Kabanata 5

240 18 2
                                    

#NOL5

"Kung ano man 'yon kalimutan mo na lang." Tumayo na ako at tinalikuran siya.

Pumasok na ako sa kusina at nilapitan si nanay. Namula ang pisngi ko. We kissed! Oh my gosh!

"Nay! 'Di na po pala ako kakain," mahinang wika ko.

"Oh, bakit naman anak?" tanong niya.

"Busog pa po kasi ako tapos pagod at inaantok na kasi ako nay kaya matutulog muna po ako,"

"Sige, ikaw ang bahala." Sabi ni nanay at tinalikuran na ako.

Naglakad na ako papuntang kwarto. Pagdaan ko sa sala ay wala na si sib kaya nag dire-diretsong lakad na lang ako papasok sa kwarto.

Sa oras na nakahiga na ako sa kama ay dinalaw na agad ako ng antok.

Nagising ako ng bandang mga alas siyete na ng gabi kaya bumangon na ako at nag-ayos. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Namamaga pa rin ang mga mata ko galing sa pag-iyak ko kanina.

Nanikip ang dibdib ko ng maalala ang pangyayari kanina sa mansyon ng mga Montevello. Huminga muna ako ng malalim at pilit kinakalimutan ang nangyari kanina.

"Stolen kaya mo 'yan, ikaw pa! Fighting!" panglulubag loob ko sa sarili ko.

Lumabas na ako sa kwarto at lumakad na papuntang sala. Habang naglalakad ako pababa iniisip ko kung papaano ko haharapin si Sib. Kasi honestly speaking 'di ko rin alam kung paano eh.

I sighed heavily. Bahala na.

"Anak gising ka na pala," sabi ni tatay.

"Magandang gabi po tay!" bati ko sabay mano.

"Halika na sa hapag at tayo'y kakain na." Akay sa akin ni tatay.

Sumunod na ako kay tatay at naabutan ko si nanay na naghahanda ng aming makakain habang 'yong dalawa kung kapatid ay busy kakatutok sa cellphone nila.

"Anak andiyan ka na pala, umupo ka na at tayo'y kakain na."

Ngumiti na lamang ako kay nanay at umupo na.

"Hoy! Itigil niyo muna 'yan. Kakain na tayo oy!" pagsasaway ko sa mga kapatid ko.

Tinago naman ng dalawa cellphone nila. Nagdasal kami at sabay-sabay na kumain. Pagkatapos namin kumain ay nagsimula na kami sa aming "kwentuhan slash interview", gan'yan kasi kami pagkatapos namin kumain.

"Hezekiah, kumusta naman ang iyong pag aaral?" tanong ni nanay.

"Nay naman!" nayayamot na aniya. "Sabing wag 'yong Hezekiah eh! Kedar na lang ho,"

"Asus napaka arte mong bata ka! Sagutin mo na lang 'yong tanong ko." Pinandilatan pa siya ni nanay sabay hampas nung pamaypay niya.

"Well nay, so far so good," sabi niya.

"So far so good ka riyan! Talagang nako kang bata ka! Ako'y naha-highblood sa 'yo. Baka kamo puro bagsak 'yan ha! Malalagot ka talaga sa 'min."

Galit na yata si nanay. 'Yong mukha naman ni Kedar ay nakangiwi na at napatakip siya tenga niya dahil sa ingay ni nanay.

Napakamot naman si Kedar sa ulo niya bago sumagot. "Joke lang nay, ito namang si nanay 'di na mabiro,"

Parang baliw. Ganito kasi kami 'pag sabay-sabay kumain. Masaya.

"May jowa ka na ba boi? Pakilala mo naman." tanong pa ni tatay.

"Tay masyado kang advanced. Wala pa 'no! 'Di ko pa nahahanap,"

Kaming tatlong magkakapatid at pati na din si nanay at tatay ay open sa isa't isa kaya normal na sa amin ang ganitong usapan. I like this way because it makes our family bond become stronger.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon