Wanna Go Back 5

34 3 0
                                    


Note: Warning: This story is R18,  every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.



*Amirah Azores Pov*



  Ngayon ko ibibigay ang mga assignment at projects nila Phoebe, baka madagdagan pa ang atraso ko sa kanila.   Hindi pa nga ako gumagaling sa mga galos at pasa ko na natamo ko makaraan. 


Hapon na at nagmamadali akong pumunta sa likurang part ng gymnasium.  Doon kasi ang meeting place namin ni Phoebe para maibigay ko yung mga ipinagawa nila. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko si madam Principal,  kakalabas palang nito sa may library at may bitbit na mga folder at mga print outs. Tinulungan ko na ito at dumiretso na kami sa office nito. Medyo napalayo pa ako dahil sa admission building pa ang office niya habang ang gymnasium naman ay nasa dulong parte pa ng campus,  tatakbuhin ko na lang.



Nang nasa tapat na kami ng office niya rito sa may second floor ay siya na ang pagbukas ng pinto at sumunod na ako sa kanya. Hindi ko alam kung dahil sa aircon ang lamig na nararamdaman ko o dahil sa lalaking nasa office rin kung nasaan ako. Nagtataka itong makita ako,  naalala ko nanaman ang encounter naming dalawa.



May nag- vibrate sa loob ng bulsa ng palda ko. Tatlong beses iyon,  lagot na ako nito!  Kailangan ko na umalis,  mapapagalitan nanaman ako ni Phoebe!  



Dahil sa kaba na bumalot sa katawan ko ay nabitawan ko ang mga hawak kong papel at nahulog sa tiles. Kaagad ko itong pinulot at ipinatong sa mesa na nasa tapat ko.  Akmang aalis na ako nang marinig ko na banggitin nito ang pangalan ko,  para akong nabingi. Ang sakit sa tenga na marinig iyon lalo na sa tad niya na lalaki.



  Mabilis akong lumabas ng office at tinakbo ang hallway. Kinuha ko ang cellphone ko na ang daming crack sa screen nito,  ilang beses narin kasing nahampas sa pader o kaya nadaganan ng mabibigat na bagay. Pagtingin ko sa mga messages na natanggap ko ay hindi ako nagkamali na kumukulo na ang dugo ni Pboebe dahil wala pa ako doon,  sana hindi ko na nabasa.  Dahil sa abala ko sa pagtingin sa cellphone kong basag ang screen ay nabangga ako sa pader...


hindi pala pader.




Agad akong napahawak sa noo ko ma natatakpan ng makapal kong bangs.  Napaangat din ako ng tingin ng sumuot ang amoy ng pabango ng isang lalaki sa ilong ko.


Bakit maging sa dibdib nito amoy na amoy ko ang pabango niya?


Naligo ata siya ng cologne.






"Wala ka talagang manners ano?" tanong niya.




Siya na naman! Asar! 


Kung hindi lang ako nagmamadali baka itinulak ko na siya sa hagdan at hayaang gumulong pababa.


Hindi ko siya pinansin dahil naalala ko sila Phoebe,  isa pa yun kung hindi lang sa mother niya baka nasampulan ko rin mg mag asawang sampal.



"Kinakausap kita," seryosong sabi nito.  Hindi ko siya tiningnan, nag-iisip ako kung paanong escape ang gagawin ko,  aalis ako pero may pabaon. 



Huminga ako ng malalim sabay apak sa blackshoes niya,  muntik na siyang ma- out of balance! Hahawakan pa niya sana ang kamay ko pero mabilis akong nakaiwas at tumakbo na.




***


"Pasensya na...ah!" Napaluhod ako nang maramdaman ko ang pagtama ng bola sa mukha ko.

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon