Wanna Go Back 22

20 2 0
                                    

°Amirah / Haze Pov°




Ginawa kong abala ang sarili ko, kahit na hindi ako imbitado sa mga race ay sumasali ako. Kapag nalaman naman nila na sasali ang isang 'Haze' ay walang pagdadalawang isip na papayagan nila akonh makasali. Kahit na unuuwing pagod at panalo, may parte parin sa isip ko na pilit sumisiksik ang pangalan na Vener. 

Huminga ako ng malalim at nahiga na. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo.


Bakit ka ba nag papakabaliw doon?


Ano bang ginawa sayo nung Vener  na iyon sayo? Tanong ng konsensya ko.



''Anong ginawa niya sa akin? Ano ang ginawa niya kay Amirah noon?" Tanong ko sa kawalan.



''Ipinaramdam niya lang naman na mahalaga ako. Na hindi dapat pero wala, nahulog na rin ako pero ayokong aminin sa kanya na gusto ko siya dahil hindi rin naman ako magtatagal. Baka masaktan ko lang siya pagnawala na ako ng tuluyan. Baka sabihin niya pinasa ko lang siya. Kung hindi lang siya nagparamdam na mahal niya ako, kahit ako ay ramdam ko iyon. Hindi man ako manhid, kahit ilang hampas at sampal ang maramdaman ko. Hindi makakaligtas ang dahilan iniya sa akin.  Hindi naman kami close pero he traeted me as if we are friends for years. " Pag-alala ko sa nakaraan.




"Hindi lang sa pagiging interesado niya sa akin ang napapansin ko. I have my ways, nahuhuli ko siyang nakikipag basag-ulo sa mag grupo ni Phoebe kahit sa mga schoolmates namin na nanankit sa akin. Kaya nga inutusan ko siya at binalaan na layuan ako kasi dahil sa akin napapahamak siya. Hindi rin makakapagtago ang maga galos at pasa sa mukha at braso niya. By that, pinakiramdaman ko na higit pa sa pagkakaibigan ang gusto nito. Sa panahon ba naman ngayon ay hindi na uso ang. . . ."



Napatigil ako ng matagpuan ko ang sarili ko na umiiyak. Bakit ko pa inaala ang lahat?




Bakit ko pa binabalikan ang nakaran na nagdulit sa akin ng sakit at paghihirap?




Akala ko ba patay na siya?



Akala ko pinatay ko na ang dating Amirah na mahina at lampa.

Stupid this tears.

She's dead.


Amirah is dead.






***



Nasa may garahe ako nila Aki, may laban na naman kami kinabukasan. Iyong deal namin na lampasuhin namin ang team ni Silvestre, ayaw naman nila patalo. Kahit na halata naman na dehado sila, banggain ba naman ako, nakakainit na ulo. Alam nila sa sarili nila na magaling sila pero mas alam ko na mas magaling ako sa kanila.




All of this was for Asashi ang tumayong bagong pamilya ko. If I could risk my life,  I would gladly sacrifice it and do it twice for him. Ipahihiganti ko siya sa mga  Silvestre.




Enhance tires,


Start race with full nitrogen,


Increase top speed by 20% to 50%


Increase acceleration by 40 % to 80%


Enhance Handling.



Napangaga naman sila Aki at Boni sa ginawa ko sa system ng kotse ko. Alam ko kung gaano kadelikado ang gagawin ko but this is my choice, bahala na.



"Ikaw ang gumagawa ng sarili mong hukay, Haze."



"Parang sinasabi mo na wala kang tiwala sa akin," agad kong sagot kay Aki at napahinga nalang ng hangin.



"Ang hirap mo kasing basahin, kaya nag-aalala kami sayo. You know muntik ka ng mahulog sa bangin pero— "


"I can do unexpected things, I'm not named Haze if I can not. Gagawin ko ang lahat hanggang sa mabaliw sila sa kung anong gagawin kong atake sa susunod pa na laban at sa mismong laban. Bahala na silang maguluhan. Playing dirty lead me to win the car racing. Inumpisahan nila na mag laro na madumi itutuloy ko lang, para fair," putol kong sabi kay Boni na ngayon ay natahimik na rin.







"Nabalitaan ko na may racing ang Team nila sa ibang bansa. Malaki ang kikitain kaya pilit silang gumagawa ng paraan para matalo ka at kunin para sa grupp nila."



"Asa mga 'yun," sagot ko.



"Tinutupad naman nila ang gusto mo pero matindi ang pangangailangan nila ngayon baka... hindi malabong idaan nila sa maduming paraan para makuha ka nila."


"My security system never fail me, kayo ba? Kaya niyong depensahan ang sarili niyo."


Tumango si Boni habang mahimbing na natutulog sa lap miya si Brandon, halos mag a-ala una ng gabi at gising pa kami.



"Ikaw ang iniisip namin dito," sabi ni Boni.


"Are you joking? I can handle my self."


"You are joking here. You're not okay this pass few weeks, alam mo 'yan. Paano kung atakihin ka ng kondisyon mo?  We care for you, ayokong mawala ka gaya nanh pag-iwan sa amin ni Papa," reklamo ni Aki.




"Hindi mangyayari iyon, maniwala kayo."


Sana talaga.




Gusto kong gumanti sa pagpatay nila sa Papa ko. Gusto kong ipakita sa kanila na malinsila ng binabangga. Pero sa huli sa dami ng salita at ipinangako ko...



mawawala rin pala sa dulo.

#

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon