Wanna Go Back 30

20 2 0
                                    

°Vener Fabian pov°




Tahimik lang akong nakaupo sa may sofa dito sa sala, ilang oras na rin ang lumipas nang umalis si Aki. Hindi ko pa nakikita si Amirah, nagkukulong siguro sa kwarto. May narinig ako na bumisina kaya tumayo ako at lumabas ng bahay.




"Andiyan ba si Haze?" Bungad na tanong ng isang matandang lalaki. May maliit itong truck na kulay puti, may lamang mga iba't- ibang bulaklak.



"Tatawagin ko po. Nagpapahinga po kasi, nasa loob pa...." Tatalikuran na sana nang pigilan niya ako.



"Hindi na, nagmamadali rin kasi ako. Ito pala yung mga bulaklak at halaman na inorder niya sa akin makaraan. Umulan kasi kaya ngayon lang ako nakaluwas dito," paliwanag nito. Nakasunod ako sa kanya at nang makalapit kami sa sasakyan nito ay ibinaba niya ang mga nasa tray na binhi at malilit na halaman nasa plastic na paso.




"Bali tatlong libo ang lahat," sabi niya, agad ko naman na kinuha ang pitaka ko at abot ng bayad.



"Salamat iho! Ngayon palang kita nakita ah? Nobyo ka na ba ni Haze?"  Bigla naman akong nataranta.



"Nobyo...hindi pa po." At namali pa ako ng sabi. Hindi pa naman talaga!




"Ayy pasensya na akala ko kasi, baka  naging syota na siguro sila nung Aki, oh sya paki sabi nalang at dumaan ako rito, salamat ulit!" Paalam ni manong at umalis na rin.


Baka nga sila na.











***



Dumating ang hapon na hindi ko namalayan. Naging abala lang ako sa pag-aayos ng mga halaman dito sa garden ni Amirah. Hindi ko maisip na magkakaroon siya ng interes sa pagtatanim. Hindi ko mabilang kung ilang klase nang bulaklak ang nandito sa garden niya, medyo natagalan ako dahil sa kamay ko na may benda at kailangan ko pa na iakma sa kakulay ng bulaklak.  Hindi naman kasi basta-basta garden na may halaman ang meron siya,  hindi malabo na magtayo pa siya ng Flower shop pagnagkataon.



May kailangan pa kasing isabit at ilipat sa ibang lalagyan ang mga bagong dating na bulaklak, kung hindi lang sa kamay ko. Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko ng marinig ko ang pagsigaw sa may gilid ko.



"Kanina pa kita hinahanap!"


"Sorry."  Kaagad ko namang sagot nang makalapit ito.


"Sumagot ka kasi pag tinatawag kita! " Tuluyan ko ng nabitawan ang hawak ko maliit na paso nang biglang bumalot ang yakap nito sa akin.


"Amirah..."


"Akala ko nawala ka na! Magugulpi ko talaga 'yang Silvestre na 'yun pag binalikan ka niya! "


"Silvestre? Yun ba yung sumuntok sa akin?"Sunod-sunod kong naitanong.


"Oo!" Tumalsik pa yung laway niya sa pisngi ko, beast mode lang?


"Aray...teka." Daing ko pero nagsasalita parin, paano ba 'to maaawat?


"Siya lang naman ang nagbugbog sayo para mapilayan ka! Wait" Napahiwalay siya at napaatras ng wala sa oras. 


"Medyo na pasobra ang pagyakap mo" sabi ko at hawak sa braso ko.  Mawawalan ata ako ng braso. Napakagat nalang ako ng labi sa pagpipigil ng sakit.


"H-hindi ko sinasadya." Naging malungkot ang mga mata niya at napayuko.


"Ayos lang, Amirah...

I mean Haze."




***


Naupo kami sa may maliit na bench dito sa gilid ng bahay niya, hindi malayo sa garden nito. Noon tila isang kahon lang siya nakatira pero ngayon may sariling bahay na siya at may tatlong palapag. Sementado, may pintura, magagandang bintana at bubungan, may sariling mga sasakyan at garden.


"Bakit hindi mo ako tinawag sa kwarto ko sa itaas?"


Nakatingin siya sa mga inayos kong bulaklak kanina.


"Baka natutulog ka, nagpapahinga.. ayoko naman ba abalahin ka, " paliwanag ko.


"Magkano raw ba?"

"No. Huwag na."


"Okay?" Parang hindi pa siya kumbinsido sa sagot ko  ang awkward kasi. Hindi ko alam bakit nilalamig ako pero pinagpapawisan man ang noo ko, eh ang presko naman dito sa labas.


"Nakauwi na ba si Brandon?'' pagbasag ko sa katahimikan na unting-unti bumabalot sa aming dalawa.


"Nagpatawag na ako ng service, baka mamaya pa." Kaagad naman  niyang sagot, ramdam ko pa ang paghinga niya ng malalim.



"Okay." maikling sagot ko.



Bakit ba ako nabablangko ako?


Napalingon ako sa kanya pero nakayuko  siya habang hawak hawak-hawak ang mga daliri niya na tila nilalaro iyon para malibang o para maalis ng tensyon?



"Ikaw? Kailan ka uuwi? Ang ibig kong sabihin, bakit ka nandito? Hindi ka pa umuwi baka may nag-aalala na sa'yo...your parents." Tapos tumingin siya sa akin, sa bilis ng boltahe. A naramdaman ko na tumulay sa mga mata niya papunta sa akin ay napaiwas ako at nakatingin sa harapan namin.



"Bakit ba ako nandito? " Tanong ko rin sa sarili.



Bakit bigla nalang nabura ang mga rason kung bakit ako nagpunta ako dito? Ang alam ko lang ay ang kagustuhan kong makita siya.



"Ayos ka lang? Bakit mo sa akin tinatanong iyan?" Balik niyang tanong din sa akin.



''Nakalimutan ko na eh, tsaka nag paalam naman na ako sa parents ko."



"Yung girlfriend mo?" Kaagad may bato itong tanong sa akin dahilan para hindi ako makaiwas man lang.


"Girlfriend? Bakit ka naman mag-aalala sa akin... ouch!" Napausog ako sa  kinauupuan ko palayo sa kanya ng apakan nito ang paa ko.


"Umayos ka baka dagdagan ko yang fracture mo?!" Banta niya.


"Opo... wala akong girlfriend." Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Asawa mo na 'yun?" Gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa. Ano na naman pumasok sa isip nito?



"Amirah, wala akong kahit ano." Seryoso kong sabi. Tiningnan ko pa siya sa mata at iwas din pagkatapos. Ikaw lang ang meron ako, ang luma na pakinggan pero ito ang nararamdaman ko.


"Yung kasama ko noon...pinsan ko iyon."

"So, bakit ka nandito?" Mukhang kailangan ko talagang magpaliwanag ng maayos ngayon.


"After that, nung nakita kita sa may amusement park.  Hind na ako nagsayang ng oras para makita ka kasi akala ng lahat wala ka na.'' Iyan sana ang eksaktong sasabihin ko pero bigla namang sumulpot si Brandon, mukhang kadarating niya pa lang galing school.



Mamaya na nga lang.


#

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon