* Vener Fabian Pov*
6 pm nasa labas ako ng clinic. Kakalabas ko palang galing sa klase ko, naiinis pa ako dahil ang tagal mag dismiss ni Ma'am. Agad ko ng binuksan ang pinto para makapasok, para makita siya. Alam ko nagpapahinga siya ngayon, hindi biro ang temperature ng lagnat niya kanina.
Kaninang umaga ay inabangan ko siya sa class nito. Hindi ko akalain na kaya niyang maupo sa labas ng classroom at doon kung saan dinadaanan siya ng mga estudyante, habang siya ay tahimik lang na nakikinig sa teacher nito sa may labas. Tinabihan ko siya at kinausap, as usual ang sungit niya. Nang hawiin ko ang bangs nito na tinatakpan ang mga mata niya ay nagsisi ako na hawakan ang bangs nito.
Those eyes, her eyes made of pain and sorrow.
Natulala ako kaya hindi ko namalayan na nakaalis na siya, hinanap ko ito at inabot ako ng kalahating oras bago ko siga makita. Narinig ko ang isang teacher na may kailangan na dalhin sa clinic. Pumasok ako sa isang classroom at doon nakita ko si na walang malay na nakahiga sa sahig. Walang gustong lumapit sa kanya para buhatin at dalhin sa clinic.
"Sino ba naman ang mag-aaksaya ng segundo sa kanya?"
Sa itsura kasi nito ay mukha siyang lantang gulay, kahit mag- ayos man lang ng sarili ay nakakalimutan na niya. Kahit simpleng paglalagay lang ng pulbo at pang-ipit sa buhok. Hindi makabasag pinggan, nakakatakot lapitan dahil sa pagtitig nito na poker face. Walang kaemo-emosyon, parang may malalang sakit na nakakahawa. Ang putla ng balat niya at ang tipid magsalita.
Iyon ang mga ilan sa nakikita nila, habang ako inaalala ko kung anong mga nangyari sa pagkikita namin. I can say, she is weak outside but strong inside pero natatalo narin siya ng sarili niya kaya napanghihinaan na rin siya ng loob, pero ang sakit ng pag apak niya sa paa ko kahapon!
"Mr. Fabian, ano kase. . ."
"Paano naman siya makaka -alis?" tanong ko sa nurse na nagbabantay dito sa clinic.
"Ah, kasi ganito— " Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil hawak- hawak nito ang panga niya, napano kaya siya?
Sa tingin ko ay sinipa siya ni Amirah, hilig manipa nu'n eh.
"Anyare sayo?"
"Ang sakit sa panga ko po. Tumama sa gilid ng kama, ayaw kasi g paawat nung babae dahil may klase pa raw siya. Ang kaso sabi ko magpahinga muna siya, ayun naghilahan kami ng braso. "
***
Hapon na, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto ko na makita siya. Masyado niyang ginugulo ang sistema ko. Pababa na ako sa second floor, nag palipas ako ng oras sa may rooftop dahil nawawala ako sa sarili ko.
"Sir, please po kahit ngayong semester lang po."
Dinig kong sabi ng isang boses ng babae. Pamilyar ang boses nito pero hindi ko matandan kong sino parang narinig ko na ito.
"It's final, drop kana. Hindi lang ang pagiging late mo sa class ko ang problema dito Ms. Azores ang baba ng mga grades na ibinibigay mo sa akin!" sabi naman ng isang lalaki.
Hanggang sa makita ko sila na nag- uusap sa may gilid ng hallway. Nakaluhod ang isang babae at nakahawak sa suit case ng isang teacher. Pilit naman nitong inilalayo ang hawak na bag pero nakakapit parin ang kamay ng babae.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...