Note: Warning: This story is R18, every so often consists of sturdy language and some violence which can also be unsuitable for children.
°Vener Fabian Pov°
Pinili ko kung ano ang dapat. Lumayo ang tanging alam kong paraan. Sa susunod rin na linggo ay aalis na ako, kailangan masigurado na magaling na ang kamay ko. Hindi ako pinapayagan na umalis ni Amirah...
ang ibig kong sabihin,
si Haze.
"She's living better now. Nakikita mo 'yon. I can protect her, so mind you?! Mr. Fabian, know your place. Ayokong masaktan ulit si Haze. Ipinangako ko sa ama nito na magiging masaya ang prinsesa niya. Ayokong maranasan niyang muli ang sakit sa piling mo."
"Naiintindihan ko, Aki. Alam ko na mali ako. Mali ako ma nagpunta pa ako rito. Dito sa bagong buhay niya kasama kayo, alam ko nasa mabuting kamay siya, hindi ko kinukwestiyon iyon. May tiwala ako sa inyo. Alagaan mo siya, Aki. Nagtitiwala ako sa'yo."
"Ako na ang bahala sa pag-alis mo sa katapusan ng buwan. Huwag ka na sanang babalik pa."
"Mahal mo siya?" Buong tapang na tanong ko sa kanya. At hindi rin naman ako nakatanggap ng sagot na walang laman.
"Siya ang buhay ko, Ven."
***
Days passed.
Nanatili malayo ang agwat ko kay Haze. Alam ko napapansin niya iyon pero pinilit kong sinaksak sa isip ko na mali pa na lumapit pa ako, isang kaibigan lang naman. I will never ever try to cross the line between friends to lovers. Siguro nga ako lang. Ako lang ang nakakaramdam. Wala naman talaga dapat akong makuhang sukli mula sa Haze. Wala na ang taong pinili kong mahalin, wala na si Amirah.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit pinili kong manatili sa labas kaysa sa loob, may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman sa paligid. Pakiramdam na tila may isang tao na nakamasid. Alam ko naman na matatalo ako kapag nakipagbuno ako roon. Hanggang ngayon hindi pa masyadong magaling ang bali sa braso ko.
Gayunpaman, pinili ko parin maging matapang. Kahit sa ganitong paraan ay may magawa ako, na protektahan siya. Sa lahat ng sinabi ko wala rin pala sa dulo. Sinungaling ako sa parte na kaya ko. Sinungaling ako sa mga sinabi kong salita na walang laman. Huli na para ang taong mahal ko ay aking maprotektahan.
***
"Tell me if you have contacted them. Mahina ang signal dito kaya tulungan mo akong matawagan sila."
"Copy! Strong naman si Ate Haze, kuya! Don't worry po!" Full of confidence na sabi Brandon.
Sinabi ko lahat ng napapansin kong kakaiba kay Brandon. Gusto rin naming ipaalam iyon kay Boni at Aki, ang problema walang makuhang signal ang mga cellphone namin.
Nang makapagpahinga na ang lahat, pumunta ako sa kwarto ni Haze pero walang tao doon. Nagmadali akong lumabas ng resthouse. Halos nakapatay na ang mga ilaw sa pasilyo. Wala na ring mga staff na naglilibot. Madilim na sa buong paligid. Hindi na ako nagsayang ng oras para hanapin siya. Dumaan muna ako sa lugar kung saan ang mga security guard. Gulat akong nakahandusay si manong guard sa sahig, ang isang staff na kasama nito ay walang suot na damit pang-itaas.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomantizmHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...