#NOL9
Maaga akong gumising dahil balik trabaho na kami sa MSBAR. Bumangon ako at naghanda na para sa trabaho. I did my morning routine at pagkatapos ay bumaba na sa sala para mag agahan. Naabutan ko si nanay na naghahanda sa lamesa kaya lumapit na ako. Nagmano ako at tinulungan siya.
"Anak, may pasok ka na ba ngayon?" tanong niya.
"Opo nay. Balik trabaho na kami kasi papauwi na si madam galing California kaya maaga akong nagising." Sabi ko at tinulungan si nanay na mag handa sa hapag.
"O siya, umupo ka na at kumain para makapasok ka ng maaga,"
Ngumiti na lang ako kay nanay at nag simula ng kumain. Nang matapos akong kumain ay nag simula na akong ligpitin ang aking pinag-kainan at balak ko 'tong hugasan dahil may oras pa naman akong natitira bago ang start ng oras ng trabaho.
Aapila pa sana si nanay pero 'di na ako pumayag at hinugasan ko na ang mga pinag-kainan ko. Pagkatapos ko itong hugasan ay bumalik ako sa kwarto para kunin ang bag ko.
Pagkalabas ko ng bahay ay naglakad pa ako para mag abang ng sasakyan sa kanto. Nadaan ko ang bahay nila Heinah at saktong papalabas na rin siya kaya nag sabay na kami.
"Ghorl! I miss you!" sabi niya at kunyaring pahid sa pisngi pero wala namang luha ang lumabas.
Niyakap ko siya at pasimpleng hinila ang buhok. Napaigik naman siya pero halatang 'di naman nasasaktan, sadyang OA lang ang gaga.
"Na-miss din kitang gaga ka! Saan ka ba nagsusuot ha? Ba't 'di kita nakikita rito?" tanong ko sa kanya.
"May inasikaso lang kami nila nanay sa bahay ng tita ko. Pero ghorl pumunta pala ako sa france," sabi niya at sumabay na sa 'king maglakad.
Binatukan ko nga. Ang hambog ng gaga, may pa france pa eh ang layo nun.
"Aray ko ha!"
I rolled my eyes. Late reaction, halatang 'di naman nasaktan.
"Ewan ko sa 'yo! France ka riyan, baka kamo Yance',"
Ang yance' kasi ay isang lugar dito sa probinsiya. Actually isa siyang beach resort na pag aari ng isa sa mga mayayamang negosyante rito.
Ngumuso siya at kalaunan ay natawa.
"Nadali mo ghorl, talino mo talaga, sanaol."
Inismiran ko lang si Heinah at nag simula ng pumara ng tricycle.
Nagkwe-kwentuhan lang kami sa loob ng tricycle at iki-nwento ko rin sa kanya ang nangyari sa amin ni Sib nitong mga nagdaang araw. Panay ang tili niya at hinahampas pa ako sa balikat. Napatingin tuloy ang driver sa kanya.
"Ano ba! Masakit kaya, gaga 'to." Sabi ko at hinimas himas ang braso kong namumula dahil sa hampas niya.
"Kasi naman, eh! Nakakakilig 'yong confession niya ghorl, sanaol pa rin,"
Tumawa na lang ako at hinayaan siyang kiligin.
"Heinah 'wag ka ngang parang tanga riyan kakangiti, malapit na tayo kaya umayos ka baka dumating na si madam," sabi ko sa kanya at umasim bigla ang mukha niya.
"Ghorl speaking of madam, alam na ba niya 'yong tungkol sa inyo ni Sib?"
Napa buntong-hininga ako at umiling sa kanya. Kinakabahan ako sa ano man ang magiging reaksyon ni madam pero sabi ko nga keri lang 'to.
"Hoy natahimik ka yata," sabi niya.
"Wala. Tara na pasok na tayo," sabi ko at bumaling na sa tricycle driver. "Manong ito na po bayad namin, dalawa 'yan." sabi ko sabay abot sa bayad.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Teen FictionStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...