#NOLSIMULA
"Good Evening! Ma'am, Sir!" Bati ko sa customers na dumating at kakaupo lang sa isang mga lamesa dito sa restaurant at bar.
"Good Evening, can I take the menu?"
Napakamot ako sa ulo ko ng nakalimutan kong ibigay ang menu. Ano ba naman 'yan nakalimutan ko pa talagang ibigay ang menu at tanungin kung ano ang order nila.
"Ay pasensiya po Ma'am at Sir, ano po pala yung order niyo?" Nakangiti kong sabi at kahit gusto ko na lang lamunin ako ng lupa sa sobrang pagkakahiya.
"For the soup I will take the mix seafood tinola tsaka gusto ko rin 'yong pork sisig, buffalo wings at salmon sushi then sa drinks naman I want the blue lemonade, 'yan lang."
Napatango at napalunok ako sa order nila. Sinulat ko na ito.
"How about you sir?" tanong ko kay gwapong sir. Well gwapo talaga siya.
"I will take the Japanese food, one order of double salmon, tuna sushi and rainbow roll that's all."
Jusko napaka gwapo pati boses, malala na 'to dapat ng itapon pero 'yong mga ganitong lalaki dapat i-keep 'to kasi nga gwapo.
"For the drinks sir?" tanong ko dahil siyempre baka mabilaukan, sayang gwapo pa naman pero 'di ko bet, 'di naman sa man hater ako, sadyang 'di ko pa priority ang lalaki.
"Oh my bad, one margarita and carlo rossi red wine, that's all," swabeng sabi niya.
"Okay ma'am at sir wait for fifteen minutes dadating na order niyo." Nakangiti kong sabi.
"Okay we will wait."
Sana lahat marunong mag antay, wala akong pinanghuhugutan ah. Hindi rin ako bitter.
"Sige po ma'am at sir, thank you," polite kong pagkasabi.
Habang nag aantay sa order nila ay umupo muna ako sa upuan sa loob ng counter table ng bar. Mga ilang years pa yata hihintayin ko pero charot lang kasi fifteen minutes lang luto na 'yon, si Kuya Raiven pa, alpha kid 'yon eh, ay 'di na pala kid kasi adult na siya so alpha adult 'yon. Ang waley ng joke ko kasi pati ako hindi natawa.
Habang nakatulala at nagmumuni-muni 'di ko namalayang tinawag na pala ako ni Kuya Raiven, siya ang chef dito sa sports bar and restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
"Stol!"tawag niya.
Napasinghap ako. Grabe 'tong si kuya maka Stol, ang tigas, para tuloy pronounced niya sa pangalan ko ay 'yong upuan.
"Kuya okay na ba raw 'yong order nila ma'am at sir?" tanong ko habang naglalakad papuntang kusina.
"Oo, kunin mo na rito dahil tapos na lahat."
Sabi ko sa inyo eh alpha adult 'tong si kuya, wala pang fifteen minutes natapos na.
At ayun kinuha ko na ang order nila at dinala sa table nila ma'am at sir.
"Excuse me po, here's your order po pala," magalang kong pagkasabi.
Inisa-isa ko na nilagay yung mga pagkain at binalikan yung drinks nila. Habang pabalik na ako sa counter bigla akong hinatak ni Heinah, isa sa mga waitres at isa sa mga kaibigan ko rito sa trabaho. Actually childhood best friend ko na 'tong gagang 'to.
"Oh, bakit nanghahatak bigla?!" padabog kong tanong kunyari naiinis.
"Inis ka ghorl? Kasi naman andito si MADAM, alam mo namang nakakakaba 'yon, mukha palang parang nangangain ng tao grrrr!"sabi niya.
In-emphasized niya pa talaga 'yong madam. Natawa ako sa sinabi niya pero totoo naman eh, 'pag andito si madam taranta lahat ng empleyado. Nakakatakot kasi 'yong aura niya pero mabait naman siya.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Teen FictionStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...