#NOL28
If it is too good to be true . . . then it probably is—but NO! He isn't TRUE and his feelings is also FAKE. Loving someone can lead us to what we called HAPPINESS. I'm inlove and I'm happy but that was before I learn what's the truth and what's not. I hope this will be the last.
Sana ay ito na ang matinding rebelasyon sa lahat ng rebelasyon dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag meron pa. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'kin sa oras na mabuksan at mabasa ko ang laman ng envelope na sinasabi ni Keila.
Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa loob ng bahay. Wala yatang tao. Pagak akong napatawa. Pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Nangilid na 'yong luha sa gilid ng mga mata ko at malakas ang kabog ng dibdib ko wala pa man. Pagkapasok ko sa kwarto ay hinanap ko agad ang envelope na nakita ko nung nakaraang buwan.
Kahit nanginginig ang kamay sa sobrang kaba ay sinikap ko pa ring mabuksan ito. I can't really believe what I'm seeing right now. Hindi ko akalaing nagawa nila 'to 'di lang sa 'kin kun'di sa aming lahat. I wipe the tears because it's starting to fall.
"Stolen anak, nandiyan ka ba sa loob? Itatanong ko lang sana kung nakita mo na 'yong da-"
Umiling ako at pait na ngumiti sa kanya. Hindi ako makapaniwala.
"P-Paano 'yan napunta sa 'yo?! B-bakit mo 'yan pinakialaman ha?!" Nanginginig at nauutal na sambit niya.
"N-Nay b-bakit?!"
"Anong bakit? Akin na 'yan. Bakit ba nasa iyo 'to? Saan mo ito nakuha?"
"Nay bibigyan ko kayo ng pagkakataong magpaliwanag. Nay sabihin niyo lang kung bakit. Pangako makikinig ako nay,"
Napatuptop ako sa aking bibig ng bigla na lang humagulhol si nanay at umiiling na tumingin sa 'kin.
"Nay anong kasalanan ko? Sinakripisyo ko naman lahat, ah. Ginawa ko naman lahat. Hindi ako nanunumbat pero nay, nagsakripisyo rin ako sa pamilyang 'to. Ang iba malayang nakakagawa at nakakalabas sa ano mang oras at araw na gusto nila pero a-ako hindi. Kasi ako sa umaga nag aaral tapos sa gabi nagta-trabaho. Tahimik lang ako pero sa loob-loob ko nay gusto ko ng mag give up, nakakapagod. 'Yong tipong gusto ko na lang mahiga at matulog sa kama buong magdamag pero 'di ko magawa kasi kailangang kumayod. 'Yong tipong kahit antok na antok na ako sa loob ng classroom dahil kulang sa tulog pero pinipilit kong magising para may matutunan. Minsan nga naisip 'kong bakit may mga mahirap at bakit may mga mayayaman pero sino ba naman ako para kwestiyonin ang estado ng buhay natin? Tanggap ko naman pero nakakapagod din kasi minsan nay. 'Yong . . . 'Yong—" Hindi ko matuloy tuloy dahil may bumabara na sa lalamunan ko at lumalabas na ang hikbi ko. Hindi rin ako makahinga sa pag iyak.
Bakit napaka unfair ng mundo? Bakit nahahati ang estado ng mga tao? Hindi ba pwedeng pantay na lang ang lahat para wala ng maghirap? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang palagi?
"Ate papasok ako ha, hinahanap ka ni Ate Heinah—"
Umiiyak pa rin ako at 'di pinansin at 'di pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Ulan. Pagkapasok niya ay gulong gulo siyang nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni nanay. Lumapit si nanay sa 'kin at niyakap ako. Umiiyak din siya sa balikat ko.
"Nay n-niloko niya ako. Pinaniwalang mahal pero hindi naman pala ako. Pinamukha niya akong tanga sa loob ng isa't kalahating taon. Naniwala ako sa mga sinabi at sa mga kilos niya. Mahal na mahal ko siya nay."
"Anak mag-papaliwanag si nanay. Tutulungan ka ni nanay mawala ang sakit. Huminga ka muna anak. Aseneth pakikuha muna ng tubig ang Ate mo at pakitawag na rin ang Tatay at Kuya mo."
Ang ginawa ko upang maibsan ang ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ay huminga ng malalim at pinigilan ang pag hikbi. Hindi pa na-kontento si nanay at pinaypayan pa talaga ako kahit nakatutok na sa akin ang electric fan.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Teen FictionStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...