Wanna Go Back 24

24 2 0
                                    

°Vener Fabian Pov°




Nakaayos na ang mga gamit na dadalhin ko, sana talga ay mapagayan ako sa gagawin ko.



"Just a month, Mom, Dad. Please?"





"Vener anak, sigurado ka ba? Saglit lang naman ang meeting sa—" Natigil sa pagsasalita si mama nang makisali na si dad.




"Fine, but let me hear what your reason kung bakit pinili ming pumunta sa sinasabi mong na iyon kaysa sa business meeting natin." Seryoso na tanong nito.




***




Agad kong tinawagan ang isang numero, ilang sandali pa ay sinagot na niya ito.


"Medyo busy pa po sita ngayon, baka sa susunod na linggo nalang kayo bumisita sa kanya."



"May tutuluyan naman d'yan diba? On the way na kasi ako," mabilis kong sagot sa kausap ko sa kabilang linya.




Hindi na mabura ang ngiti sa mga labi ko, mula nang payagan ako nila Dad at mama ay halos gusto ko ng tumalon hangang maabot ang langit. No one can stop even death, sisiguraduhin ko na magiging akin siya ngayon pangalawang pagkakataon, pero hindi pala madali.





***




Inabot ako ng isang araw ay sa byahe ko.  Hindi kasi ako masyadong maalam sa mga lugar, at wala akong ideya na kung tama ba ang dinadaanan ko. Masyadong mataas at matatarik ang dinadaanan ko, nakakahilo na rin minsan dahil may pababang daan at  pataas naman.



Tumigil muna ako sa isang karenderya. Bumuhos ang mahinang ulan,  sumilong muna ako sandali. Laking pasalamat ko nalang at may kainan pa na bukas. Nag tanong na rin ako pagkatapos kong kumuha ng order na pagkain ngayong madaling araw.



"Sa kabilang bayan na. Bakit mo pala naitanong? Sasali ka ba sa laban ngayon?"



"Po? Laban po?" Nagtataka kong tanong dahil madaling araw na tapos may laban na nagaganap?




"Car racing."



"Racing? Racing match? Ngayong umuulan?"




Hindi ko makuha ang pinunto nito. Itinuon ko na lang sa pagkain ko ang atensyon ko. Naalala ko na may kailangan akong tawagan. Kinuha ko sa bulsa kong ang manipis kong cellphone.  Mabilasng pagtipa at dial ng numero nito, ang kaso makalipas ang sampung segundo ay walang sumasagot.



Napangiti ako ng bahagya kahit na nag-uumpisa ng mangilid ang mainit kong luha sa aking mata. Naalala kong muli ang pagkikita namin ni Amirah sa ilalim ng ulan. Sana kaya kong ibalik ang panahon pero malabo. Napaka-imposible, kung kailan huli na saka malalaman na dapat ang mga tulad ni Amirah ay pinapahalagahan.




Isang text ang tatanggap ko dahilan para mag balik ako sa reyalidad.  Agad ko naman tiningnan at halos mabitawan ko ang cellphone ko sa nabasa ko.



Habang mabilis na nagmamaneho, hindi ko inisip kung madulas na ang kalsada  o malakas na ang ulan. Ang gusto ko lang ngayon na mangyari ay ang makapunta kaagad sa kanya, kay Amirah.


"We lost the connection, we can't contact Ate Haze."


Hirap mang tanggapin pero marami ng nagbago kay Amirah. Hindi ko aakalain na sobra ang pagbabago niya. Amirah play car racing gayong babae siya, ang alm ko noon ay pag-aaral ang inuuna niya sa lahat. Hindi na ma-process ng utak ko ang mga nalaman ko ngayon kay Brandon. Sa haba ng paliwanag niya wala akong naiintindihan, ang alam ko, nagbago na talga siya. Sana hindi pa, sana kaya ko pang ibalik ang dating kami.



Brandon gave me the last location of Amirah. Gusto man niyang sumama pero delikado. Kumikilos na rin ang kasamahan ni Amirah para sundan siya.  Nahihirapan pa kami dahil dumagdag pa ang  pagbugso ng malakas na ulan.



Wala akong ideya kung tama ang dinadaanan ko, dahil wala akong halos makita bukod sa madilim na paligid.  Nakakarating ba ang mga sasakyan dito? Hanggang sa kumulog na ng malakas, samahan pa ng pagkidlat. Kinakabahan ako hindi dahil sa mga puno na hindi ko alam kung mabubuwal na sila sa lakas ng hangin ngayon. Ang kinakatakot baka mahuli na ako, na sana walang mangyari kay Amirah. Hindi ko matatanggap at hindi ko kakayanin na masaktam ulit gayong wala ako sa tabi niya.



Sinasalubong ko ang mga batong bigla  nalang nahuhulog mula sa may gilid ng bundok. Nasa may gilid pa naman na ako ng bundok at bangin, walang awat ang pag- agos ng ulan sa daan dahilan kung bakit mahigpit na mahigpit ang paghawak ko sa manibela.  Walang nasayang na segundo, panay ang dasal ko sa kabila ng pagkabasa ng pisngi ko dahil sa patuloy na pag-iyak. Muntik na akong mag mura nang may makita akong babae na nakasuot ng jacket at nakapantalon. Mabilis siyang nag lalakad sa dilim, panay ang lingon niyo sa likuran niya at yakap- yakap ang sarili niya.



Inihinto ko ang sasakyan at mabilis akong bumaba ng kotse at nilapitan siya. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko tila nawawala na ako ng hangin na lalanghapin. Ang puso ko ay hindi ko ay tila lumabas na ng katawan ko sa sobrang kaba.



"Amirah..."  Tawag ko sa kanya na siyang ikinalingon nito sa banda ko, at nang makalpit na ako sa tabi niya, gulat ang ekspresyon nito sa mukha, na parang iniisip nito na panaginip lang ang lahat.



Bakas ang takot at pagod sa mukha nito. Lalo akong nanghina nang yumakap ito sa akin at umiyak, iyak na sobrang sakit.



Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pag- agos ng mga maiinit namin luha.



#

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon