#NOL21
Sabi nila walang ibang masasandalan pagdating sa problema kung hindi ang pamilya . . . Pero paano kung ang iyong pamilya mismo ang magdulot sa 'yo ng problema? Ano nga ba ang dapat gawin?
Naisip ko lang kasi na paano kung dumating kami sa puntong kami lang pala ang magkakasakitan.
Everything happens for a reason so we should learn how to hear and how to understand pero what if sarado na ang isip ng isang tao dahil sa narinig niya? That was the most difficult happenings for me.
Sabado ngayon pero wala kaming date ni Sib kasi susunduin niya ang lola niya . The long wait is over. Nasa bahay lang ako at nagpapahinga sa trabaho at sa pag aaral. I feel like I will breakdown sa sobrang drain. Nakakapagod. Nakakaubos.
"Ate sure na talaga? Ayaw mong sumama? Bahala ka, masarap daw 'yong mga mangga sabi ni Kuya Harold."
Inirapan ko lang si Rain. Nagpapa-inggit na naman ang bruha palibhasa chillax lang sa life niya. Pupunta kasi sila sa kabilang bayan, sa bahay ng Lola ko. Mag ha-harvest sila ng mangga. Sasama sana ako kaso nakakatamad talaga eh, sa tuwing naiisip 'kong babangon ako rito sa sofa parang ayaw ko talaga.
"Ayoko." Iling na sabi ko kasi talagang tamad na tamad na ako.
"Bahala ka! Desisyon mo 'yan. Alis na kami ha! Ikaw na bahala rito,"
Tamad lang akong tumango sa kanya at humiga ulit sa sofa sa sala. Nag scroll lang ako sa IG at ginawang libangan ang pag stalk sa mga sikat na artista at mga model.
"Anak sigurado ka na ba talagang hindi ka sasama? Nako 'pag ikaw hanapin ng lola mo ay paniguradong wala ka ng kawala kaya mabuti pang sumama ka na sa 'min para may kasabay ka papunta roon."
"Nay kapag nakapag pahinga na ako, susunod ako roon, promise 'yan nay,"
Anong pinagsasabi mo Stolen? Maypa ayaw ko-ayaw ko ka pa tapos papayag din naman pala. 'Pag kasi si Lola na ang naghanap hindi na talaga pwedeng tumanggi, minsan niya lang kasi kami makita.
"O siya! Sige mauna na kami. Kapag aalis ka na 'wag mong kalimutang isarado ang pintuan ha! Ang mga appliances 'wag mong hayaang naka andar. 'Yong mg-"
Pinutol na ni Ulan ang mga sasabihin ni nanay. Walang modo talaga 'tong batang 'to.
"Nay alam na ni ate 'yan. Kapag sinabi mo pa lahat 'yang mga bilin mo aabutan tayo ng bukas at saka 'yong tricycle na kinuha ko kanina pa naghihintay."
Lumabas na silang dalawa ni Rain dahil sina Tatay at Ked ay mauna na roon sa bukid, sa bahay ni Lola.
Wala akong ibang ginawa kundi matulog at kumain. Noong nakapag pahinga na ako ay naisipan kung mag linis sa bahay. I want to kill this boredom by cleaning the house. Nawala 'yong tamad ko pagkatapos kung makatulog. I feel refreshed right now. Tinali ko muna ang buhok ko at nag play ng music sa dvd player namin.
Remember the first day when I saw your face
Remember the first day when you smiled at meI don't know, I'm into music lately. Si Sib kasi palagi akong kinakantahan.
Remember the first day when you called my house
The way we held each others hand
The way we talked the way we laughed
It felt so good to find true loveJust like what the song says. Yeah it felt so good to find a guy and gives you a true love.
I knew right then and there you were the one
I know that he loves me 'cause he told me so
I know that he loves me 'cause his feelings show
When he stares at me you see he cares for me
You see how he is so deep in love
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Teen FictionStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...