ATER 5 YEARS
°Haze Pov°
Abala ako sa pagtatanim ko ng mga gulay sa aking bakuran nang may lalaking nagmamadaling tumatakbo palapit sa akin. Tumayo ako at pinagpag ang kamay ko na may dumikit na lupa.
"Kailangan nagmamadali? Kung madapa ka niyan?"
"Kaya ko naman pong bumangon," agad niyang sagot habang hinihingal sabay hawak sa magkabilang tuhod nito para magpahinga saglit.
Inalalayan ko ito makaupo sa maliit na bench dito sa gilid ng bahay ko at kuha ng bimpo sa leeg ko at tapon sa mukha niya, itong batang to talaga.
"Hinahanap po kayo ni Kuya Boni sa may plaza kanina. May racing nanaman po mamayang madaling araw. Gusto raw niya po kayong makausap."
"Nasaan ba ang cellphone po at hindi mo man lang ipinadala sa text ang sasabihin mo?"
"Sino kasing hindi sumasagot po sa mga tawag ni kuya Boni po?" Tanong niya rin sa akin.
"Aba!"
"Chil, Ate Haze. Maghanda na po kayo ah!" Tumayo na ito at iniwan na ako.
Napayuko nalang ako at napatingin sa mga kamay ko, mukhang mapapasabak na naman ako mamaya.
11: 45 pm
Inabot ni Brandon ang isang lunch box na puno ng pagkain at isang maliit na bote ng energy drink sa akin. Kahit kailan talga hindi na natuto ang isang 'to.
"Hindi ko pa magiging huling pagkain ito, umayos ka d'yan! Baka hindi kita matansya." Tumingin ako sa mga taong abalang nakikipag pustahan sa hindi kalayuan sa pwesto namin kung saan kami nakaupo.
"Ate Haze naman, kahit isang kagat lang." pilit nito.
"Isang sapak?" Sabad ko at tumigil na siya.
Pinag-usapan nalang namin kung nasa kondisyon ang kotse ko. Magiging marumi ang laban ngayon nang malaman ko kaninang tanghali na grupo nila Silvestre ang kasali sa racing. Dahil doon ay wala akong ginawa mag hapon kundi ang humiga sa loob ng kotse ko, beauty rest eh?
Nevermind.
"Keep safe po?" Tanong ni Brandon sa akin. Kahit bata palang ay alam na nito kung anong nagyayari, well masisi ko ba kung ito na ang kinalakihan niya?
"K." Sagot ko dahilan para mabilis niyang ibaba ang salamin ng suot kong helmet
"Cold mo po talaga! Well let's start, show them the Haze!" Umayos na ako mg upo at nag *yawn* pa.
Inaantok pa ako, gusto ko ng matapos 'to.
Nakakasilaw ang liwanag dito sa starting line. Maingay din kahit na naka-helmet ako, dinig parin ang hiyawan nila.
Hindi pa ba ako masasanay? Halos buwan-buwan na lang.
Pagbaba ng pulang flag ay nag-umpisa ng mag- unahan ang mga nasa limang kalahok ngayon at sumunod narin ako. Pataas ang unang daan kaya nag bilang muna ako 1-10 at bira sa gas ko. Kung kanina ay sobrang liwanag na, ngayon naman ay nakakabulag na sa sobrang dilim ng paligid. Mapuno at matalahib, wala rin ang haring buwan para mag bigay liwanag sa kapaligiran.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...