Amirah Azores Pov
Sino ba naman ang hindi magugulat kung makikita mo sa kwarto mo na pagbukas ng pinto nito ay may iniluwa siyang isang lalaki na hindi ko naman kilala?
Take lang wait.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Kulay black and blue at puti. Napatingin ako sa damit ko, ibang damit na ang suot ko at hindi na yung uniform ko. I'm dreaming!
Natauhan lang ako nang naupo ang lalaki na naka- pajama at kasalukuyang nagsusuot ng loose shirt. Bagong ligo lang ito at may nakasabit na tuwalya sa leeg nito. Nakahawak ito sa tenga na parang kinakalikot ng marahan, mukha siyang naglilinis na tenga.
"My eardrums."
Napaka- manly ng boses niya. Natulala naman ako sa adams apple nito. Bagsak na bagsak ang buhok nito. Ang pamumula ng tenga niya, ang mukha niya niya na perpekto, ang paghinga niya, ang pag sasalita niya. Pakiramdam ko may katabi akong artista. At higit sa lahat wala akong care kung gaano siya kagwapo.
"Who are you?" Mahinang tanong ko.
Agad akong nagbalot ng kumot sa katawan. Hindi dahil nilalamig ako kundi yumayakap na ang takot sa buong katawan ko. Umayos ako upo sabay lumayo sa kanya at halos dumikit ako sa head board ng kama.
"Excuse me? Hindi ka man lang mag so-sorry?"
"Answer me first." Malamig kong sabi.
"Attitude huh?"
Natawa pa siya kunwari at huminga ng malalim tapos tumingala sa kisame.
Inipon ko ang lakas na natitira sa katawan ko kahit na nararamdaman ko na naman ang panghihina ng buong sistema ko.
I'm too weak, mentally, physically, emotional at spiritual.
Boring ko diba?
"Saan ka pupunta?"
"Excuse me too Mr? You don't deserve any answers."
Bago pa ako makatayo para maka-alis. Napansin ko ang suot kong damit ngayon. T-shirt na panlalaki at pajama. Nag-umpisa na akong magbilang na 1 to 100 para kumalma. Hindi ko hahayaan na mamuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko at bumagsak ng tuluyan, kailangan kong kumalma. Sa loob ko nilalabanan ko ang bagay na kinakatakutan ko. Kaya ko 'to! Ang hirap labanan ng trauma na pilit bumabalik sa sa isipan ko.
"47 48 49..."
Natigil ako nang inabot nito ang bag ko at ang isang paper bag na naglalaman ng uniform ko dahil basta nalang niya itong pinasok sa loob ng paper bag.
"Thank you ha? Maraming salamat talaga?! " Sarcastic nitong sabi.
Kung hindi lang mahalaga ang uniform na ilang buwan kong pinagipunan at ang bag ko na naglalaman ng gamit ko na hawak niya. Hindi naman ako mag-aaksaya ng segundo para kunin ko iyon sa kamay niya, pero hindi naman iyon pwede. Baba muna ako sandali ng isang step sa Stairway of Pride ko this time balik nalang ako mamaya sa mataas na step.
"Who told you to help me?"
Natahimik siya, nabasa ko sa mukha niya na parang nagtataka na matatawa na hindi ko mawari, tila hindi makapaniwala sa narinig niya.
Ako rin naman kasi!
Anong klaseng tanong iyon?
Bakit ko ba kinakausap 'to?
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
Lãng mạnHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...