Kabanata 16

158 12 0
                                    

#NOL16

Sa mundong ating ginagalawan, pera ang higit na mas kailangan. Minsan kasi ang ibang tao ay nakakagawa na ng mga bagay na hahantong sa kanila sa kapahamakan o hindi na ito makakabuti sa sarili nila at sa mga taong malapit sa kanila. There is no permanent thing in this world kaya gagawa at gagawa ng paraan ang lahat. Sa kabilang banda naman ay mga mga tao ring naiipit, nagigipit kaya nakakagawa ng desisyon na hindi makakabuti sa sarili nila at sa nakapaligid sa kanila.

Kung ako ba ang naipit sa sitwasyong 'di ko naman ginusto ay ano ang gagawin ko? Paninindigan ko ba 'to o tatakbuhan na lang ito? Hindi ko alam.

As the month passed by parang nag iba na ang ihip ng hangin, nag iba ang ikot ng mundo, mabilis umikot ang oras, mabilis lumipas ang araw. It's been a month simula nung nagka-usap kami ni Madam and everything didn't went right pero pilit kong kinalimutan lahat ng 'yon. Less think. Less stress.

Nabalik lang ako sa huwisyo ko nang kalabitin ako ni Heinah.

"Ghorl, okay ka lang ba?" alalang tanong niya sa 'kin.

"Oo naman. May iniisip lang ako."

My mind keep on thinking about what Madam Mesha said. Anyways Stolen, think positive lang!

Nasa school na pala kami ngayon. Heinah's wearing a high-waisted pants and a white shirt with our I.D on her neck, actually same lang kamu ng outfit, mine was high-waisted pants and white shirt with I.D din.

PDPU has no specific outfits, kahit ano raw basta disente at 'di nakikita ang mga 'di dapat makita-inshort dapat 'di nakikita ang kaluluwa. Kaso sadyang may mga studyante lang talagang matigas ang ulo na halos lahat na ng part ng katawan nakikita na.

It was our breaktime from stressful subject and stressful professor. Naturingan nga siyang terror dahil sa pagiging perfectionist niya.

"Alam mo ghorl minsan parang gusto ko na lang sabunutan si Mr. Bernal habang nag di-disscuss! Nakakainis!" gigil na sabi niya.

"Gaga ka! Hinaan mo lang ang boses mo, 'pag ikaw narinig nun talagang manginginig talaga 'yang tuhod mo!"

"Ewan ko sa kanya, ghorl. Omg! Parating na sila!" Tumitiling sabi niya at itinuro ang Montevello cousins na parating sa pwesto namin.

Montevello cousins walks like they own the University.

Aaron Ken Montevello, one of Sib's cousin. Isa rin siya sa mga pinag titilian dito sa university, gwapo rin kasi pero mas gwapo si Sib. Isa rin sa Montevello cousins ay si Zeror Keir Montevello, magkapatid sila ni Aaron, gwapo rin siya kaso playboy nga lang, magkaiba sila ni Aaron kasi si Aaron, tahimik at seryoso. Sa mag pipinsan silang dalawa lang ang kilala ko kasi sila lang ang nandito sa pilipinas ngayon, ang iba kasi ay nasa states daw.

The nice thing here in PDPU is they treat the students fairly, walang bias, mapa scholar man o hindi. Even though PDPU is popular here in our province tumatanggap pa rin sila ng mga scholars.

"Ghorl pigilan mo 'ko, talagang sasabunutan ko 'yang si Tiffany, ang landi ng gaga! Hinahawak-hawakan pa ang braso ni Daze. Shutangina 'yang babaeng 'yan!"

Tumawa na lang ako at hiyaan siyang patayin si Tiffany sa mga salita niya.

"Hayaan mo na, as long as hindi niya sinusulot jowa mo ay walang problema,"

"Kasi ghorl alam mo rin ba? Balita ko rito na rin mag aaral si Keila, remember Keila? 'Yong ex ni Sib at ang nakakaloka na nakakagigil pa rito ay mag best friend 'yong dalawang 'yan. Talagang nananadya ang tadhana ghorl,"

"May tiwala ako kay Sib."

"May tiwala rin naman ako kay Daze. Sa mga higad na nakapaligid lang talaga wala."

Tama nga naman siya. Ang mga higad hindi basta-bastang napipigilan. Kahit anong taboy sa kanila para silang rugby na lakas kong makadikit.

