Kabanata 27

162 5 0
                                    

#NOL27

Sabi nila bago raw tayo magbigay ng tiwala sa isang tao ay dapat na muna nating alamin kung karapat-dapat ba silang bigyan nito. Trust is one of the most powerful thing kaya kapag nasira ang tiwala ng isang tao, hindi lang mundo ang guguho pati na rin ang buong pagkatao. Trusting people with all of our heart is okay but if you trust on people too much to the point na wala ng natirang pagtitiwala sa sarili mo dahil naibuhos mo na lahat sa iba 'to, 'yan ang hindi na okay.

"Hindi ba she's Sib's girlfriend? I think she is because I recognize na long hair at matangkad 'yon."

Narinig kong sinabi ng babae sa katabi niya. Hindi ko siya kilala. Ito na 'yong sinasabi ko, simula noong pa anniversary surprise niya eh naging usap-usapan na kami 'di lang sa soc-med but also here sa loob ng university.

"Girl, do you know what I heard? She's just a rebound daw." Mahinang bulong niya sa katabi niya pero rinig ko pa rin. Nasa hallway sila while nakaupo ako rito sa bench kasi hinihintay ko si Heinah. Nakaharap sila sa 'kin kaya obvious na obvious na ako ang pinag-uusapan nila.

"And I also heard from Tiffany na hindi naman daw siya mahal ni Sib. Pa-epal lang talaga siya sa pagmamahalan ni Sib at Keila."

"Kung hindi siya mahal then pa'no naging sila?"

"Haler girl, have you ever heard the word, Pampalipas oras? Panakip butas? Pinaglalaruan? Pinakikinabangan? Because if you already heard those words then by now you know the answer."

Bumigat ang paghinga ko sa mga sinabi nila. Naapektuhan ako sa 'di nalamang dahilan. Handa na sana akong umalis para 'di na sila marinig pero papalapit na si Heinah.

"Did you two also heard the word Chismosa? Pakialamera? Inggetera? Kasi kung narinig niyo na 'yon, I'm sure alam niyong kayo 'yon! Alam niyo rin ba 'yong kasabihang 'pag inggit, pikit' kasi 'pag alam niyo, kayo rin 'yon. Nakakaloka kayo, wala na kayong ibang ginawa kun'di ang mag bantay ng buhay ng iba, mga 'te try niyo rin kayang bantayan ang sarili niyo ta's ichismis niyo, baka sumikat pa kayo." Sarkastikong sabi niya at diniinan pa ang bawat salita.

Umirap lang ang dalawa at nag walk out na. They are known for being the 'chismosa' here sa school namin, actually marami pa sila.

"Sa susunod na may mangyaring gano'n, for pete sake lumaban ka naman. Hindi 'yong tatahimik at walang kibo lang."

Bumuntong hininga na lang ako at 'di na sumagot. Wala namin kasing patutunguhan kung lumaban pa 'ko. Isipin at sabihin na nila ang lahat basta ako, may pinang-hahawakan ako kaya walang problema.

Tumayo na ako at sumabay kay Heinah sa paglalakad papuntang classroom. Hindi na nagrarant ang gaga kasi busy na kaka cellphone. Akala ko magiging matiwasay na ang pagpasok pero hindi pa rin pala. Hindi pa nga ako nakaabot ng pintuan may humarang na agad. Anong trip ni destiny at inilabas niya lahat ng mga kontrabida ngayon? Ang malas naman.

"Hi Stolen! Ahmm can we talk? Privately if it is okay with your friend,"

Umismid lang si Heinah at inirapan si Keila. Tinanguan ko siya kaya tumalikod na siya at pumasok sa classroom.

"Anong pag-uusapan natin at saan tayo mag uusap?"

"We can talk... there!" She pointed the bench under the akasya tree. Wala pang tao roon dahil maaga pa naman at mamaya pa ang first class.

"I just want to say... Break up with Sib already bago ka pa niya maunahan." She straightly said.

"Ano na naman ba 'to ha? Hindi ka pa ba napapagod sa kakasira sa 'min? Pagod na pagod na 'ko Keila, paulit ulit na lang."

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon