Kabanata 8

212 18 1
                                    

#NOL8

Until now paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko 'yong sinabi ni Sib. Parang sirang plaka na paulit-ulit. Nakatitig lang ako sa mga mata niyang kulay abo. His pair of gray eyes made my legs trembled so bad. Nakakanginig na nakakatunaw ang mga tingin niya. Speechless pa rin ako hanggang ngayon.

"Damn! Is my confession so shocking?" agarang tanong niya.

Hindi pa rin ako nagsalita. Nangangapa pa ako ng maisasagot.

"Babe please talk. I want to hear what will you say," dagdag niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Seryoso ka ba talaga?" seryosong tanong ko.

"What? I am serious! So fucking serious with my feelings towards you! When I said earlier that I love you, I mean it," iritadong aniya.

Pinitik ko nga ang bibig. Nagmumura kasi.

"'Wag kang magmura," saway ko.

"Tsk." maikling aniya.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala sa sinabi mo. Dati bato ka masyado, matigas tapos ang lamig pa ng pakikitungo mo sa 'kin tapos kung magsalita ka parang kailangan ko pang bayaran ang pagsasalita mo. Nakakagulat din kaya, hello!"

"That's why I'm here because I want you to know that I love you so much," seryosong aniya.

Tumitig lang ako sa mga mata niya at hinintay na dugtungan niya ang sasabihin niya.

"Remember those times I've been watching you intently? I know I've fallen. This pretend relationship is my way to be close to you. I want to end this pretend relationship because I want a serious one," seryosong aniya.

Naiiyak ako kaya niyakap ko na lang siya at binaon ang aking mukha sa dibdib niya. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto.

After we savoured the moment we decided to take a picture kasi sayang 'yong magandang view kung 'di kami magpipicture. Siya ang photographer ko at ako ang photographer niya. Tawa ako nang tawa pag zino-zoom ko.

Tumawa na lang ako sa mga pictures namin. Bumitaw na kami sa isa't isa at napag-pasiyahang bumaba na. He snaked his arms around my waist at sabay kaming naglakad pababa.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko habang pinipicturan ang dinadaanan namin.

"I'm planning to take you to MSBAR but I think your not yet ready so . . ." nagkibit balikat siya.

Napatahimik ako sa sinabi niya, naisip ko kasi na tama siya, 'di pa ako ready na harapin ang ano mang dapat harapin. Tapos si Heinah pa, mapang-asar pa naman 'yong gagang 'yon tapos talkative pa masyado, nakakatakot baka bigla niyang isiwalat, mahirap na.

"How about sa condo mo na lang tapos ako na magluluto ng dinner natin?" pag aalok ko sa kanya.

"Hmmm no," maikling sabi niya.

"Hoy! Hala! Bakit? Sige na pumayag ka na," pamimilit ko sa kaniya.

"Fine. You know I can't say no to you," he said looks defeated.

"Dapat lang pumayag ka 'no! Kasi bukas magiging busy na tayo pareho. Ako magiging busy kasi 'di ba may pasok na bukas sa MSBAR tapos ikaw naman madami ka pang paper works na gagawin kaya dapat pumayag ka ngayon,"

Nakababa na kami galing sa taas at pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Ang gentleman talaga nito, nahuhulog na ako. Umikot siya at sumakay na sa driver seat. He started the engine at humarurot na.

"Where do you plan on studying your college?" tanong niya.

"Iniisip ko na mag take ng scholarship sa PDPU, ikaw? Sa manila ka ba mag aaral?"

Natahimik siya saglit at 'di nakasagot. Iniisip ko kung sa manila siya mag aaral magkakahiwalay kami pero-Erase! Erase! Saka na lang ako mag iisip at 'wag maging nega kasi malayo pa naman, mga ilang months pa naman bago mag pasukan.

Tumahimik na lang ako at hinintay na makarating kami.

Tumigil kami sa MONTEVELLO TOWERS kung saan naka locate ang condo niya na pag mamay-ari nila.

Sabay kaming naglakad papasok sa elevator at hinintay na makarating kami sa floor niya.

"Magbibihis muna ako," paalam niya at hinalikan ako sa noo.

"Sige tapos magpahinga ka muna alam kung pagod ka kakadrive, tatawagin na lang kita 'pag tapos na akong magluto," nakangiting sabi ko.

"I love you," sabi niya bago tumalikod.

Pangiti-ngiti ako habang nagluluto dahil sa kilig. Nagsimula na akong maghiwa sa mga ingredients na gagamitin ko para sa lulutuin kung adobong manok at tinolang manok. Manok lang kasi ang available na nasa ref niya kaya napagdesisyonan kung manok na lang ang lutuin.

Sinimulan kung lutuin ang adobo muna. Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos ko nang lutuin ang adobo kaya sinunod ko na ang tinola. Pinakuluan ko ito ng ilang minuto. Nang maluto na ito ay inayos ko na ang lamesa para makakain na kami.

Iniwan ko muna ito saglit at umakyat sa taas para tawagin si Sib. Kinatok ko siya pero walang sumagot kaya pumasok na lang ako. Nadatnan ko siyang nakadapa sa kama, natutulog. Omg ang gwapo ng baby ko.

My baby did feel asleep, ang bango niya, amoy baby. Humagikhik ako at inamoy-amoy pa siya. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Ang gwapo niya talaga, walang katapon tapon ang itsura, from head to toe. Ang makakapal niyang kilay na sobrang itim, those pointed nose na masarap kurutin, pababa sa kissable lips niyang sobrang pula na masarap halikan, wait what? Malandi ka Stolen! Gaga 'to! Ang landi mo na ha!

Ginising ko na siya bago pa 'ko makagawa ng kahit ano rito.

"Sib gising na," mahinahon kong pag gigising sa kaniya.

Umungol lang siya at hinila ako kaya natumba ako sa ibabaw niya. Tumili ako dahil sa gulat at pilit bumangon pero hinigpitan niya ang paghawak sa bewang ko.

"Sib!" I said in a warning tone.

"Babe five minutes," sabi niya at lalong hinigpitan ang yakap sa 'kin.

True to his words nanatili kami sa ganoong posisyon ng limang minuto.

Naka sweatpants lang siya at walang suot pang itaas kaya damang dama ko ang init ng katawan niya. Pinahiram niya ako ng damit niyang hanggang tuhod ko at may short naman ako kaya walang problema.

Naasiwa ako sa katawan niya, nakakapang laway tapos ansarap yatang ulamin. Gaga ka self nagiging malandot ka na naman.

'Di ako makatingin sa kanya ng maayos dahil nagiging malandi ang utak ko kapag nakikita 'yong anim na pandesal niya. Bakit ganoon? Nineteen pa lang siya pero hubog na hubog na ang katawan niya, well siguro kasi nag wowork out siya kaya gan'yan.

"Mag damit ka nga," kunyari inis ako.

"Why?" takang tanong niya.

"Basta magdamit ka kung ayaw mong maga—" bigla akong napatakip sa bibig ko nang mapagtanto kung anong sinabi ko.

"What is it?" tanong niya.

"Wala, magdamit ka kung ayaw mong layasan kita," pagbabanta ko sa kanya.

Tumawa lang siya at hinila na ako papuntang kusina. Kumain na kami at tawa siya ng tawa, parang tanga.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon