°Vener Fabian Pov°
5 years dealing with pain and living without nothing to be care of. Sabi nila wala namang forever, pero bakit hanggang ngayon ay masakit parin?
Bakit ba dumarating pa ang isang bagay o tao sa buhay natin kung hindi rin naman pala sila aabot hanggang dulo?
After that incident, akala ko tapos na pero mag kasunod pa pala. Akala ko magiging ayos na kami ni Amirah at nakahanda na akong umamin sa kanya pagkalabas niya ng hospital noon pero wala pang kinabukasan ay nalaman kong nawawala siya. Halos liparin ko ang daan para makarating sa tinutuluyan niya. Tanging mga gamit nalang niya ang nadatnan ko. Nasa lapag pa ang gamit na dinla ko para sa kanya ng nasa hospital pa ito, ang pagkain nito na natuyo na rin. Halos mawalan ako sa katinuan, kung kailan handa na ako na mag sabi na mahal ko siya.
Dapat ba hindi ko na siya minahal?
Dapat ba ay isinasalang bahala ko nalang ang nararamdaman ko sa kanya?
Para sa gayon ay hindi ako nasasaktan sa katotohanan na iniwan na niya ako. Dapat pala ay naging manhid nalang ako sa pag-ibig ko sa kanya. Sana kinalimutan ko nalang yung kaba, yung mga ngiti niya na naghahatid na kapayapaan sa akin kahit na bwisit siya minsan sa akin.
Dapat pala lumayo na lang ako sa kanya noong nararamdaman ko na nahuhulog na ako sa kanya. Kulang pa pala ang mga dugo na pumatak para maipagtanggol ko siya. Baka nga hindi kami para sa isa't isa. Hindi kami pwedeng mag sama.
Hindi tayo, hindi magiging tayo.
Ang daling sabihin pero hanggang ngayon ay umaasa parin ako. Nakulong si Phoebe, at kamakailan lang ang nakalabas ito dahil narin sa akikipag-areglo. Nadala rin siya sa isang rehabilitation center, nang malaman niya na namatay si Amirah, para raw itong nawala sa katinuan. Kung nandoon lang ako , kung hindi ko siya iniwan sa bahay niya, kung sinamahan ko lang sana siya. Sabi nga ni mama, huwag ko daw sisihin ang sarili ko.
Bakit naman hindi?
Kasalanan ko lahat!
Dapat ay sinunod ko ang sabi niya sa akin noon na layuan ko na siya, she's getting attention sa paligid niya because of me. Kung hindi ko siya nilapitan ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Hindi siya mawawala. Sinungaling ako sa nga sinabi ko na hindi mangyayari na mawawala siya. Hindi ko natupad na tutulungan ko sita at poprotektahan. Wala na, hindi ko na maibabalik ang oras na kailangan niya ng tulong para makaligtas sa pag kakalubod sa dagat. Kung andoon lang sana ako.
Patawad, Amirah.
Pumunta ako sa iba't- ibang lugar, sa ibang bansa man para makalimot, para kait sandali ay makalimot pero napaka imposible. Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya, parang kailangan na bumalik ako kung saan nagsimula ang lahat. Pakiramdam ko parang may tumatawag sa akin na balikan ang lahat, kahit masakit.
Nakuha kong makapagtapos ng pag- aaral. Nagkatrabaho at pumasok sa relasyon baka sakaling makatulong na magbago ang lahat ang masasakit na nakaraan pero kusa ko rin itong tinatapos dahil hindi madali na palitan siya dahil nakayakap parin ang kahapon, mahal ko parin siya hanggang ngayon.
Bakit ba sobrang mahal kita, Amirah?
***
Pumunta kami sa isang amusement park nitong pinsan ko, mag panggap ba naman akong boyfriend niya para pagselosin ang ex nito na iniwan siya. Wala naman akong ginagawa kaya pumayag na ako. Kinabukasan kasi ay may flight ako sa ibang bansa, para sa business nila Dad. Gusto ko rin na mag gala para malihis ang kung anong iniisip ko kahit makapag pahinga man lang saglit, nakakapagod na kasi a umasa sa wala.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
Storie d'amoreHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...