This chapter is dedicated to Chaethea_, hazelpypn
#NOL1
• • •
Naglakad ako papasok sa trabaho kasi walking distance lang naman siya. Isa rin sa dahilan kaya ko nilalakad ang pagpasok sa trabaho kasi madadaanan ang bahay nila Heinah, siyempre sabay kaming papasok. Papunta na nga ako sa bahay nila ngayon.
Itong babaetang 'to napaka bagal talaga kumilos, pagpasok ko sa bahay nila hindi pa naliligo kasi kakagising niya lang daw, like what? Alas nuwebe na ng gabi kakagising lang niya? Gabi kasi 'yong duty namin sa pinagtatrabahuhan namin, start kaming mga alas nuwebe ng gabi tapos uuwi ng alas tres ng madaling araw kaya buong araw tulog.
"Ghorl 'wag na lang you maligo tutal takot ka naman yata sa tubig." Nakangiwing sambit ko.
Tamad 'to maligo eh. Minsan kapag inaatake talaga siya ng katamaran, tatlong araw sa isang linggo lang naliligo. Sinamaan ako ng tingin ng gaga kaya sinamaan ko rin ng tingin.
"Ouch pain." I glared at her, sinapak ba naman ako ng unan. Sinamaan ko nga ulit ng tingin.
"Sama ng tingin, galit na galit gustong manakit." Natatawang sabi niya.
Aba gumanti ba naman ang gaga. Akala yata walang kasalanang ginawa sa akin.
"Aba ang lakas ng loob mo'ng manapak. Anong pinaglalaban mo?Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sa akin."
Kala yata ng gaga madadaan ako sa pa awa-awa effect niyang 'yan. My ghad! We're best of friend pero minsan naiinis talaga ako sa kakulitan niya.
"Ghorl sorry na talaga, mapapatawad pa ba?"
Natatawa pa, nag so-sorry 'di naman seryoso.
"Mapapatawad pa naman . . ." Nakangiti pa ako niyan ha. Well, uto-uto pa naman 'to minsan.
"Talaga? Omg! Kaya lab kita eh." Aniya, sabay hug, wow masaya pa talaga siya, sarap ipalapa sa aso ng kapitbahay namin.
"Pero . . ." Siyempre pabitinin natin ng kabahan ang gaga.
"Pero ano? Akala ko ba okay na?" paawa effect pa 'yong boses, tunog kambing naman char ang harsh ko na.
"Sumayaw ka ng sayaw kikay at bakit papa sa gitna ng kalsada habang naka lagay ng uling sa mukha."
Pasalamat siya 'yan lang papagawa ko sa kanya, mas malala pa nga 'yong gagawin ko eh.
"Zayineth seryoso ka ba?!" Nanlaki ang mata niya, sabagay malaki naman talaga yung mata niya, charot lang.
"Seryoso ako Havilah, kung i-rerate natin 'to, nasa one hundred percent na 'yong pagka seryoso nito."
Pinanatili kong seryoso ang aking mukha para effective ang drama. Hindi pwedeng hindi masunod ang utos ko kasi gantihan lang naman 'to.
"What? Seryoso talaga?" 'Di makapaniwalang sabi niya.
Her eyes widened and her lips paled.
"Seryosohan 'to ghorl kahit 'di ka sineryoso, awts peyn iyak ghorl." Asar ko sa kanya kasi alam kong pikon siya.
"Alam mo Stolen Zayineth Dela Vera-Montevello, bagay talaga kayo ni Simeon Benjamin Montevello."
Diniinan pa ang montevello, giatay! magaling din 'tong isang 'to, 'pag inatake mo aatake pabalik.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
JugendliteraturStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...