Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
Flashback, three years ago.
Senior High.
Isang taon na noong makilala ko ang grupo nila Phoebe. I thought that time na magiging mabuting kaibigan ko sila but all of my expectations turns into nightmare. She told me na bibigyan niya ako ng trabaho, hindi ko alam na dadalhin niya ako sa impyerno.
***
Kumatok muna ako sa isang parang lata na pinto at may nagbukas naman kaagad. Pumasok na ako, habang mahigpit ang hawak ko sa bag ko na puno ng damit ko.
"Pasok ka, diretsuhin mo lang ang daan na yan ay may pinto kang makikita."
"Mukhang tama naman ang pinuntahan ko." Pagkukumbinsi ko sa aking sarili.
Hanggang sa makita ko ay ng pinto may kulay asul gaya ng sinabi nung babaeng nag bukas ng pinto kanina.
Bumungad sa akin ang ibat- ibang kulay ng ilaw na tila nag sasayaw kasabay ng tutog na sobrang lakas. May ilang mga babae na Napatingin sa akin at nilapitan ako. Ngayon ko lang narealize at nag-sink sa utak ko na isang bahay aliwan ang pinasok ko.
"Hi! Ikaw siguro yung sinasabi ni Mamsh! Baka next week pa siya makakauwi dito sa bar, may bakasyon kasi...welcome pala," sabi nung isang babae na payat. Sobrang hapit kasi nung suot nito.
"Kumain ka na ba? Baka kasi dumagsa yung mga customer mamaya, linggo pa naman." Sumagot naman ako ng maayos, dinahilang kumain na ako sa byahe.
Pero ang totoo ayokong kumain dito sa lugar na to. Nahihilo na rin ako sa amoy mula sa usok ng sigarilyo, ang sakit sa ulo. Malaki yung lugar, para malaking function hall gaya noong nasa school namin malamig din dahil sa air-conditioning pero pakiramdam ko ang sikip sikip dito sa loob.
Dumating yung gabi at nagbukas na nga sila, actually mabait naman din sila. 'Yun nga lang may hindi ko inaasahan na may pangit ang ugali, mga customers nila, lalo na kapag nasosobrahan na sila ng inom ng alak.
Tagakuha ako ng orders at taga- serve na rin. Yung ibang babae na nakausap ko ayun nasa isang maliit na stage, kumakanta at ang ilan ang sumasayaw. Hindi ko sila tinitinganan, hindi ako tulad ng mga lalaking nandito na halos mabasa na ang tiles sa sahig dahil sa pagtulo ng mga laway nila dahil kanina pa sila nakangawa. Kadiri.
Kaninang hapon nakipagkwentuhan sila sa akin, wala pa nga yung iba kanina dahil nagpapahinga, dose sila kanina. Tinanong ko na rin kung bakit sila nandito. Ang laki ng Manila para makahanap ng trabaho pero hindi pala basta- basta ang makapasok sa mga trabaho dito.
Sino ba naman ang may gusto na magtrabaho sa isang bahay aliwan?
No choice na lang daw kasi dahil easy money, tubong mga probinsya din sila na gustong magkapera sa madaling paraan pero ang masakit kapalit nito niyiyurakan ng iba ang pagkatao nila. Kung hindi rin sa mga pamilya nilang naiwan sa mga malalayong probinsya ay hindi sila pupunta sa maynila pero sa hirap ng buhay kapit patalim nalang ba.
Napayuko nalang ako ng maramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko na maalala ko ang sinabi nila na tulad ko rin pala, para sa pamilya ang sakripisyo ng gagawin at ginagawa ko ngayon. Bahala na.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...