Wanna Go Back 29

20 2 0
                                    

°Amirah Azores Pov°






"Hindi naman makakalapit sila Silvestre dito, subukan lang nila baka hindi na sila masinagan ng buwan pag nagkataon."



Nasa basement kami ngayon at inaayos ang McLaren Senna ko. Kawawa ang kotse ko, hindi sana kay Silvestre, lintik na 'yun!


Namumuro na siya!




Kailangan kasing ipagawa agad itong kotse ko kaya kahit labag sa loob ni Aki ay kailangan niyang umalis dito sa bahay ko.  Bilin kasi ni Asashi na kahit anong mangyari nasa maayos na kondisyon ang mga kotse namin. Ang akin, isang bangga nalang magkakalas na lahat ng parte nito. Uuwi na muna rin si Boni, baka kung ano ng nangyari sa bahay nila. Medyo may kalayuan din sa lugar ko.   Lumayo ako dahil ang iingay nila, sabi ko nga, I need peace of mind, ngayon palang gusto ng sumabog ang utak ko sa pag- aaway nila Boni at Brandon.



"Saglit lang naman aayusin si McLaren diba?"


"Sana, pero babalik ako kaagad dito kapag naidala ko na siya sa pagawaan nung kaibigan ko. Buti nalang at nandito si Ven atleast diba may magbabantay sayo kahit papaano."


"Ha? Siya pa nga ang dapat bantayan ko eh, dumating lang ata siya dito para lag alagaan ko." Naalala ko na naman na may kasama pala kami.





"Ayaw mo 'yun? More time with your schoolmate." Mapang-asar talaga itong Aki na toh!



"Isa! Nagbago na isip ko! Ako na magpapagawa kay McLaren!"








***





°Vener Fabian Pov°




Sabi ko sa sarili ko kakayanin ko, pero hindi ko kinaya sobrang sakit ng katawan ko, parang madi -dislocate na mga buto ko sa katawan. Noong sinabi ni Boni na kung nasaan si Amirah ay hindi ko alam kung anong gagawin ko para mahila ang oras, sa pakiramdam ko siya lang ang kailangan ko para gumaling at mawala ang sakit ng katawan ko. Nagpunta pala ito sa isang orphanage. Malalim na ang gabi, narinig ko na may nag-uusap sa labas, tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sofa.




Nakita ko si Amirah na kasunod si Aki sa likuran, nakayuko ito at nang humarap siya ay nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung ako lang pero saglit na tumigil ang oras sa paligid at pakiramdam ko ay kami lang dalawa ang nasa loob ng sala. Hindi ko mapigilan na sambitin ang pangalan niya na Amirah.




Sobrang naawa ako sa sarili, nakakainis kasi hindi ako makakilos ng maayos gusto kong matulog pero sobra na yung straight akong tulog kahapon. Ayokong isipin na parang hindi siya komportable na nasa malapit ako kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko para hindi siya mainis sa akin. Alam ko kung gaano kasakit ang masapak niya, sana huwag niyang dagdagan ang sakit ng katawan ko ngayon.



Sa pakikitungo niya para bang bumabalik ang mga alaala naming dalawa noong magkasama kami sa school. Back then pangkaibigan lang ang turing namin sa isa't-isa...pagkakaibigan ang nararamdaman ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit isang araw ay nagising akong siya ang nasa puso't isipan ko?


Possible pala iyon kahit napaka layo isipin sa reyalidad, pag- ibig nga naman.



Sa pag-aalala niya sa tulad ko ang nagpatunay na siya ang babaeng minahal ko at mamahalin ko pa ngayon. Nasaktan ako na itanggi niya na hindi siya si Amirah, na hindi Amirah ang pangalan nito.



Naiwan akong tulala sa may sala. Mali ba ang pagpunta ko dito?


Dapat ba hindi ko na siya ginulo ngayon sa bagong buhay na gusto niya?





Mali ba ako?



Hindi ko pa nga nasasabi ang nararamdaman ko suko na agad, ang duwag ko ata sa lagay na 'to. Kahit man lang masabi ko ay ayos na ako kaysa mabaon  nalang sa limot ang nararamdaman ko.




***




Pagdating ng umaga ay umaasa ako na magiging madali ang lahat pero hindi, napapangiwi nalang ako sa pagkirot ng braso ko. Hindi ko alam kung nabali o ako lang nag- iisip na masakit dahil gusto ko na alagaan ako ni Amirah. Natampal ko ang sariling noo ko sa naisip ko.




Hindi, huwag mong gamitin si Amirah sa mga ganyang bagay! Suway ng konsensya ko kaya kahit hirap at masakit ang nag patuloy na ako sa pag aayos ng sarili.




Hindi ko inaasahan na darating siya sa tabi ko, marahan nitong inalalayan ang kanang kamay ko na masakit. Mukhang napuruhan nung lalaki na naggulpi sa akin sa may kalasada.




Ano kayang mayroon sa kanila ni Amirah?




Pagdating sa hospital, halos hindi na ako nagsasalita. Na-realize ko napakalaking abala ko na sa kanila, hindi ko alam kung paano babawi. Ang alam ko pinuntahan ko dito ay si Amirah pero hindi ko inaasahan na magkakaganito. Pagkatapos ay pumunta kami sa may restaurant,  na- iilang ako sa kanilang dalawa, kay Aki...



Siya yung yumakap kay Amirah noon ng nasa Maynila kami.


Sila na  ba?

Lalo akong natahimik, naguguluhan ako kung bakit pa ako nagpunta rito?


Bakit pa ako eeksena kung ang taong mahal ko ay masaya na sa iba.






***


Palabas na ako ng kusina nang makasalubong ko silang dalawa na nagtatawanan. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa basong hawak ko, hindi ko alam pero bakit naiinis ako. Natigil sila at napatingin kung nasaan ako.



"Hey Ven! Aalis ako mamaya kaya ikaw na muna bahay dito ah?" sabi ni Aki , tango lang ang sinagot ko at tipid na ngumiti. Umiwas ako ng tingin kay Amirah ng lingunin niya ako.



***



Nasa may sala ako ng tumabi si Aki sa akin, tanghali na at nakabihis ito na pang-alis.


"Ito yung contact number ko, kung may emergency, tawagan mo ako kaagad"



"Sige." Kaaagad kong sagot, sabay abot nung papel sa kamay niya. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng shorts ko, kahit medyo nakakangalay lang.



"Pwedeng magtanong? Sabi sa akin ni Haze mag- schoolmates kayo dati? Schoolmates lang ba talaga kayo? I mean sayo?"


"Ah, ano...."


"Ok then. Alam mo na ngayon lang tayo nagkita at hindi pa magkakilala pero sana bantayan mo siya dito ngayon habang wala kami ni Boni, tutal nagkasama na kayo noon, schoolmates right? Kahit ramdam ko na higit pa doon ang meron kayo." Normal lang ang pagkakasabi nito pero iba ang dating sa akin.



"W-we're just friends." Nauutal kong sagot.



Magkaibigan kami ni Amirah, pero bakit sa kanya ay schoolmates lang kami?



lang tong feeling na friends kami ni Amirah?

"Not sure eh? Sige na, update mo nalang ako," akmang aalis na siya ng magtanong ako.


"Teka lang. Si Amirah... I mean kayo ni Haze? "


"Kami ni Haze? Prinsesa ko?" Agad naman siyang tumingin sa akin na makahulugan.



"Prinsesa?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Friends?" Nagtataka din niyang tanong sa akin.




#

Wanna Go Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon