#NOL19
Making memories with people around you especially your love ones is the best thing to do than avoiding people and just stay at home for no reason.
Habang maaga pa ay kinilala na namin ang isa't isa. If we had our spare time ang ginagawa namin ay nag kukwentuhan at nagkikilanlan sa bawat isa. Wala mang ligawang nangyari but he made me feel like he's courting me every single day.
Nasa Rancho ng mga Roxas na kami ngayon kasi tinotoo talaga niya ang sinabi ko. We'll do the horsing at excited na 'ko kasi for the first time, maniwala man kayo o hindi, for the first time in my life makakasakay na ako ng kabayo. Nakatira ako sa probinsya pero never in my life did I experienced mangabayo. 'Di naman kasi kami 'yong tipong pamilyang mahilig sa kabayo kaya gano'n.
"Calm down babe. Baka sa sobrang excited mo masipa ka ng kabayo." Natatawang aniya.
Inirapan ko siya. "Alam mo, panira ka! Ayun na sana eh, enjoy na enjoy na ako tapos... Ewan ko sa 'yo!"
Nag walk out ako 'di dahil galit ako sa kanya kundi dahil excited na talaga ako. Hinabol niya ako at aba may pa yakap-yakap pang nalalaman. Masyadong PDA, 'yong mga tao rito pinagtitinginan na kami.
"Babe sorry na. I didn't mean to ruin your enjoyment." Seryosong sabi niya pero inismiran ko lang siya, scam 'yang mukhang 'yan, kunyari seryoso pero maya-maya tatawa na 'yan.
"Babe, meron ka ba ngayon?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Anong meron? Merong ano? Minsan 'di ko talaga siya maintindihan, ewan ko kung ba't ko 'yan natagalan.
"Merong ano? Merong pera? 'Pag 'yan ang usapan, asahan mong wala ako niyan."
Kumunot ang noo ko nang bigla siyang humagalpak. 'Di ba sabi ko na, ayan na naman, tumatawa na naman siya.
"Ano bang problema mo Simeon Benjamin, ha?!"
Nakakainis kasi siya eh! Hindi ko maintindihan kong bakit tawa siya nang tawa. Ang init ng ulo ko ngayon, nababanas ako sa kanya.
"Babe seryoso na 'to." Seryosong sabi niya at lumapit sa tenga ko, bali nasa likod ko siya, tinatakpan niya 'yong likod ko at bumulong sa tenga ko. "May tagos ka sa pantalon mo." Mahinang bulong niya.
Namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko. What the heck! Kaya pala ang init ng ulo ko.
"Babe, what to do?!" Natatarantang sabi ko.
"Ako na ang bahala, wait don't move."
Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan siya. I don't know who.
"Okay, yes. Roxas Residence Kuya Alvin. Yes pakihatid na lang hanggang gate, salamat."
"Okay na babe." Sabi niya sa 'kin.
"Paano natin kukunin 'yon eh ang layo-layo pa ng gate, nasa cuadra na tayo,"
"Don't worry." Sabi niya at may tinawag na tauhan dito sa Rancho. "Kuya Mark!"
Dali-dali namang nagpunta rito 'yong sinasabi niyang Kuya Mark.
"Sir Sib? May kailangan ho kayo?"
"Kuya may pinabili kasi ako kay Kuya Alvin, nakalagay 'yon sa paperbag, pwede ba sanang pakikuha nun, hanggang sa gate lang siya eh." Pakiusap niya.
"Walang problema 'yan sir. 'Tsaka nga pala sir, si Don Ronaldo ay nag-aantay na sa loob,"
"Thank you Kuya. We'll go there after magbihis nitong girlfriend ko."
Ngumiti lang ako sa kanya kasi ngayon lang ako nakaramdam ng hiya. Aba sino ba naman ang 'di mahihiya kapag tinagusan ka tapos nasa ibang bahay pa talaga, buti na lang si Sib lang 'yong nakakita kasi kung nakita 'yon ng iba, I'm so dead na talaga.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Fiksi RemajaStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...