Kabanata 4

244 21 17
                                    

#NOL4

Tumakbo ako palabas ng library at palabas ng gate nila. I can't think properly. Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko 'yong sinabi ni Senyora. Parang unli, paulit-ulit.

You are nothing but just a gold digging bitch! You are nothing but a gold digging bitch!

Pinunasan ko 'yong luha ko habang tumatakbo papuntang kalsada para maghanap ng tricycle na masasakyan. Nang may makita na akong tricycle ay pinara ko ito agad.

"Saan tayo ineng?" tanong ni manong driver sa akin habang papasakay ako.

"Sa purok malayang magmahal pero 'di minamahal manong." madramang ani ko at puno ng pait ang tinig.

"Ha?" naguguluhang aniya.

"Echoss lang ho! Sa purok tres po." sabi ko kay manong.

Habang binaybay namin ang daan pauwi sa amin ay 'di ko maiwasang mamangha sa napakagandang tanawin. Probinsiya Paraiso is a kind of province that will surely amaze you, not just because of it's view but also the peacefulness of it.

Nadaanan namin ang papuntang burol kaya nag decide ako na tumigil muna rito.

"Manong dito na lang po pala ako." sabi ko at bumaba na sabay bigay sa bayad ko.

"Alam mo ineng, kung ano man ang problema na pinagdadaanan mo ngayon ay bandang huli malalampasan mo rin 'yan. Tiwala at dasal lang ang kailangan."

Napangiti ako. Dito ako bumaba sa daanan papuntang paraiso park, sa dulo 'yan ng burol malapit sa palayan dito sa lugar namin. Dadaan pa kasi ng palayan bago maka akyat sa burol. Kaya ito tinawag na Paraiso Park kasi para sa mga taong naninirahan dito ay paraiso ang lugar na 'to.

Pag akyat ko sa tuktok ng burol ay marami-rami na rin palang tao rito. May mga batang naghahabulan, may mga mag-jowang naglalaplapan, may mga single na nagse-senti o nagdadrama sa gilid, may mga mag asawang dinaig pa ang langgam sa katamisan at higit sa lahat may mga matatandang nag eenjoy sa tanawin at simoy ng hangin.

Umupo ako sa upuan malapit sa puno ng mangga. Buti at 'di ko nalimutan 'yong shoulder bag ko. Pag nalulungkot ako o nasasaktan may isang bagay lang na nagpapa-wala nito. Music. Music lover ako kaya 'pag mag isa ako nakikinig ako ng mga kanta o 'di kaya sinasabayan ko ng pagkanta ito. I love music, so much. It's like, after I hear any song, the pain would fade away.

After hearing the whole song and closing my eyes to cry the pain, I stood up and fix myself. Habang pababa ako ay nag vibrate 'yong phone ko. May tumawag.

"Hello Rain!" Pabalang na sabi ko. 'Yong kapatid ko pala ang tumawag.

"Ate nasaan ka na ba? Kanina pa may naghahanap sa 'yo rito." tarantang aniya.

"Wait. Pauwi na ako! Sino ba 'yan?" takang tanong ko sa kanya.

"Basta ate, umuwi ka na at dalian mo. Bye."

Mabuti na lang talaga at pakalat-kalat dito ang mga tricycle kaya madali akong nakasakay.

"Sa purok tres ho kuya, ito po pala 'yong bayad ko." I said and give the money.

"Sa kanto lang ba?" tanong niya.

Tumango ako. Hanggang kanto lang kasi bako-bako na 'yong daanan papasok sa amin eh.

"Opo kuya," sagot ko.

Tahimik lang ako buong biyahe. Nang dumating na kami sa kanto ay bumaba na ako at naglakad na papunta sa bahay namin. Madadaan 'yong bahay nila Heinah kaya tinignan ko. Ngayong day-off namin, 'di ko yata nahagilap ang gaga. Saan kaya nag susuot yung gagang 'yon. Baka tinanan na ni Sir Daze.

Kumatok ako sa pinto ng nasa harapan na ako ng bahay namin. Ang inexpect kong magbubukas sa 'kin ay si Rain since siya naman itong atat akong pauwiin. Laking gulat ko ng iba ang bumungad sa akin. One word to describe lang. Gwapo.

Natulala ako saglit bago nag salita. "Anong ginagawa mo rito?" Pinilit kong pakalmahin 'yong boses ko kahit nanginginig na ako sa kaba.

"Let's talk, please . . ."

Umirap ako. "Tabi nga! Dadaan po ako!"

"Tsss." maikling sabi niya at nilakihan ang siwang ng pinto para makapasok ako.

"Oh! Ikaw na bata ka! Saan ka ba galing at kanina pa itong nobyo mo nag-aantay sa 'yo rito." Ani nanay at pinalo ako sa braso.

"May dinaan lang po sa kabilang kanto." I lied. I had to.

"O sige, magbihis ka muna at mag usap kayo ng nobyo mo."

Nagmartsa ako papasok sa kwarto ko at nagbihis muna ng simpleng short at t-shirt bago lumabas sa kwarto. Lumapit na ako kay Sib.

"Anong pag uusapan natin?" mahinahong tanong ko.

"Why did you leave me there?" he asked seriously.

"May emergency." mahinang sabi ko habang umiiwas ng tingin sa kanya.

"Tsk. Lies." He said coldly.

"Totoo nga!"

Ano bang gusto niyang sabihin ko? Na kaya ako umalis kasi pinagsalitaan ako ng masama ng Lola niya? Gano'n? Ayokong sabihin kasi baka mag-away pa sila ng Lola niya. His Lola's words hurt me but I won't make it as an excuse for them to fight over small things like that.

Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, magugustuhan tayo ng tao. May mga tao lang talagang mapili. In the case of his Lola, mas gusto lang siguro nitong mapunta ang kanyang apo sa mga katulad lang din nila.

'Yan ang isa sa mga ayaw ko sa mayayaman. The way they control each of their family members' lives. I hate it. Parang wala ng freedom dahil doon. It's like, bata ka pa lang, nakatatak na sa utak mo na, you are bound to be with someone you don't love, someday. You don't have any freedom to choose whom you will love because nakalaan ka na sa isang tao.

"Again, why did you leave me there?" ulit na tanong niya.

Napabuntong-hininga ako at pagod na tinitigan siya. Ayaw niya ba talagang i-give up ang usapang 'to?

"Unli ka sir? Paulit-ulit! Sabing may emergency nga."

Maniwala ka na lang kasi para tapos na ang usapan. Tutal, pretend lang naman 'to kaya bakit papahabain pa natin, 'di ba? Things like this should be not taken seriously kahit ako 'yong nasaktan.

"I heard what did granny said."

"Oh tapos?"

"Don't believe her." seryosong aniya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Mapakla akong napatawa. Don't believe her? Bakit ba niya sinasabi ang mga 'to? Dahil naawa siya sa 'kin? Concern siya? We were just pretending after all for fucking sake! Kung may gano'n man, pwede niya namang palampasin 'yon. If her granny's words are true then I have nothing to do but to shut my mouth up and accept it.

Alam ko sa sarili kong, delikado na ako. Because as the moment I've heard those words, I got hurt. At isa lang ang ibig sabihin nun. Mahal ko na siya. Nahuhulog na ako sa kanya. Sino ba naman kasi ang 'di mahuhulog sa kanya? Pa-fall siya ng sobra-sobra.

I know it was all just an act pero pakiramdam ko kasi totoo lahat ng mga ginagawa niya sa akin. It's like we are not pretending anymore. 'Yong pagiging sweet at mabait niya sa 'kin. As time passed, I can see his development. I can see how he changed, he changed for the better.

"Bakit 'di ako maniniwala sa kanya? She's your grandmother after all, Sib." malamig na sambit ko.

He look straight in my eyes and lick his lower lip.

"Just trust and believe in me, love."

I gasped at the last word. Oh my God?!

Umiwas ako ng tingin. Kasi 'yong tingin niyang napakalamig ay nakakatunaw. I literally froze after I heard him calling me, love.

He took a step forward and put my hair behind my ear. He crouch down until our lips are just inch away.

"Sa akin ka lang naniwala." He huskily whispered and crush his lips on mine.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon