*Amirah Azores Pov *Nasa mood lang ako ngayong araw dahil pinayagan na ako ni Sir. Castro na mag-attend ulit sa klase niya at binigyan niya ako ng special quiz. May mga projects para makabawi ako sa failing grades na naibigay ko. Sakto naman na may meeting ang faculty kaya agad akong nagpunta sa library para makapag-review.
Limang oras na akong nagbabasa at nagsusulat. Pagdating ng tanghali ay hindi na ako kumain dahil wala pa akong pera at sa susunod na linggo pa ang allowance ko, kaya natulog na lang ako. Hindi ko namalayan na napahaba ang tulog dahil sobrang tahimik at malamig dito sa library, sigurado na ang ilang students ay nauwi na. Nagising na ako at ang bumungad sa akin ay ang tao na hinihiling ko na sana ay maglaho na.
Bakit ba lagi siyang nasa tabi ko kapag idinidilat ko ang mga mata ko?
Para siyang kabute kung saan- saan lumilitaw.
"Are you deaf? "
Sinabi ko na layuan na niya ako, kainis!
Kumuha ako ng isang libro at akmang ibabato ko sa kanya iyon nang mapansin ko na nasa balikat ko ang coat nito kaya pala hindi masyadong malamig at naging komportable ang pagtulog ko.
"Teka lang, ano kase baka mahuli ka ng librarian na natutulog kaya... " Paliwanag pa nito.
Napatingin ako sa mga libro na nagkalat sa mesa ko.
Bakit ang dami na?
Naupo naman ito sa tapat ko at inayos ang mga libro na wala naman kanina.
"Tumingin ako ng nga lesson dito related, sa topic mo—" Natigilan siya ng magsalita ako.
"Get out."
"If I said no?!" Matapang niya ring sabi.
"I said leave."
"Ang sungit talaga nito kahit kailan. Kung hindi ikaw ang aalis ako dapat ganu'n? Oo masungit ka pero mas masungit ako Ms. Amirah Azores." Explain niya at abot ng mga notes ko na may sulat na niya dahil base sa handwritten nito na parang pang elementary na tinamad na sa pagsulat.
"Mag-review ka na. Dito lang ako, tahimik."
Nag- action pa siya na nag- sip ng bibig.
Baliw na ba siya?
"Excuse me? Humanap ko po ng ibang mesa mo, alis!"
Umiling siya at yumuko para magpatuloy sa pagbabasa. Naiirita na ako at konti nalang ay mahahampas ko na siya ng silyang inuupuan ko. Tatayo na sana ako para ako nalang ang umalis pero naramdaman ko na namamanhid ang mga binti ko, kaya napakapit ako sa mesa.
"Hey, you alright?" tanong nito. Gusto ko man na umalis at lumipat ng ibang mesa hindi ko magawa, pahamak na binti na to! Walang pakisama.
Sumabay pa ang pag-ubo ko, dahil sa pagkabasa ko sa ulan makaraan.
"Ang lakas rin kasi ng loob na maligo sa ilalim ng ulan kita ng hindi na makakain ng maayos at lapitin na ng sakit," sermon ko sa sarili ko.
"Gusto mo ba ng tubig? " tanong niya. Bakas sa mga mata nito na nag-aalala siya pero wala akong pakialam.
Kinuha nito ang cellphone nito at nagtipa na ilang beses sa touch screen. Habang ako ay pasimplemg humihinga ng malalim para mabawasan ang pagmamanhid ng binti ko.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomansaHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...