°Amirah Azores pov°
Inayos ko na ang sarili lo at ang gamit ko dahil aalis kami ngayong araw. Hinatid na ni Boni si Brandon sa school, ako naman at si Aki ay may lakad ngayon, kasama si Vener papuntang hospital.
"Aalis na ba? Teka lang ah...." sabi nito ng madatnan ko itong nagsusuot ng polo. Pinuntahan ko na siya sa kwarto ni Brandon dahil doon siya nagbihis, nandoon kasi ang maletang dala niya.
Naglayas ba 'to?
Bakit may dala pa na maleta?
Nilapitan ko na siya at tinulungan sa pag suot ng damit nito, bakas parin ang ilang pasa at galos sa katawan niya.
"Akin na." At hawak sa damit niya, may suot naring sando na kulay black, naka maong na shorts at nakatapak pa hanggang ngayon. Mukhang masakit parin ang katawan nito.
Sa paglipas ng segundo, pakiramdam ko ang tagal ng pagpatak ng oras, hindi maiwasan na dumampi ang mga daliri ko sa balat niya, ang init.
May lagnat parin ba siya?
"Ang init mo. Hindi parin ba maganda pakiramdam mo? May lagnat ka pa ba? Ayan kasi pinapa-inom ng gamot ayaw pang sumunod." Sermon ko na parang anak ko siya at ako ang nanay. Marahan kong hinaplos ang bandang leeg nito at noo. Napako ang mga nata ko sa mata niya.
"Pasensya kagabi, tapos ngayon. Pasensya na kung pinag-aalala kita."
"Huwag kasi emosyon ang inuuna, tingnan mo yang sarili mo napapabayaan mo na." Umatras na ako at tinignan siya. Naalala ko noon na mukha siyang poste dahil patpatin siya, pero ngayon well built na ang katawan binata na talaga, napaka manly na tingnan.
"Nandito ka pala Haze, kanina pa kita hinahanap, " sabi ni Aki na lumapit sa amin.
"Ah! Pinuntahan ko lang si...." Lumingon ako kay Vener na nakatingin naman din sa akin.
***
Kalahating oras kaming nakaupo dito sa may gilid ni Aki, naghihintay sa kanya na nasa loob ng isang kwarto, para ma-examine siya nung doktor. Hindi naman malala ang fracture nito sa balikat at braso, minor injuries lang. Malapit ko na talagang gilitan ng leeg yung Silvestre na yun.
"Ayokong i-open itong topic na to pero...."
"Magkakilala kami, school mates no'ng college." putol ko sa sinasabi niya. Alam ko naman at nararamdaman ko na nagtataka din siya sa aming dalawa ni Vener. Napangiti ako ng patago nang marealize ko ang sinabi ko.
Schoolmates? Schoolmates! Very nice answer, Haze!
"Woah! I didn't expect that, seryoso? Haze? Sigurado ka bang schoolmates kayo nung Ven na 'yun?"
"Woah Aki! Ako magsasabi sayo ng hindi... sigurado?" Napahina ang pagsasabi ko nang tiningnan niya ako ng nakakaloko.
Ayusin mo ang acting mo Haze!
Huwag kang mahuhulog sa trap ni Aki!
Bakit ba nakaka akit ang mga mata niya!
"Schoolmates lang pero bumyahe pa papuntang Batangas para sayo? Tapos walang paawat na sundan ka kay Silvestre. Sobra na ang effort nung schoolmate mo na yan pang level 99."
"Schoolmates lang kami."
***
He has a cast on his right arm. Nasa kotse na kami at hinihintay pa si Aki dahil may binili pang gamot sa loob ng hospital, ayaw naman niya na ako ang mag asikaso dahil alam niya na tamad din naman ako.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
Roman d'amourHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...