#NOL7
Lutang pa rin ako hanggang sa mga oras na 'to. Nandito kami ngayon aa kitchen niya dahil magluluto raw siya ng agahan namin. Marunong siyang magluto dahil pinag-aralan niya raw 'yon at isa pa siyempre business nila restaurant kaya ganoon. Since nagluluto pa siya ay tumayo na muna ako at pumunta sa sala, manonood muna ako.
Wala namang magandang palabas kaya I decided to log-in my Soc-meds. While I was busy scrolling napaigtad ako kasi may kumiliti malapit sa tenga ko, akala ko kung ano na pero ng may malambot na labi na dumampi malapit sa earlobe ko, napasinghap ako. Sib kiss my ear and whisper sexily that sent shiver to my bone.
"Babe come on, breakfast is ready," pag aaya niya.
Hinatak niya ako papunta sa kusina. Simula kagabi nag iba na ang pakikitungo niya sa 'kin kasi kung dati ang cold niya tapos 'di pa ako pinapansin pero ngayon he's acting sweet, he's been totally sweet to me.
Baka kasi dahil sa kiss.
"Your blushing baby. What are you thinking, huh?" tumaas ang isang sulok ng labi niya.
Umiling lang ako at ngumiti sa kanya. He snaked his arms around my small waist at pinaghila ng upuan. 'Di ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko kasi everytime na hahawakan niya ako ay namumula ako pero 'di na ako naiilang, minsan na lang. One thing pa na nagbago sa kanya aside sa pagiging sweet ay 'yong pagiging touchy niya tapos clingy din pero okay lang naman sa akin.
Tahimik lang kaming kumain at tanging ang mga kubyertos lang ang nag bibigay ingay.
Pagkatapos namin kumain ay iginiya niya ako sa sala at pinaupo sa sofa.
"It's still your day off, right?" he asked.
"Oo," maikling sagot ko.
"We'll date today and well . . ." nangangapa siya ng maisusunod.
"At?"
Tumahimik siya ng ilang saglit. Tumikhim muna siya bago magsalita.
"Well I have something to tell you, actually its a confession so yeah." Kibit balikat na aniya.
"Okay. So saan tayo ngayon?" tanong ko.
"Hmmmm. Sa bahay niyo na muna kasi ipag-papaalam kita kina tita and tito," sabi niya.
Naligo na muna siya kaya nag antay muna ako. Nag scroll-scroll ako sa Instagram. Bumukas na ang pinto ng kwarto niya, pagkalabas niya ay nakasuot siya ng black v-neck shirt partnered with ripped jeans and white sneakers. Ang gwapo, nakaka- pigtas ng garter.
"Let's go." He snaked his arms around my waist.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay sa passenger seat. Dahil malayo layo pa ang bahay namin since nandito kami sa siyudad kaya nagpa-music muna siya, saktong passenger seat ang kanta. Nakalimutan kung sabihin maganda din pala ang boses ni Sib. Kung sa outfit pa nga lang nakakapigtas ng garter na, ano pa kaya sa boses, nakakalaglag panty na talaga.
Sinabayan niya ang kanta at what the hell! Hustisya para sa puso kung tumitibok tibok ng kay bilis.
I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my carTumingin siya sa akin nung kinanta niya ang linyang 'yon.
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the eveningSaktong papagabi na. He held my hand and kiss it. Grabeng kilig ang inabot ko.
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from mePabalik-balik ang tingin niya sa daan at sa akin. 'Di ko na maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong kaba at saya.
Nang matapos ang kanta ay saktong nakarating na kami sa tapat ng bahay. Bumaba na kami at kumatok na siya sa pintuan. Pinagbuksan kami ni Ulan.
"Ate bakit ngayon ka lang? Sobrang nag-alala si nanay at tatay sa 'yo buti na lang at nabasa ko 'yong text mo-ay hi kuya! Andito ka pala," magiliw na bati niya kay Sib.
Ngumiti lang si Sib sa kanya at pumasok na kami sa loob. Lumapit ako kay nanay at nag mano, ganoon din ang ginawa ni Sib. Napangiti ako. He's being respectful.
"Nay pasensiya na at pinag-alala ko kayo," pagpaumanhin ko.
"Ayos lang anak basta wag mo lang kalimutan na ipaalam sa amin sa susunod ha?" hinaplos ni nanay ang buhok ko.
"Opo nay! Nay nga pala andito si Sib," sabi ko.
"Andito ka pala Sib, anak!"
Napangiti ako sa tawag niya kay Sib.
"Good morning po tita!" bati niya kay nanay.
"Nag agahan na ba kayong dalawa?" biglang sumulpot si tatay galing kusina.
"Ah yes po tito. We did ate already sa condo ko po," siya na ang sumagot.
"Tita, Tito. I actually came here para ipagpaalam si stolen. We will going in a date today," pahabol na sabi niya.
Tumili na parang tanga si Rain, si nanay naman ay ngumiti at tumango lang pero si tatay bigla sumeryoso ang mukha pati na rin si Kedar.
"Siguraduhin mo lang na seryoso ka sa anak ko, Montevello!" galit na sabi ni tatay.
"Oo nga brother in law kun'di lagot ka sa amin ni tatay, 'di ba tay?" pananakot pa ni kedar.
"Yes, I am serious," seryosong aniya.
"Sige po. Aalis na kami," ngumiti ako sa kanila.
"Mag iingat kayo anak ha," paalala ni nanay.
Tumango lang kami at lumabas na. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero 'di na lang ako nagtanong.
Nagulat ako ng naging pamilyar na ang daan na tinatahak namin.
"P-Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" utal na tanong ko.
"This is your favorite place right?" nakangiting tanong niya.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Pianasaya niya ako sa pamamagitan ng pagdala sa akin dito. Napakababaw pero masaya na ako.
'Di naman kasi masyadong expose 'tong Probinsya Del Paraiso dahil kakaunti pa lang ang naka diskubre rito. Hindi ko alam kung saan niya nalaman ang lugar na 'to.
Nagpark na siya at bumaba na kami. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papasok.
Nang nasa tuktok na kami ay umupo kami sa bench malapit sa puno ng mangga kung saan palagi akong pumupwesto 'pag andito ako.
Naalala ko na may sasabihin pa pala siya kaya tinanong ko na.
"Ano pala 'yong sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.
He held my hand and look straight into my eyes. He sighed before talking.
"Stolen yesterday I did realized something... At first I wouldn't believe it. At first I wouldn't thought that I would feel it pero noong nakita kita, nakita ko 'yong sakit sa mga mata mo, 'yong nakita kong umiyak ka, I feel like someone stab me kasi nasasaktan din ako."
Tumigil muna siya bago nagpatuloy.
"Someone did made me realized that this isn't just a simple like because I think . . . No scratch that because I know I'm inlove with you. I did already fell for you. I love you."
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Fiksi RemajaStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...