"Hoy Heinah tulala ka riyan!"

Sumimangot siya at hinatak ang buhok ko.

"Sinisira mo 'yong pagde-daydream ko, gaga 'to! Bakit ba ha?" Inis na tanong niya.

"Gaga ka rin! Aalis na ako, may date pa kami ng jowa ko. Dahil wala kang jowa maiwan ka riyan!"

"May jowa ako uy! 'Kala mo ikaw lang, meron din ako!"

"So inaamin mo ngang kayo na?!

Nanlaki ang mata niya at tinakpan ang bibig ko.

"Ang ingay mo! Secret muna kasi!"

"Ewan ko sa 'yo, Una na ako. Kanina pa ako hinihintay ni Sib."

We were heading to somewhere na hindi ko alam. It's a surprise raw kasi sabi niya. It's three in the afternoon already at tapos na ang klase namin so we're free na gumala. Kahit kulitin ko siya ay ayaw niya pa ring sabihin. Ang echos masyado.

Katahimikan. Katahimikan ang bumalot sa 'min sa loob ng sasakyan. Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin ni Madam Mesha. Pagkatapos kasi nun ay nabangga ko si Keila. I don't know kung coincidence ba 'yon o hindi.

"Oh nothing . . . let's just say na mag-ingat ka dahil hindi lahat ng taong nakapaligid sa 'yo ay tapat at totoo. Face the reality."

Hindi ko alam kung anong sinasabi niya but one thing's for sure may kahulugan ang bawat salitang binitawan niya. May pinaparating at pinupunto kumbaga.

"You can go now."

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko sa paggalaw.

"Good luck. Mag ingat ka and if you don't want to get betrayed . . . unahan mo na," she said in a warning tone.

I just got back from my deep thoughts when a fingers cup my cheeks lightly. Napalingon ako sa nagmamay-ari ng mga daliring 'yon.

"Babe were here—wait you okay?"

Tumango lang ako at hilaw na ngumiti sa kanya. Bumaba na ako at sumunod sa kanya. May kinuha siya sa likod ng sasakyan, isang tela, basket na may lamang mga pagkain at 'yong gitara niya. Nasa bukana na kami ng gubat papasok sa Paraiso River. Parang alam ko na kung anong gagawin namin.

"Ba't 'di mo sinabi sa 'kin? Sana man lang iniform mo 'ko para matulungan kitang mag prepare sa mga dadalhin natin,"

Kinurot niya lang ang ilong ko at tumawa. His laugh makes my legs trembled. Shit nakakanginig ng tuhod.

"I love you and I'm willing to serve you as long as I'm here." He said and hug me tightly.

"I love you too and thank you." Niyakap ko rin siya pabalik.

After our cheesy moments na nakakakilig ay naglatag na kami ng tela sa mga may bato tapos inayos namin ang mga pagkaing dala niya. Ang rumaragasang agos ng tubig ay napakanda sa pandinig. Nakaka refresh kumbaga.

"What's with the paper bags?" tanong ko sa kanya kasi napansin kong may dalawang paper bags katabi ng basket.

"Open it," 'yon lang ang sinabi niya.

To my shock, ang laman ng isang paper bag ay some undergarments, tank top at high waisted shorts tapos sa isang bag naman ay damit niya. May kong anong humaplos sa puso ko sa ginawa niya. He's too much. Sobra-sobra ang pasasalamat ko na nakilala ko siya. I won't last a day without him by my side.

"How was it?" Nakangiting tanong niya.

"Thank you!" Niyakap ko siya at hinalikan, simple things pero ikinatuwa ko ng malaki.

"Anything for you."

We spent our remaining hours para maligo. Kumain kami, nag usap, nag tawanan, kahit ano ginawa namin. Niyaya niya pa nga ako sa falls, buti na lang marunong akong lumangoy kaya 'di ako natakot sa pagtalon. I already texted Rain na magagabi kami.

Being with him everyday makes me happy. Okay naman ako sa buhay ko, masaya naman ako sa buhay ko, kuntento na ako sa buhay ko pero mas lalo akong sumaya nang nakilala ko siya. Nabago ako sa tamang paraan simula noong dumating siya sa buhay ko. Now, he's my strength at the same time my weakness. He's my Simeon Benjamin.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon