Wanna Go Back 7

28 3 0
                                    

*Vener Fabian Pov*

"A-amirah," mahina kong sabi nang maalis ko ang libro sa gilid ng mukha niya.



Malaya kong napagmasdan ang mukha niyang maputla,  ang luhang natuyo ay mababakas sa pisngi nito,  ang labi niyang tuyo na parang ilang araw ng hindi nakakatikim ng tubig. Hinawi ko ng marahan ang makapal na bangs nito at doon ko nakita ang nakapikit nitong mata. Halata na galing ito sa pag- iyak dahil bahagyang basa ang gilid ng mata nito.



Hinubad ko ang coat ko at ipinatong sa katawan niya. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang luha sa mga mata niya.  Naupo ako sa tabi nito at inayos ang mga librong nasa mesa nito, mga papel na naglalaman ng mga notes nito,  mukhang nagre-review siya.  Naalala ko naman yung nangyari kahapon.


*Flashback*



"Sinabi ko lang na ako nalang ang magtuturo kay Ms.  Azores pero siya nalang daw. Baka nga napilitan lang siya,  well she deserve not only 1 to 2 chance but a lot.  Siya yung tipo ng tao na disididong mag-aral. Anyway, why you so intetested with her? " tanong ni mama nang makausap ko siya about kay Sir.  Castro.

"Ahm, may gagawin pa pala ako mom sa  room bye!" Palusot ko nalang at umalis na. 



*End of flashback*









Bakit nga ba interesado ako sa kanya?


Why self?


  Why!


Sumilip ako sa classroom nila kung saan ko siya nakita na nakaupo sa labas at doon nakikinig siya. Ngayon ay nasa sarili niya itong upuan at tahimik na nakikinig sa teacher na nasa harapan at nagtuturo. Her teacher gave her a special quiz at projects para makapasa kahit papaano.  Sana dito lang sa subject na ito siya may problema.
Kumuha ako ng ilang libro na related, sa topic nito na nasa notes niya. Maliban sa mga nakakalat sa mesa nito ay dinagdagan ko pa. Pagkatapos ay kumuha ako ng papel at nag sulat,  ang ganda ng penmanship niya,  cursive. Hindi tulad, sa akin na...Nevermind,  mas magulo pa sa sulat ng doctor.



Pagbukas ko ng ilang makakapal na libro ay nakaramdam ako ng antok. Nakakaantok pala ang pagbabasa,  pero ng tingnan ko ang mahimbing nitong pagtulog ay bumibilis ang tibok ng puso ko at pinipili na bantayan siya.  Pinapatuloy ko ang pagbabasa at pagsulat. Napahinto ako sa pagsusulat nang marinig ko itong umubo.

Naalala ko na naman ang pagbuhat ko sa kanya papunta sa clinic,  hanggang ngayon mukhang hindi parin maayos ang pakiramdam nito.  Nakakunot ang noo nito, magkasalubong na ang kilay niya at ang mata niya ay seryosong nakatingin sa akin. Napatayo ako at napaatras. 

Get ready self,  tumakbo ka na!


#

Author's note.

Warning: This story is R18,  every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon