Kabanata 29

195 8 3
                                    

#NOL29

Gumising ng lutang, bangag, walang tulog, masakit ang ulo at mugto ang mata sa kakaiyak - lahat ng 'yan ay ako. It's three in the afternoon pero nakahiga pa rin ako sa kama, ayokong bumangon, wala akong ganang kumain, mag ayos at pumasok. Kakatapos lang din naman ng exam namin and wala akong kailangang i-comply.

"Ate baka naman pwedeng kumain ka na. Hindi ka nakakain ng umagahan at pananghalian. Nag aalala na kami sa 'yo ate lalong lalo na si nanay."

I was in a deep thought ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Umayos ako sa aking higaan at bumangon na. Nang marinig ko kasi ang pag alala sa boses niya ay natauhan ako.

"Ate lalaki lang 'yon, hindi dapat iyakan at 'di dapat luksaan. Manigas siya at pinakawalan niya ang tulad mo, leche siya! Nambu-bwisit ako sa mga gagong tulad niya."

Mahina lang akong natawa at tinanguan siya. May point naman kasi, lalaki lang 'yon. Pero kasi sa tuwing naiisip ko'yong panlolokong nagawa niya nawawalan ako ng gana.

"Ate kapag tapos ka ng kumain, tawagin mo lang ako para maligpit ko ang pinagkainan mo."

Perks of having a sister na madaldal, minsan nga napapaisip ako . . . ako ba 'yong kapatid nito o si Heinah? Magkatulad kasi sila—parehong madaldal.

Umiling ako. "Hindi na, ako na." I insisted. Malat ang boses ko pagkasambit nun.

Bumuntong hininga siya at ngumiti sa 'kin. Agad naman siyang tumayo at umalis nang makita niyang kumilos na 'ko. Nagsimula na akong kumain kasi gutom na gutom na rin ako, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko 'to pero hindi muna ako bumaba. Pumasok ako sa aking kwarto at nagsimula ng maglinis ng katawan. Kinuskos ko nang kinuskos ang buong katawan para mawala ang bahid ng panloloko niya. Nangilid na naman ang luha ko. Everytime I think of him, I always feel like I'm not worth it. How could he hurt me like this when in fact ipinangako niya sa 'kin na hinding-hindi niya ako sasaktan! Those nights that we spent, sinabi niya sa 'king mahal niya ako! Those roadtrip and soundtrip with him? He told me kung gaano siya kasaya na dumating ako sa buhay niya and yet? Wow potangina ang gago niya!

After my routine at the CR ay nagbihis na ako. I wear my peach tank top and black highwaist shorts. I promise, starting now hinding-hindi ko na siya iiyakan pa. Ang mga manloloko ay dapat kinakalimutan at hindi iniiyakan. Easy to say but harder to do so. Am I ready to see him? Maybe yes or maybe no. Magkikita kami ngayon to clear things, he requested it at kahit ayoko ay namilit siya. He promised that this will be the last time so I agreed.

"Tangina kang gago ka! May gana ka pang pumunta rito pagkatapos mong lokohin at saktan ang anak ko?!" Nanggangalaiting sigaw ni tatay at kinwelyuhan si Sib.

I'm shock at what I'm seeing. I always see Tatay as a calm person pero ngayon galit na galit talaga siya.

"T-Tito . . . I-im so sorry for what I've done to your daughter. I regret hurting her. Please Tito let me talk to her and I will explain everything."

"Aba makapal ka ring gago ka, ano?! Pagkatapos mong makipaghalikan sa ibang babae ay pupunta ka rito? Wala ka man lang bang konsiderasyon? Hindi ka na mahiya!"

"About that Tito I will explain. Nasa sa inyo na kung maniniwala man kayo o hindi pero hindi ko siya hinalikan. Pinlano niya 'yon para sirain kami ni Stol. She's a fucking bitch and a fucking desperate girl." He said angrily.

Sasagot na sana si Tatay ng malingunan ako. Sib look at me almost begging to talk to him and believe him. Kung ano man ang ipapaliwanag niya.. hindi ko alam kung paniwalaan ko pa ba.

"Tay bitawan niyo po siya. Mag uusap po kaming dalawa."

Komontra agad ang mga kapatid ko.

"Ate! Kakausapin mo 'to? Itong lalaking nanloko sa 'yo?! Ate naman, iniiyakan mo pero kaunting pagmamakaawa lang bumigay ka na agad!"

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon