Kabanata 17

153 10 0
                                    

#NOL17

Probinsya dé Paraiso is a province where I want to live forever. Like what I just said before, not just because it has a nice view but also because the peacefulness of it. Marami pang magagandang tanawin na 'di ko pa napupuntahan and I promise na in the right time, lilibutin ko ang buong probinsya.

Mag-gagabi na pero nandito pa rin kami sa Paraiso River. Okay lang din naman na gabihin dito kasi 'di lang naman kami ang narito, maraming mga tourist and may mga taga rito ring naliligo.

Nakapagbihis na kami and I'm wearing a pitch tank top and black high waisted shorts while siya ay nakasuot ng black v-neck shirt partnered with maong pants, ang fresh niya.

"Come here, babe." Nakangiting aniya at tinapik tapik pa ang espasyo sa tabi niya.

Tumabi ako sa kanya at inabangan ang ginagawa niya, kinuha niya ang gitara niya.

"I know you always love to hear music 'cause your a music lover kaya naisipan kong.. why not sing a song for my girl? 'Di ba?" sabi niya, "Saka what's the purpose of learning different instruments kung 'di ko naman gagamitin ang talent kong 'to? Back when I was a five years old kid, inaral ko na ang iba't ibang instruments so when I grow up I will sing my girl her favorite song. Now that I've met you of course I'm going to sing you one of my fav song."

True to what he says, kinantahan niya ako sa paborito niyang kanta. Kinanta niya 'to ng buong puso and I was like, what did I do to deserve this kind of guy? I'm just a typical probinsyana na walang ibang ginawa kun'di tulungan ang pamilya. God is so good kasi binigyan niya ako ng isang taong nagpasaya at magpapasaya sa 'kin ng buong buo.

Nakatingin lang ako sa kanya buong magdamag, nakatitig sa mukha niyang napakagwapo. Until the end of the song hindi niya pinutol ang titigan namin. The way he look at me, I felt love.

"Oh? Why are you crying? Pangit na masyado 'yong boses ko? Parang kahapon lang ah, atat na atat kang kantahan kita and then now your crying?" Naguguluhang aniya.

"Epal ka. Tears of joy 'to 'no! Ba't ba ang oa mo?"

Tumawa lang siya at niyakap ako. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya, infairness nakaka adik ang bango.

Nakauwi na kami at hinatid niya ako sa bahay ng mga around eight pm. We did ate already kasi may mga foods naman sa nadaanan naming karenderya.

Bumaba na ako sa sasakyan niya at 'di na siya pinababa pa, hassle kasi 'pag bababa pa siya para pagbuksan ako tapos papasok na naman ulit.

"Babe, mag ingat ka sa pagda-drive," paalala ko sa kanya.

"Yes babe. I will." Natatawang sabi niya at sumaludo pa.

Sinapak ko ang braso niya. "Simeon Benjamin umayos ka! 'Pag ikaw may nangyaring masama sa 'yo, tutuluyan talaga kita!"

Tumatango tango siya pero tumatawa pa rin.

"Sib! 'Wag mo 'kong matawa-tawa! Hindi nakakatuwa!"

Lumapit lang siya sa 'kin at bigla akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata ko, what the hell! 'Buti na lang walang tao na dumadaan.

"Goodnight. I love you," sabi niya at pumasok na sa sasakyan.

Bigla niya 'tong pinaharurot kaya napailing na lang ako. Hindi na ako kumatok kasi may susi naman ako.

Naabutan kung tahimik ang sala kaya akala ko natulog na silang lahat kaya nag decide akong pumasok na lang sa kwarto, nag bihis na ako ng pantulog at handa na sanang matulog nang marinig ko ang ingay sa labas.

Ayun! Nasa tree house sila. Nagmamadali akong bumaba sa kwarto at tapos ay pumunta na ako sa labas, sa tree house na ginawa ni Tatay para sa 'min. Simple lang ang bahay namin, may second floor pero hindi katulad ng iba na gawa sa semento, sa amin kasi ay native, para siyang form na bahay kubo na may hagdan.

Umakyat na 'ko sa taas at naabutan ko silang nanood ng tv, may tv dito kasi nilagyan nila nanay, naisipan ko kasi na kapag naboringan sila eh may maging libangan sila rito sa taas.

Hindi kami mayaman pero 'di rin kami 'yong tipong mahirap na 'di na nakakain ng tatlong beses sa isang araw, still blessed pa rin kami.

"Hephep! Nandito na ang pinaka-magandang dilag," sabi ko at umiikot ikot pa na parang isang prinsesa.

"Pshhh! Pinaka-maganda raw, ang feeling din nito." Naiiling na sabi ni Ulan.

"Angal ka! Ganda ka te?" Balik ko sa kanya.

"Hephep!"

"Hooray!"

"Tama na nga 'yan. Maganda kayong dalawa kasi siyempre nagmana kayo sa angking ganda ng inyong inay!" Tumatawang sabi ni nanay.

"Sa 'yo nga nagmana nay. Kaya pala ang feeling nung dalawa," sabi ni Kedar.

"Aba Ked, magpapatalo ba tayo? Wala ng makakatalo sa angking kagwapohan natin."

"Naks Tay. Gwapong gwapo tayo 'no?"

Halata naman. Pamilya nga kami. Tumabi na ako kay nanay at yumakap sa kanya. Naglalambing lang naman. Feels like heaven because of the happiness I'm feelin' right now. It's been awhile since the last time we bond like this.

"Oo na. Maganda't gwapo na tayong lahat. 'Wag niyo masyadong ipaglandakan, nakakahiya sa kapitbahay baka batuhin na naman  ng bato ang bubong natin, nakakaloka sila." sabi ko at pinaypayan ang sarili.

"Hayaan mo sila ate. May kasabihan tayong 'pag inggit, pikit!"

Tumawa ako nang napangiwi siya kasi kinurot ni nanay ang gilid niya.

"Ikaw na bata ka,"

"Bakit nay?" Nakangiwing tanong ni Ulan.

"Nakakaloka ka!"

Natawa kaming lahat. Iba rin si nanay, nakikiuso.

"Manahimik nga kayo, nagsisimula na ang palabas," pagsasaway ni Tatay.

Nanonood kasi siya ng horror movie, 'di ko alam kung ani 'yong title basta nakakarindi at nakakadiri. Biglang susulpot 'yong multo tapos ang creepy ng mga mukha, yuck ayoko na, nakakasuka.

"Tay ano ba 'yan, palitan mo nga, nasusuka ako," sabi ni Ulan.

"O siya, palitan mo boi!" Baling niya kay Ked. "Tutal pinagpalit ka rin naman sa iba,"

Tinapon ni Tatay ang remote at sapol sa noo ni Ked. Sumimangot ang gago pero tumayo at naghanap sa CD track malapit sa lalagyan ng dvd.

"Foul 'yon Tay. Tay, ang kapal mo banda ro'n sa part na itapon sa gwapo kong mukha 'yang remote na 'yan," busangot na aniya.

"Anong sabi mo boi? Hoy boi! Kung 'di ka ba naman isa't kalahating gago, sana sinalo mo, 'di 'yong nakatulala ka lang diyan."

Gago kasi, nagreklamo pa, 'yan tuloy namura siya ni Tatay. Pero hindi galit si Tatay n'yan, ah.

"Ako na nga ang pipili puro nakakadiri 'yang pinipili mo, palibhasa nakakadiri 'yang pagmumukha mo," tarantadong sabi ni Ulan.

"Hoy anong akala mo, nakakadiri rin 'yang pagmumukha mo uy! 'Pag tulog, naglalaway ka," ganti niya.

"Yuck Kuya! Ang feel-am mo rin, eh 'no!"

"Feel-am?" Takang tanong ni Ked.

"Feelingerong Ambisyoso!"

"Manonood ba tayo o kayo ang panonoorin namin?" Galit na tanong ni Tatay.

Parang tanga naman kasi 'yong dalawa, pati pagpili ng movie pinag aawayan pa.

"Ayan na nay. Final na talaga." Sinaksak na ni Ulan ang cd sa loob ng dvd player.

"Bakit truth or dare 'yan?" Namumutlang sabi ko.

Jusko tabang paano na 'to? Makakatulog ba 'ko nito? Guide me please.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon