Kabanata 18

160 8 2
                                    

#NOL18

Spending time together with each one's families and friends, watching movies together while chit-chating, is one of the best happenings in everyone's life and I'm very sure of it.

It's already midnight pero nandito pa rin kami sa tree house, continue watching the movie, entitled, truth or dare. Kahit creepy na nakakanginig eh dinala ko na lang sa tawa ang takot ko.

Sina nanay at tatay tutok na tutok lang sa TV, parang walang nakakatakot na palabas. Iba rin, ang strong nila. Si Rain na mismong nagpili sa movie ay putlang putla at kapit na kapit sa braso ni tatay. Ganito kasi 'yong arrangements namin. Nasa harap ang tv, dvd player at iba pang appliances tapos nakaupo kami sa upuan meters away from the appliances, sa left side na pinagilid ay si Ulan tapos kung papuntang right side ang katabi ni Ulan ay si tatay then si nanay naman ang kasunod tsaka ako 'yong katabi ni nanay tapos sunod ko si Ked.

"Ano ba Ked! Para kang bakla riyan. Ba't ba kapit ka nang kapit ha?!" Nababanas na sabi ko kasi naman parang tanga, lalaki siya pero takot sa horror, wow nagsalita ang isa rin namang takot.

"Parang tanga 'tong si ate, ako, bakla? Sa gwapo 'kong 'to, mapagkakamalan mong bakla? A very big NO!"

Defensive masyado, nagpapahalataang ano. Masyado kasing ano.

"Nagpapahalataang ano?

Ay takte, napalakas yata ang dapat para lang sa utak ko. 'Di ko na lang siya kinibo kasi nga ako rin natatakot na, ewan ko ba ba't ako natatakot eh 'yong mga kaklase ko 'di naman natatakot nito.

Natapos ang movie na bumalot yata ng trauma sa 'ming magkakapatid. Natulala at pinagpapawisan si Ulan habang ako gano'n din ang reaksyon at si Ked? Ayun, namumutla sa gilid.

"Anong nangyari sa inyo?" Takang tanong ni tatay.

"Hay nako Kerdie! Hayaan mo 'yang tatlo baka kasi gusto nilang makita 'yong nakita natin kanina." Umiiling na sabi ni nanay.

"N-Nay... ano 'yong nakita niyo?" Nauutal na sabi ko.

"N-Nay a-ano . . . po 'yon?" Nanginginig na tanong ni Ulan.

"Diyan sa bintana, riyan sa gilid ni Ked, may nakita kaming babaeng nakatayo, nakangiti tap-"

"AHHHHHHHHH!!! TAKBOOOO!"

"TANGINAAAAAA AYOKO NA RITOOO"

"JUSKO PANABANGIIIIII!"

Malakas na humagalpak si nanay at tatay nang sabay sabay kaming tatlo sa pag takbo pababa. Muntik pa ngang nahulog ni Ked sa hagdan, ka-lalaking tao takot sa multo.

Pumasok na 'ko sa kwarto ko habang nag iisip isip, kasi naman 'di ako makatulog dahil sa movie na 'yon.

Everything happens for a reason daw kaya bago tayo mag conclude mas mabuti kong mag tanong muna tayo dahil lahat ng tanong kapag kayang sagutin at may sagot ay masasagot ito ng walang pag aalinlangan.

Naisip ko lang kasi, bakit na may mga taong nagkasiraan dahil sa maling akala at sa mga baluktot na pag iisip? Isa na rin kasi sa dahilan ang misunderstanding at hindi pakikinig sa eksplenasyon kaya hindi nagkaka unawaan ang mga tao.

Kahit anong ikot ko sa higaan, 'di talaga ako makatulog. Bumangon na lang ako at lumapit sa bintana ng kwarto ko. I think natulog na sila sa kaya ako na lang ang nag iingay dito. The moon and the stars above gives light to those people who is stuck in the dark part of their life. I always love to witness the moon surrounded by the beautiful stars. Ganitong ganito 'yong naramdaman kong saya nung nasa rooftop ng MSBAR kami ni Sib, 'yong time na sinagot ko siya.

I'm taking pictures right now kasi sayang ang ganda ng view kung hindi ko kukunan, 'di ba? Nag ring ang phone ko and it's requesting a video call, wow gabing gabi, gising pa ang gago. Nakita ko siyang nakaupo sa higaan niya at nakasandal. Yummy nung abs, ang gwapo niya.

"Hating gabi na, ba't gising ka pa?! Siguro may ibang babae kang kasama riyan 'no!" Bungad ko agad sa kanya, aba dapat lang 'no, ako 'yong legal kaya ako ang may karapatan pero parang ang oa ko naman yata.

"Relaxing baby. It's just you, okay? Ikaw lang naman kaya kumalma ka riyan and please let me explain. After kitang hinatid, my family request a dinner and when I said the word family what I mean with that is, the whole montevello, together with my Tito's and tita's and my cousins. Nagkayayaan ng inuman kaya ayun."

Kaya pala parang iba 'yong aura niya. Lasing yata ang gago.

"That's why pulang pula 'yang mukha mo? Lasing ka na ba?"

"Of course not. Hindi ako madaling malasing and I'm sure that you know it."

"Ba't ka nga napatawag?"

"I miss you and I love you."

"Huwag na huwag mo 'kong dramahan Simeon Benjamin. Ano nga?"

"Date tayo bukas, sige na. I just wanted to spend my weekend with you, 'pag kasi weekdays na alam mo ng minsan lang tayo makakapag date."

"Kahit naloloka na ako sa 'yo pero dahil mapilit ka kaya sige na, bukas."

Hindi na ako nahihiyang ipakita sa kanya ang pagiging makulit at pagiging bulgar ko. We entered in this relationship seriously and we intend to know more about each others personality. Tumaya ako at pumasok sa relasyong 'to kaya paninindigan ko 'to.

We started our relationship in a wrong way, nagsimula kami sa mali kaya itatama namin 'to. Walang ligawang nangyari kasi nga nagsimula kami sa pretend relationship. That night I hit him and accidentally kiss him was maybe the way for us to have this kind of relationship right now. Ano kasi 'yong tipo ng tao na naniniwala na wala sa tagal ng ligawan 'yan, nasa kong paano niyo kinilala ang isa't isa.

"Okay I'll pick you up tomorrow at 9:00am, wear anything but don't wear some sexy clothes that might show your skin."

"May gano'n? Wear anything tapos may bawal?"

"What I mean is wear pants not short shorts or skirts."

"Oo na magsusuot ako bukas ng boots, pantalon tapos jacket at cow hat, ang kulang na lang ay kabayo."

"Gusto mong mangabayo bukas?"

"Pwede ba ngayon? Ikaw 'yong kakabayuin ko, rawr wayld-joke lang."

I laughed at his reaction.

"Fuck what are you saying baby?"

Namula siya lalo, parang tanga.

"Gago! Mali 'yang iniisip mo at 'wag mo 'kong mamura-mura sasapakin ko 'yang bibig mo bukas."

Pinakita 'kong galit ako kahit gusto ko ng tumawa sa mga pinagsasabi ko. Pero ang gago ngumiti ng pagkalaki laki sa 'kin at may pahabol pang tawa.

"Okay baby, tomorrow bayuhin este mangabayo tayo."

Namula ako sa sinabi niya, bibig ko naman kasi parang tanga, bumabastos na. 'Di porke't mag jowa na kami, kumekeringking na ako.

"Gago! Bye na nga, kung ano-ano na 'yang pinagsasabi mo. Matutulog na ako, sa tanghali na lang tayo gumala kasi paniguradong puyat ang aabutin natin."

Pinatayan ko na ng tawag bago pa makasingit ng kalokohan. Nakakainis! Talo na naman ako, ako 'yong nagsimula sa arasan pero in the end ako 'yong naasar.

Tomorrow is another day to spend time with him ay tanga later pala kasi three in the midnight na. Grabe 'yong kalokohan namin, umabot ng isa't kalahating oras, puro kalokohan na nauwi sa ako ang napikon.

Anyway highway excited na ako bukas kasi papasyal kami sa Rancho ng mga Roxas. Close friends slash business partner nila ang mga Roxas kaya free kaming gumala at gumamit ng mga kabayo nila saka marunong naman si Sib kaya wala na akong aalahanin pa. I wonder, hmm hanggang saan kaya ang kayang kabayuin niya? Gosh my mind! My dirty mind! Bumigat na ang talukap ng mata ko kaya humilata na ako sa kama. Sa sobrang pagod at antok ay nakatulog na ako. What a great day.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon