#NOL25
I'm wearing a formal yellow dress with a sunflower design on it and I partnered with a pair of white high heels. It's our first year together kaya we decided na kumain sa MSBAR, we will celebrate our another achievement, our one year together, just the two of us tapos pagpapatak ng alas nuwebe ay magpa-party kami sa MBAR together with our closest friends. So bali kaming dalawa muna sa restaurant then kikitain lang namin sila sa MBAR.
Gandang-ganda ako sa sarili ko habang nakatingin sa salamin dito sa kwarto. Nothing's wrong with complementing our self. We can define beauty hindi lang sa mukha kun'di pati na rin sa kabuuan natin.
"Ang ganda naman ng anak ko. Hay nako dalaga na talaga ang panganay ko, nakakalungkot! Dati lang lumalabas ka ng bahay na naka panty lang tapos ngayon heto na, marunong ng pumili ng damit na susuotin. Ang bilis ng panahon, ano?"
Si nanay nagdadrama na naman. I just laughed and hug her. She just continued combing my hair.
"Nay gabing-gabi na, nagdadrama ka pa. Kailangan na talagang ipaalala 'yong mga kahihiyang nagawa ko nung bata pa ako?" Halakhak na sambit ko. "Saka nay, 'wag kang ganyan, anniversary pa lang 'to nay, 'di pa naman kami ikakasal at saka very soon pa 'yon. Mag aaral pa 'ko at magtatapos para makatulong sa inyo."
Dramatic night yata ngayon. Nanay's emotional, anniversary pa nga lang 'to, masyado siyang excited.
Kalmahan natin 'nay, baka mamaya niyan, mag propose bigla iyon, lagot tayo.
"Hindi naman sa gano'n. Natutuwa lang ako kasi sa wakas ay may nagustuhan ka na rin. Natutuwa lang ako na naging open ka na sa mga lalaki, nasisiyahan akong 'di ka na ilag at nakikisalamuha ka na sa mga lalaki. Sana ay magtagal kayo nak at limitasyon ha! Palaging pakatandaan na ibigay ang iyong pinaka-iniingatan sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon."
Sometimes, naiisip ko na sana maging kagaya ako ni nanay 'pag naging ina na ako. Iyong ina na kayang gawin lahat para sa mga anak niya. Iyong inang hindi pinag-hihigpitan ang anak bagkus ay sinusuportaan pa ito at pinapangaralan.
"Oo naman nay. Palagi ko 'yang pakatandaan. Thank you sa mga pangaral."
I would gladly say that she's one of those best mother in the world. Every children deserves to have a best mom and everyone deserves to have a best dad. Every people deserves to have a best family because everyone deserves to be happy.
"Aba naman. Ano ba 'yan? Nagyayapusan kayo ng 'di man lang ako isinali? Anper naman iyan Stol!" Nakangiwing sambit ni tatay na ikinasinghap ko. Nagulat ako sa presensya ni Tatay. Bigla ba namang sumulpot dito sa kwarto ko.
"Hindi na ba ako pwedeng pumasok sa kwarto ng prinsesa ko?"
"Ay susko! Kerdie alam kung nandito ka lang para tignan ang kabuuan ng anak mo. Natatakot ka lang kasi may napusuan ng ibang lalaki ang panganay mo."
Napailing lang si Tatay at inakbayan ako. Giniya niya ako pababa sa hagdan at inalalayan. He's extra sweet today. Minsan lang 'yan maglambing eh, he's more on sa pang aasar sa 'kin.
"Tayo'y bumaba na at baka parating na ang iyong nobyo."
Masyado ring excited si Tatay. Nag ha-heart to heart talk pa kami ni nanay eh. Well, excited din ako sa mangyayari ngayon gabi.
"Actually tay, nag text na siya. Malapit na raw siya."
Kaka-text lang niya kaninang otw na raw siya. As we walk dow the stairs,I feel like I'm the princess and we're in the fairytale. Napaka-swerte ko sa pamilya ko, may supportive na parents at may mga kapatid na handa ring sumuporta sa 'kin. My sacrifice is all worth it.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Teen FictionStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...