° Amirah Azores/ Haze Pov °
Puting kisame, puting pader, puting kurtina, maging ang kumot na tumatakip sa aking katawan any kulay puti. Pinilit kong bumangon ang problema hindi ko kaya. Pakiramdam ko may nakadagan sa akin at hirap akong gumalaw.
"B-brandon?" tawag ko sa isang lalaki na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Nakapahinga ang ulo nito sa gilid ng kama ko.
Base sa itsura ng lugar, marahil nasa isang hospital ako. Naalala ko ang mga nangyari no'ng gabing iyon. Wala akong ideya kung ilang araw na akong nandito. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko ng maramdaman ko na kumirot ang ulo ko. Naalala ko siya, mga bagay na nangyari noon bago ako mapunta kay Asahi. Hindi parin siya nagbabago, hindi parin siya tumitigil hangga't hindi ako nalalagutan ng hininga.
Sa mga oras iyon, alam ko ang mga susunod na gagawin nito. Nahagip ng lente ng mga mata ko na na-sent na ang text ko para kay Ven, Boni at Aki.
I need help.
Lumipas ang mga segundo, inihanda ko na ang sarili ko. Sanay na ako sa mga galaw nito, mga paraan kung paano niya ako pahirapan at makipagkamustahan kay kamatayan. Pinilit kong umiwas sa paghampas niya ng tubo sa ulo ko, may kaunting parte ng ulo ko ang natamaan niya. Nakaramdam ako ng hapdi at pagkahilo, mabilis ding kumawala ang dugo sa natamo kong sugat. Hinayaan kong lamunin ako ng tubig.
She'll get satisfied when she see blood.
She's still the evil bitch!
Walang pagtutol akong nagpayakap sa kadiliman. Naniniwala ako na may darating para tulungan ako. May tiwala rin ako didinggin ang pananalangin ko.
Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas. Naramdaman ko na tila may dumadagan sa dibdib ko. Ilang sandali pa ay ang paglapat ng kung anong mainit na bagay sa labi ko. Gusto ko mang dumilat at gumalaw ngunit hindi sumusunod ang katawan ko. Hanggang sa napaubo ako, nakaahon sa pagkakalunod, inilabas ko ang mga tubig na nainom ko. Nanlalabo ang paningin ko ng dumilat ako. Paghagulgol, pag-iyak, pagsigaw at pagsinghal. Mga pangyayari na bumasag sa katahimikan na sandaling nilukob ako. Nilingon ko ang nasa gilid ko. Umiiyak si Brandon, mahigpit ang yakap nito sa nanlalamig at basa kong katawan. Napansin ko ang isang lalaki.
Balot ng dugo ang braso nito. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ubo niya ng dugo. Kumalat ang mga ito sa basang sahig. Naghalo na ang malamig na tubig at mainit nitong dugo sa hinihigaan nito.
Tinawag ko siya ngunit ang tanging tugon nito ay isang ngiti, ngiti na may kahulugan ng pamamaalam.
Hanggang kailan mo isasakripisyo ang sarili mo sa akin, Vener?
***
"Ang balita ko po, nagpunta sila ng Amerika. Kuya Ven never need a cast on his arm, Ate. Malala ang fracture nito sa braso. There's a chance na baka maputol ang kamay-" Napahinto siya sa pagpapaliwanag, niyakap niya ako ng mahigpit.
"I'm sorry po." Dagdag nito.
3 weeks passed.
Naka- recover narin ako kaagad. Hindi naman pumalya sa pag-aalaga ang mga kapatid ko sa akin, lalo na itong bunso. Aki never let Brandon tell me everything what happened at the resort. Ngayon lang kung kailan isang buwan na ang lumipas. Pumunta siya sa hospital para kunin ang ilang lab results ko about sa naging insidente ko sa ulo no'n. Kasama naman namin si Boni na abala sa kusina ko para magluto.
BINABASA MO ANG
Wanna Go Back [COMPLETED]
RomanceHe thought about happiness and seemed to be around forever. Then he left? "He didn't exist, he never existed, so I'll pretend he didn't exist. That's what I'm going to do." Written By: SiriusLeeOrdinary January 25, 2021 Completed✓ March 10, 2021 (Ty...