°Amirah Azores Pov°
Tanghali na nang magising ako. Gusto ko mang bumangon ay hindi ko magawa ara akong naparalisa ngayon. Dumagdag pa ang pagsakit ng ulo ko, daig ko pa nakainom nito. No choice, pinilit kong makaupo hanggang sa may umalalay sa akin. Nang magtama ang mga mata namin, kasabay nito ang pagngiti niya sa akin. Napayuko na lang ako ng maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.
"I'm sorry. I'm sorry Aki." Lumapit siya sa akin at yumakap. Ang init ng pagyakap niya, gusto kong magtagal pa ang nga bisig niya.
"Tahan na, hindi ka pa ba napagod sa pag- iyak mo kagabi," sabi nito at haplos sa buhok ko ng marahan.
"P-pasensya na talaga sa nangyari. Hindi ako nag-iingat kaya—" Napatigil ako sa pagsasalita nang hawakan nito ang magkabilang balikat ko at magkaharap na kami ngayon.
"Ang mahalaga ligtas ka, oo nag-alala kami sayo dahil hindi ka sumasagot sa nga tawag namin sayo, but you are here now. You are safe. Huwag ka na umiyak, magagalit ako sa'yo." Marahan nitong pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko. Mukha tuloy akong isang batang paslit na nawalan ng laruan kaya umiiyak.
***
Hapon na, bahagyang umayos na ang pakiramdam ko, bababa na ako sa kwarto para makapunta sa may sala.
Nasaan na kaya sila?
Hindi ko pa nakikita sila Brandon at Boni. Napahinto ako nang napadaan ako sa kwarto ni Brandon. May narinig akong nag-uusap kaya pumasok na ako, parang gusto ko ng lumabas ng nakita ko kung sino ang nandoon.
"Ate! Gising ka na!" Agad na bumalot ang mga braso nito sa katawan ko.
Muntik na akong matumba dahil pabigla- bigla naman kasi, itong pasaway na Brandon talaga . Inihiwalay na siya ni Boni at siya naman ang yumakap sa akin.
"Oh, wag kang iiyak!"
"Bakit naman ako iiyak, Boni?" takang tanong ko.
"Kase ang sweet namin, aha kinikilig ka na n'yan eh!" Nagtaas- baba pa ang magkabilang kilay nito.
"Baliw, tara na sa baba. Kumain na tayo." Akmang tatalikod na ako nang maramdaman ko ang pagkabog ng puso ko, napahawak ako dibdib ko ng hindi ko nalaman kung bakit.
"You alright?" Bungad na tanong ni Aki, na kakapasok pa lang ng kwarto. Nagtataka kong tiningnan ang hawak niya.
"Oo, teka saan mo naman gagamitin 'yang palangga? " Tinuro ko pa ang ibang hawak nito, may hawak din itong puting bimpo at medicine kit.
"Kay kuya Vener po 'yan." Brandon said, para akong nabingi sa narinig ko.
Paki ulit nga Brandon?!
Dahan- dahan akong naglakad para makapunta sa kabilang side ng kwarto ni Brandon kung nasaan ang kama nito, may hati kasi para separate ang maliit na sala dito sa kwarto niya.
Lalong kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na mahimbing na natutulog. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang ilang galos at pasa sa mukha nito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Imposibleng mangyari na nandito siya pero nasa harap ko talaga siya!
Bumalik ulit ako sa maliit na sala ni Brandon dito sa kwarto niya, napaupo ako sa sofa at napatakip ng mukha.
"Can you explain what's the meaning of this." Seryoso kong sabi sa kanilang tatlo, akmang lalapitan sana ako ni Aki pero sinamaan ko siya ng tingin.
Napatingin naman sa ibang direksyon si Boni nang tingnan ko rin siya. Ang huli ay si brandon na nakaluhod na pala sa may gilid ko, mukhang sumusuko na siya sa maling ginawa niya. Pagkatapos ng araw na pumunta kami sa Maynila ay napapansin ko na madalas itong may ka text o may ka callmate. Hindi ko naman maharap para magtanong dahil abala ako sa pagkikipag racing that time para makalimot sandali tapos ngayon...
Ang iniiwasan ko ay nasa sarili kong pamamahay?!
Nakakap-ta ang tadhana!
Kainis!
"Gusto ka niyang makausap ate," sabi niya matapos magpaliwanag ng kung anong pinag usapan nila ni Vener.
"Edi sana binigay mo na lang yung cell number ni Haxe at sa cellphone nalang mag-usap. Bumyahe pa tukoy yung tao," singit ni Boni na tumahimik naman ng sikuhin siya ni Aki.
"Bago pa siya magising, dalhin niyo na siya sa hospital. Ayokong nandito 'yan!" Iyon sana ang gusto kong sabihin ng maala ko ang mga sugat niya sa katawan.
"He contact Brandon that night. Nakita ka niya na naglalakad sa may kalsada, pumunta rin kami, nagulat nalang kami nanh maabutan namin kayo. Kasalukuyan siyang binubugbog ni Silvestre at isang kasama nito." Paliwanag ni Aki. Lalo sumakit ang pakiramdam ko.
Flashback
Tumagal lang ng ilang minuto ang kotse ko bago tuluyang mamatay ang makina. Malayo na rin siguro ako kay Silvestre. Bumaba ako ng kotse, lakad takbo ang ginawa ko. Wala na akong pakialam kung sobrang lakas na ng ulan, panay din ang lingon ko likuran ko baka bigla nalang dumating si Silvestre. Makalipas ang limang minuto ay unti- unting naglalaho ang pag-asa ko na makalayo pa. Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko.
May isang kotse ang tumigil sa may gilid, agad naman na bumaba ang isang lalaki at agad akong nilapitan. Lalayo sana ako pero tinawag niya ako sa pangalan ko 'Amirah' Doon na ako umiyak, umiyak na parang bata. Yumakap na rin ako sa lanya, mahigpit. Ayoko ng kumawala pa kung kailangan na dumikit ako sa kanya hanggang maging isa kami ay ayos lang.
"Nandito na ako, Amirah huwag ka ng matakot."
"S-salamat, huwag mo ako iiwan, Vener." Naramdaman ko ang pagyakap nito pabalik sa akin. Sa gitna ng takot at paghikbi ko ko, lahat ng sakit na nararamdaman at pagid ay nawala. Mukha mang hindi kapanipaniwala pero ito ang nararamdaman ko, napawi lahat ng takot ko.
"Halika na, umalis na tayo—"
Biglang may humila sa akin, para mapahiwalay ako sa kanya. Napasubsob siya sa basang daan, hindi man lang siya pinatayo pa at pinaulan siya ng suntok at sipa ni Silvestre, walangya .
Hindi pa ba siya titigil!
Gusto ko man na tulungan si Vener pero hindi man lang na awa ang isang kasamahan ni Silvestre na sobrang higpit ang kapit sa magkabilang kamay ko, siya sigurado ang bumanga sa akin kanina, kaasar. Halos mapatid ang ugat ko sa leeg sa pagsigaw na tumigil na i Silvestre, pero bingi na siya dahil namumula na ang mukha ni Vener pati ang damit nito ay nababalutan na ng dugo.
"Tangina mo! Silvestre, mamamatay kang hayop ka!"
"MANAHIMIK KA!" Sigaw naman niya at nilapitan ako sabay sampal mg malakas, damang dama ko, mas masakit at kgmalapit ang sakit nuto sa mukha ko dahil sa basa ng ulan. Napaluhod ako dahil sa hilo. Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ay sigaw ni Aki, naaninag ko pa ang kotse nila Boni bago ako mawalan mg malay.
-End-
#
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...