," sagot ko nalang at naupo sa nakahelerang stools sa gilid.

Hinanap ko naman ang babae na kumuha ng pagkain ko sana.  Isang meal na para lang sa akin tuwing break time,  it contains of Chocolate drink,  chicken sandwich,  carbonara at brownies.  Kahit 'yan mga pagkain lang ang kainin ko buong araw ay hindi ako magsasawa.  One time,  nag-report sa akin si Manang na may nag- order ng pagkain na gustong gusto ko. Natawa naman ako sa sinabi niya, imposible naman.  Wala iyon sa menu nila dahil ako lang ang nag papahanda ng ganun. It was a year ago,  hinayaan ko lang iyon pero ngayon ay nasaksihan ko na kung sino ang babaeng nasa kathang isip lang nila.

Bago ko matapos ma- scan ang buong cafeteria ay may tumawag sa akin. "Mr. Vener ito na po order niyo." Kaagad akong tumayo at nilapit ito.  Iniabot ko na iyon at umalis na.



Naalala ko na may bilin pa sa akin si mama na gawin ang nga reports sa may office nito.  Napaka- strict pa naman niya sa oras.  Siya ang Director dito sa campus at si Papa naman ay may business na inaasikaso,  dito man sa Pilipinas o ibang bansa kaya sobrang busy niya.



Natigil ako sa paglalakad ng mag nagsisigaw sa labas,  may kumpulan din ng ilan na mga estudyante,  batay sa mga kulay pula ng kwelyo nila ay mga college students sila.  Bago pa ako makalapit ay narinig ko ang ilang mura na hindi ko mabilang kung ilan.  May nagkalat din na pagkain sa sahig ng makalapit ako.  Kusa naring nahati ang kumpol ng mga students ng dumating ako.  Wala naman akong sinabi sa kanila. I don't have an authority either,  sadyang nakapatong lang talaga ang pangalang ng campus director sa ulo ko which is my mother. 

"Wrong timing!" Isang babae na halos umabot na sa ere ang taas ng kilay nito na halata namang nai-drawing  at ang uniform nito ay labag sa code.  School ang pinapasukuan nito pero mukhang sa bar ang punta,  babae pa naman siya.  Kung fashion naman ang usapan ay wala akong makitang fashion sa suot niya, na nahalos makita ko na ang hindi dapat makita,  maikling skirt at masikip na blouse.  Kung hindi lang siya babae baka nasapak ko na siya at kung hindi isa sa mga administrator ang magulang niya ay matagal ko na siyang pinakick- out kay mama.



"Feeling superhero na naman si Mr. Fabian." Maarte nitong sabi at cross arms pa.  Nag-flip naman ng hair ang mga alipores niya na mukhang chaka doll kesa sa barbie.



"Leave." Poker face at malamig na boses ang ginamit ko para effective.  Napaiwas naman ng tingin ang maarte.  Napa 'ehem' naman siya at tinalikuran na ako,  sumunod nan ang alagad niya sa pag- alis.



Nang tingnan ko kung sino ang biktima nang bullying nila ngayong umaga, walang iba kundi ang babaeng hinahanap ko kanina.  Marahan nitong pinagpagan ang damit nito na natapunan ng carbonara at chocolate drink.  Lalapitan ko na sana siya pero may tumawag sa cellphone nito.


"Po? Sandali, papunta na ho," agad nitong pinulot ang nabali nitong salamin at naglakad na ng mabilis para makaalis.



Pinakiramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na naghahari dito sa tapat ng cafeteria kung saan ako nakatayo mula kanina. Nakatingin sa nagkalat na pagkain sa sahig habang inaalala ang nangyari kani-kanilang.  Sa mga oras na ito 'awa' ang bumabalot sa sistema ko para sa babae na iyon.  At kahit naman sino ay mararamdaman iyon kung may puso ka.  Hindi naman natin masisisi na kung bakit niya iyon hinayaan na mangyari. May dahilan kung bakit,  pero hindi sa lahat ng oras ay hayaan nalang natin na tapakan ng iba ang pagkatao natin, libre ang lumaban sa tamang paraan lang.





Amirah Azores Pov



Sampung minuto lang ang ibinigay na break time sa akin ni madam para makakain ng pagkain. May bagong dating kasi na mga libro,  kailangan ko pang ayusin at mailagay iyon sa mga bookshelves sa may library.



Agad na akong nagpunta sa cafeteria at inilabas ko na ang bayad ko sa pagkain na order ko. Mabuti nalang nakahanda na , nang mailagay na ni Manang ang isang sandwich na kulang sa meal na bibilhin ko ay agad ko na itong inabot at binayaran sabay talikod at labas ng cafeteria. Mukha tuloy ako ninja sa bilis ko sa pagkilos pero nagkamali ako ng daan na tinahak. 


"Hoy!" Sigaw ni Phoebe.



Tinulak  ako ng mga kasama niyang mean girls,  mga bully ng school.  May assignment pa pala ako na hindi natatapos,  ang dami kasing projects na pinapagawa nila,  sumasabay pa ang mga quiz at exam ko kaya ang araw din akong walang tulog. Naging malabo ang paningin ko dahil nawala ang salamin ko.  Bago ko pa ito mahanap ay naramdaman ko na binuhos nila ang chocolate drink sa damit ko at yung pasta naman sa ulo ko.



"Napagalitan tuloy kami kay Sir. Francis kanina!  Bakit ba hindi mo ginawa ang mga assignments namin!"

"Sorry, hindi ko..." Hinampas ako ng isang babae gamit ang shoulder bag niya kaya napayuko nalang ako.



Mariin akong pumikit at huminga ng malalim ng ilang ulit. Nagbilang ako mula 1 hanggang 100, para kumalma.  Isinisiksik ko sa utak ko na matatapos din ito.  I was a slave at kailangan kong tanggapin kung ano ang dapat kahit mali. Wala naman akong laban dahil ang mama ni Phoebe ang nagpapaaral sa akin. Ilang taon narin akong pinapahirapan ni Phoebe kasama ang mga alagad niya, hindi pa ako nasanay.



"85 86 87 88 89 90— "

Hindi ko na maintindihan ang pinagsisigaw nila sa akin. Natigil ako sa pagbibilang nang tumahimik ang paligid. May boses ng lalaki akong narinig. Pagmulat ko ng mga mata ay may pares ng sapatos ang nasa tapat ko. Nag- ipon ako ng lakas para makatayo at maka-alis na. Wala akong naintindihan sa pag- uusap nila kung meron man, basta ako kailangan ko ng pumunta sa library. Hindi pa ako nakakalakad ay nakatanggap ako ng tawag.


Sabi na eh!


Pagkatapos ay pinulot ko na ang salamin ko na nasa sahig at umalis na.



#

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon